CMS chapter 6

28 0 0
                                    

Summer's POV

Mabilis lumipas ang mga araw.

Huwebes ngayon at kasalukuyan kaming nakatambay dito sa UST habang nagpapahinga. Katatapos ng P.E namin, hinihintay namin si Marco at Clint. Dati ay kaming dalawa lang talaga ni Rayzelle ang tumatambay dito. Ngayon ay apat na. Magmula noong sumabay si Marco samin ng lunch, madalas na siyang sumasama sa'min. Naging tambayan na din nila dto. Si Clint ay nakakasama naman talaga namin ngunit si Marco ay nakakapanibago.

May napapansin din akong kakaiba sa mga kinikilos nito. Madalas ay ipinagwawalang bahala ko nalang dahil sabi nga ni Clint noong nakaraang magkausap kami, huwag daw akong nagpapalinlang sa mga nakikita ko. Ngunit iba ang pakiramdam ko.

And speaking about Marco, heto't natatanaw ko na siyang papalapit sa'min bitbit ang ilang bote ng mineral water.

Bakit hindi sila magkasama ni Clint?

Tumingin pa ako sa likuran nito nagbabakasakaling nahuli lang ito sa paglalakad ngunit wala namang nakasunod.

"O, tubig niyo." Inilapag nito sa concrete table ang mga bitbit at dali-dali namang kumuha si Rayzelle ng tubig. Kumuha din ako.

"Oh, asan si Clint?" Tanong ni Rayzelle habang binubuksan ang isang mineral water.

"Pinatawag ni ma'am Fernandez," Sagot naman ni Marco habang pinapapak ang ilang chichirya na dala nito. "Oo nga pala," dagdag nito at tumingin kay Rayzelle, "pinapapunta ka din. Nasa faculty sila."

"Bakit daw?" Nagtatakang tanong naman ni Rayzelle matapos uminom ng tubig.

"Malay ko. Puntahan mo para malaman mo." Masungit na sagot ni Marco sa kanya. Sa mga nagdaang araw na nakakasama ko si Marco, napatunayan ko na masungit nga talaga ito. Akala ko ay sakin lang ngunit ganun din ang trato nito sa mga kaibigan.

"Mamaya. Nakakapagod maglaro e." Normal na sagot ni Rayzelle sa kanya. Sanay na sanay sa pagsusungit nito.

"Paanong hindi ka mapapagod e panay ka iwas sa bola. Puro ka takbo e." Sagot naman ni Marco na tinutukoy ay yung laro namin kanina sa Volleyball. Sa buong paglalaro kasi namin walang ibang ginawa si Rayzelle kundi iwasan  at takbuhan ang bola tuwing mapupunta ito sa direksyon niya. Matalino si Rayzelle, oo. Ngunit wala itong hilig sa outdoor games. Lagi kasing nakatutok sa mga libro. "Buti pa si Summer, magaling maglaro." Papuri sakin ni Marco na hindi ko inaasahan. Yiiieh. Akala ko ay balewala talaga ako sa paningin niya. Napapansin niya din pala ako. Kahit papaano'y alam kong hindi na ako hangin sa paningin nito.

Bahagya akong napangiti.

"Malamang. Sports niya yan e," Sagot ni Rayzelle sa kanya at saka tumayo. "Iwan ko muna kayo a, pupunta na ako sa faculty. Baka hinihintay na ako nila ma'am Fernandez."

"Ge lang." Tipid na sagot naman ni Marco.

"Sumz," Tawag nito sa pangalan ko. "Iwan ko na mga gamit ko. I'll be back."

"Okay. Go ahead." Pagtataboy ko sa kanya habang nakangiti. Bahagya pa itong umiling at umalis tangay ang ilang chips na dala ni Marco kanina.

This girl.

Tinanaw ko siya hanggang mawala sa paningin ko. Maya-maya pa ay...

"Here. Kumain ka." Nagulat ako ng abutan ako ni Marco ng sandwich. Madalas ganito ang eksena namin, lalo na nitong mga nakaraang araw. Bigla-biglang ipapatawag si Rayzelle o kaya ay si Clint sa faculty at ang ending kaming dalawa ni Marco ang maiiwan. Na ikinakatuwa ko naman. Syempre, nasosolo ko si Marco. Kahit papaano kasi ay unti-unti ko siyang nakikilala. Sa tagal naming naging magkaklase, ngayon ko lang yata siya nakasama ng ganito. Nakakasama naman nami siya noon ngunit mailap talaga.

Chasing My StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon