CMS chapter 10

42 0 5
                                    

CLINT'S POV

Papasok na ako sa gate ng school nang makarinig ako ng tunog ng tumigil na sasakyan. Lumingon ako para tignan ito. Biglang gumanda ang pakiramdam ko nang makita ko ang isang dyosang pababa doon.

Agad akong lumapit dito.

"Good morning, beautiful!" Masayang bati ko na ikinagulat niya pa.

"C-clint! Good morning din." Nakangiting bati niya.

Ang saya talaga ng pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mga ngiti niya.

"G-good morning, Sir!" Bati ko din sa Daddy niya nang mapansin ko siya sa driver's seat. Sumaludo pa ako dito ngunit tango lang ang tugon niya.

Oo nga pala't si Tito ang taga taga hatid at sundo niya ngayon.

"Dad, we're goi-"

"Not so fast, princess." Putol ng Daddy ni Summer sa sasabihin niya. "May nakalimutan ka." Itinuro ni Tito ang pisngi niya sa nagtatakang si Summer.

Agad namang suminangot si Summer ng matukoy ang ibig sabihin ng Daddy niya.

Muli siyang pumasok sa loob ng sasakyan at binigyan ng isang mabilis na halik sa pisngi ang ama.

"We're going. Drive safe, okay?" Paalala niya pa at mabilis na bumaba sa passenger's seat pagkatapos ay binuksan naman ang pintuan sa back seat at kinuha ang isang case ng gitara.

Para saan naman yan?

"Bakit yan?" Nagtatakang tanong ko. "Tulungan na kita." Alok ko nang akma na niyang isusukbit sa balikat ang guitar case.

"Salamat." Sambit niya at isinara ang pintuan ng sasakyan. Muli pa siyang nagpaalam sa ama na seryoso namang nakatingin sa akin.

"Take care of my princess, okay?" Sambit pa ni Tito Ross na ikinagulat ko.

"Y-yes, sir." Utal na sagot ko.

"Daaaad!" Protesta naman ni Summer. "Tara na nga, Clint!" Dagdag pa niya saka ako hinawakan sa kamay. Napangiti ako. "We're going, Dad!" Paalam niya sa Daddy niya at hinila na ako palayo.

"S-summer." Usal ko sa pangalan niya nang makapasok na kami sa school. May mangilan-ngilan na ring estudyante.

"Don't mind my, Dad. He must have gone crazy." Sambit niya habang patuloy sa paglalakad.

"Kahit naman hindi niya sabihin yun e, aalagaan pa rin kita." Mahinang sambit ko dahilan para huminto siya sa paglalakad.

"And why would you do that?" Taas kilay na tanong niya.

"Syempre, baby-"

"Whaaaaaat?!" Sigaw niya nang hindi pinapatapos ang sasabihin ko. Napatingin tuloy yung ibang estudyanteng pakalat kalat pa sa paligid. Take note, hawak niya parin ang kamay ko. "Anong baby??"

"Patapusin mo muna ako, okay?" Kalma ko dito sabay pisil sa malambot niyang kamay.

"Okay." Sambit nito at biglang hinila ang kamay.

Sayang!

"Baby-"

"Hep!" Pigil niya at tinignan ako ng masama.

"Let me talk, okay?" Ngingiti-ngiting sambit ko saka siya tinitigan. "Aalagaan kita kasi..." Pambibitin ko at bahagyang lumapit sa kanya. "baby..." biglang tumaas ang kilay niya. Pero kitang kita ko ang bahagyang paglunok niya. Cute. "Aalagaan kita kasi baby ka ng Mommy mo." Nakangiting sambit ko.

Chasing My StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon