CMS chapter 9

15 0 0
                                    

Note: Play the video later. ^_^

RAYZELLE'S POV

Nagising ako kinabukasan na parang kay bigat ng aking pakiramdam. Ta-trangkasuhin pa yata ako. Gayunpama'y mabilis akong gumayak para pumasok sa paaralan.

Sa officer's room ako dumaretso tulad nitong mga nakaraang araw. Iiwan ko lang ang ilang gamit ko at ang mga requirements na kailangan kong tapusin ngayong linggo. Babalikan ko nalang mamaya kung sakaling may vacant time. Paniguradong abala din ang ibang teachers namin ngayon.

Papunta na ako sa classroom namin nang makasalubong ko pa si Ms. Abuela at may ipinakiusap sa akin. Matapos niyon ay agad din akong naglakad patungo sa classroom. Sa hallway ay tanaw ko ang grupo nila Sarah na as usual nagchichikahan na naman.

Si Summer ba iyon?

Agad akong lumapit sa kanila.

"Good morning, girls!" Masayang bati ko sa mga ito.

"Good morning, Rayzelle!" Ganting bati naman ng mga ito.

"Naunahan kitang pumasok ngayon." Pagmamalaki ni Summer.

"Seems that it's your lucky day. Tinanghali ako ng-achooo!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang akong bumahing sa harapan nila. Mabuti nalang at natakpan ko agad ang bunganga't ilong ko gamit ang braso ko.

"Yuck, Rayzelle. May balak ka bang magkalat ng germs dito?" Sita ni Cheska na nagwisik ng alcohol sa hangin.

"Sorry. Hindi ko-achoo!" Sunud sunod na bahing ko ulit.

"You okay?" Nag-aalalang tanong ni Summer.

"Yeah. I'm really sorry. I didn't mean it." Sagot ko sa kanila at kumuha ng tissue sa bag ko. Mabuti nalang at lagi akong may dala nito. "Excuse me." Paalam ko sa kanila at pumasok sa classroom. Inilapag ko ang aking mga gamit ng mahagip ng paningin ko si Marco na nakaupo sa kanyang upuan. Nakatungo.

Marco...

Parang biglang nag-init ang pakiramdam ko.

"Rayz? Are you sure you're okay?" Dinig kong tanong ni Summer. Sumunod pala. "Namumula ka."

Shit. Namumula?

Dahil siguro medyo hindi maayos ang pakiramdam ko.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga saka bunaling kay Summer. "Yeah. Ayos lang. Don't worry." Nakangiting sagot ko dito at saka lumapit sa upuan ni Marco.

Bahagya kong sinipa ang paa ng upuan nito.

"Ano ba!" Galit na reklamo niya saka tumingala. "R-rayzelle!" Gulat na sambit niya sa pangalan ko matapos magtama ang aming mga mata.

Parang biglang tumigil ang oras. Hindi ko na naman marinig ang ingay ng mga kaklase ko. Para akong dinala sa ibang dimensyon ng mundo.

Anong nangyayari?

"I-Ikaw bang sumipa?" Tanong nito ngunit nakatingin lang ako sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko. "Rayzelle? Huy!" Bigla itong tumayo saka pumitik sa harap ng mukha ko.

"Ba-bakit ganyan yang mga mata? Napuyat ka rin?" Wala sa sariling tanong ko.

"Ha? Hindi. Psh. Hindi lang ako nakatulog ng maayos." Sagot nito at muling umupo.

Hindi rin siya nakatulog? Bakit kaya?

"O, ano bang problema mo? Bakit mo sinisipa yung upuan?" Masungit na tanong pa nito.

Chasing My StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon