CMS chapter 11

38 0 0
                                    

SUMMER'S POV

"21-9. Change court!" Sigaw ni Trisha na siyang nag-o-officiate sa'min habang naglalaro kami ng badminton dito sa gym.

Activity na naman namin ngayon. Tatlo sa isang grupo. Maglalaro ang dalawa habang mag-o-officiate ang isa.

Second game ko na. Kami ni Trisha ang unang naglaro at kung sino ang mananalo ay siyang makakalaban ng next player. Heto nga't nasa second set na kami ng second game. Kalaro ko si Rayzelle.

"Rayze, ayusin mo naman ang laro mo. Para kang walang energy e." Reklamo ko sa kanya.

Sa first match kasi naman ay panay ang palya niya. Kung hindi niya matatamaan ang shuttlecock magmimintis naman siya sa serving. Nakakaloka. Hindi naman siya ganyan mag laro ng badminton e. Sa lahat ng sports, dito siya marunong.

"Sorry." Tanging sagot niya saka uminom ng tubig bago bumalik sa pwesto niya. Hinihingal pa.

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko.

"Oo naman." Sagot niya habang iwinawasiwas ang kanang kamay na siyang may hawak na raketa. "Game!" Nakangiting sabi niya at itinaas ang raketa.

Pumito naman si Trisha pagkatapos ay sumigaw.

"Serve!"

Itinaas ko ang kaliwang kamay kong may hawak ng shuttlecock saka ipinosiyon naman patalikod ang kanang kamay kong may hawak sa raketa. Binitawan ko ang shuttlecock at mabilis itong hinampas gamit ang raketa papunta sa kanya.

Mabilis niya naman itong hinampas pabalik sa'kin. Nakailang hampas na kami sa shuttlecock ay hindi pa rin ito bumabagsak. Nababagot ako. Nang muli itong bumalik sa akin ay hinampas ko ito ng malakas.

"1-0." Sigaw ni Trisha.

Dinampot ni Rayzelle ang shuttlecock saka ibinato sa'kin.

Muli akong pumwesto para mag serve. Kagaya nung una, hinampas ko ito ng malakas at hinampas din ni Rayzelle pabalik sa'kin. Nung makabalik sa'kin ang shuttlecock ay hinampas ko lang ito ng mahina sakto lang para makalagpas sa net. Hindi natamaam ni Rayzelle.

"2-0."

Dinampot ko ang shuttlecock gamit ang raketa saka muling nag-serve. Nakapwesto si Rayzelle malapit sa net. Kaya gaya nung unang serve ko, nilakasan ko ito. Kapag nasa dulo siya ng court ay hinihinaan ko ang hampas. Kapag lumalapit naman siya sa net ay nilalakasan ko ang hampas. At kapag nasa bandang kanan naman siya ng court ay hinahampas ko ang shuttlecock papunta sa kaliwa. Vice versa.

"Ano? Kaya pa?" Natatawang sambit ko sa kanya ng hindi niya na naman natamaan ang shuttlecock. Hinihingal niya itong pinulot gamit din ang raketa saka ibinato sa'kin.

"Pinapagod ko ako, Summer." Mahinang sambit siya habang iwinawasiwas ang kamay.

"Haha. Ayusin mo kasi. Hindi ka naman ganyan maglaro a. Ano na? Pumapalya ka na." Pang-aasar ko.

"Nanginginig ang kamay ko." Sagot niya saka pumwesto.

"Patapos naman na tayo e." Bumaling ako kay Trisha. "Ano ng score, Trish?"

"8-1." Sagot niya.

"Konti na lang, Rayze, matatalo na kita." Pagyayabang ko.

"Bilis na. Para matapos na." Lupaypay na sagot niya.

Muli akong puwesto saka nag serve. Sakto lang ang hampas ko ngunit pagkarating kay Rayzelle ay hinampas niya ito ng malakas.

Kill.

Chasing My StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon