CMS chapter 12

25 0 0
                                    


DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
——————————————————————————————————

SUMMER'S POV

Friday.

Kriiiiiiing. Kring. Kring.

TUMUNOG ang bell hudyat na tapos na ang klase.

"Okay, class, for your assignment, please answer activity bla bla bla..." Sambit ng teacher namin na sinundan naman ng ungot nang ilang mga kaklase ko.

Tapos na nga ang oras, magpapahabol pa ng assignment! Ano ba naman yan! Kaninang umaga ko pa naririnig yang assignment na yan. Halos lahat yata ng teacher namin nag pa-assignment. Paano ko ma-e-enjoy ang weekend ko?

Matapos mag-iwan ni ma'am ng assignment ay umalis na din siya kaya naging magulo na ang classroom.

Maya maya pa'y lumapit na sa'min si Rayze at si Clint.

"Pupunta kami sa faculty. Kakausapin pa daw kami ni ma'am Fernandez." Paalam ni Rayzelle na parang hapung-hapo.

"Hintayin ko kayo." Sagot ko.

"Hindi na. Baka matagalan kami doon e. Baka mainip ang Daddy mo sa paghihintay." Tanggi niya.

"Okay lang naman yun kay Dad. Sabihin ko may practice kami." Giit ko.

"Hindi na. Magkikita naman tayo sa bahay mo mamaya e."

"Sige na nga! I-text mo ako kapag pupunta na kayo a." Pagsuko ko.

"Oo na. See you later!" Sambit niya saka ako tinalikuran.

"See you later, gorgeous!" Paalam naman ni Clint at kumindat pa bago umalis.

Sira ulo.

Pagbaling ko sa kaliwa ko'y nandoon pa si Marco na ikinagulat ko.

"Hi-hindi ka ba sasama sa kanila?" Tanong ko.

Nakita niya kaya yung ginawa ni Clint? Kung bakit ba kasi hilig nung kindat-kindatan ako e.

"Wala naman akong gagawin dun. Tara." Yaya niya sabay sukbit ng bag niya sa kanyang balikat.

"S-saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa labas. Hindi ka pa ba uuwi?" Seryosong tanong niya.

"U-uwi na. Tara." Sagot ko at mabilis na inayos ang mga gamit ko.

Hindi ko inaasahan na yayayain niya akong umuwi na. Yiiiieh. Ayun na naman yung mga paru-parung naglilikot sa aking tiyan.

Sabay kaming naglalakad palabas ng gate kaya pinagtitinginan na naman kami ng ilang estudyanteng nakakasabayan namin.

Sino ba namang hindi mapapatingin kung ang tulad ni Marco ang makakasabay mo. Ang saya naman! Hindi pa naman tapos ang araw pero binuo na agad ni Marco.

Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti habang naglalakad.

"Who are you thinking?" Tanong niya maya maya.

"Huh?" Gulat akong napatingin sa kanya saka binagalang maglakad.

"Ngumingiti ka mag-isa. You probably thinking of someone." Seryosong sabi niya.

Chasing My StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon