CMS chapter 8

24 0 0
                                    

SUMMER'S POV

Maaga akong pumasok sa school tulad ng napagkasunduan namin ni Rayzelle noong Friday. At kahit hindi niya sabihin, maaga talaga akong papasok.

Tinawagan ko siya kahapon at noong isang araw para sana yayaing gumala ngunit panay ang tanggi nito. Marami raw siyang gagawin. Kaya ayun, buryung-buryo ako sa bahay. Hindi na nga ako nakalabas, hindi ko pa nasilayan ang gwapong mukha ni Marco. Nakakapanghina.

Buti nalang talaga nakapagbakasyon si Daddy. Kahit papaano'y naging makabuluhan naman ang weekend ko. We played the guitar, sing our favorite songs and Mom cooks delicious foods. Next week naman ay isasama daw ako ni Daddy sa firing range malapit dito sa lugar namin. Yayayain ko sila Rayzelle!

Malapit na ako sa classroom namin ng matanaw ko si Marco. Ang saya naman!

"Marcoooo!" Tawag ko dito. Buo na agad ang araw ko!

Mabilis akong lumapit sa kanya. "Good morning." Masayang bati ko.

"Mm. Morning." Seryosong tugon naman niya.

"San ka pupunta?" Tanong ko ng akma itong aalis na.

"Ah. Sa Quadrangle. Nandoon na yung iba."

Quadrangle?

Oo nga pala! May announcement ngayon.

"Wait, sabay ako. Ilalagay ko lang itong gamit ko sa loob." Pigil ko dito at agad pumasok. Pagkarating ko sa upuan ko ay ayun na naman yung heart shape na post it note.

You're my ray of sunshine on a cloudy day.

Natawa ako sa nakasulat doon.

Anong kakornihan na naman ba ito?

"Hey! Are you coming?" Tawag ni Marco mula sa labas.

"Yes! Coming." Sagot ko at basta nalang inilagay sa loob ng bag ko yung note at dali-daling lumabas.

Kunot ang noo ni Marco'ng nakatingin sa akin.

"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"Wala. Tara." Sagot lang nito at nauna ng maglakad. Sununod nalang ako.

"Sila Rayzelle?" Tanong ko.

"Nauna na." Seryosong sagot naman niya. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng lalaking ito. Minsan mabait. Madalas masungit.

Pagkarating namin sa quadrangle ay marami-rami na rin ang mga estudyante. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin si Rayzelle ngunit hindi ko siya makita.

"Tara don." Turo ni Marco kung nasaan ang mga kaklase namin at nauna na namang maglakad. Nagkibit balikat nalang ako.

"Good morning, students!" Masiglang bati ni Principal Orteza habang hawak ang mic sa kanang kamay. Sa kaliwa nama'y may hawak itong papel.

"Good...mor...ning, Prin...cipal Or...teza." Sabay-sabay na bati ng mga estudyante. Patuloy parin ako sa paglinga para hanapin si Rayzelle.

"...And two weeks from now will be our social night. I want everyone to attend. I want you to enjoy your stay here especially the freshmen. The dance floor will be open for everybody so that you can enjoy the party to the fullest..."

Natigil ako sa paglinga ng marinig ko ang sinabing iyon ni Principal Orteza.

Bakit ganun? Nung freshmen kami ay hindi kami pwedeng sumayaw a. At saka, hindi kaya magiging magulo iyon? Sa dami ba naman ng estudyante.

Chasing My StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon