CMS Chapter 3

31 1 0
                                    

Rayzelle's POV

"Tara?" Yaya ko sa dalawang kasama ko pagkaalis ng sasakyan nila Summer. Sa iisang village lang kami nakatira kaya malamang sabay sabay kami.

"Tara." Sabay nilang sabi.

Nagsimula kaming maglakad. Malapit lang naman ang bahay namin sa school. Walking distance nga lang. Sa umaga'y sumasaba'y ako sa daddy ko. Papasok siya sa work, ako nama'y sa school. Kaya maaga talaga akong pumapasok. Nakasanayan na din. Sa hapon nama'y nilalakad ko nalang. Depende sa mood ko minsan.

Kapag kasama ko si Clint o kaya ay si Marco, naglalakad talaga kami. Nagkwe-kwentuhan hanggang sa makarating sa bahay. Simula elementary kaibigan ko na 'tong mga 'to kaya komportable na din akong kasama sila. Si Summer, naging kaibigan ko nung first year kami. Taga kabilang village siya kaya hindi namin nakakasama tuwing uwian.

Naalala ko pa noong una ko siyang makilala, first year kami noon, tahimik siya sa classroom namin habang kami'y nag-iingayan na sa klase. May pagkamaldita din kasi ito at medyo mailap sa tao. Madalas nakamasid lang. Madalas ko din siyang mahuli noon na laging nakatingin sa'ming tatlo. Tapos may pinagawa yung lecturer namin noong activity. By two's. Napansin kong wala pa siyang pair noon kaya nilapitan ko siya. Okay din naman siyang kasama. Likas talaga ang pagiging maldita pero nakikibagayan naman. Hanggang sa unti-unti ay nakapagpalagayan kami ng loob. Doon ko nalaman na may gusto nga itong si Summer kay Marco. Mula noon madalas ko siyang isama saming tatlo. Lunch, break time, basta may pagkakataaon. Pasimple ko silang pinaglalapit ni Marco at doon parang unti-unti namang umiiwas itong huli. Akala siguro nito'y hindi ko 'yon napapansin. Minsan ko na ding tinanong si Clint tungkol dito ngunit tikom ang bibig nito. Sabi pa'y guni-guni ko lang daw iyon. Baka nga. Heto nga't kasabayan naman namin siyang maglakad ngayon. Nasa gitna nila akong dalawa.

Bigla kong naalala yung nakita ko kanina.

"Hoy, Marco. Nakita kita kanina a. Kasama mo si Aliyah." Kompronta ko dito. Binagalan kong maglakad. Gumaya din yung dalawa. Mas okay nga 'to, mas madami kaming mapagku-kwentuhan.

"O, ano naman?" Walang ganang wika nito.

"Wala naman. Nakita lang kita. May gusto ka ba don?" Bigla kong tanong. Wala talagang preno tong bunganga ko.

Narinig ko namang tumawa ng bahagya si Clint. "Selos ka ba?" Tanong pa nito sa akin na animo'y nang-aasar. Baliw ba 'to? Alam niya namang may gusto si Summer dito, itinutukso pa ako sa kanya. Tss.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo jan? May tinanong lang ako." Paliwanag naman ni Marco. Madalas ko kasi itong makita na may kausap na iba't ibang babae sa school. Pero wala naman akong naririnig na pinopormahan niya. Nagpapaka chickboy?

"Ano naman?" Pag-u-usisa ko. Nakaupo kasi kami sa may Bermuda grass kanina after class habang nag-aasaran kami ni Clint nang bigla siyang mahagip ng paningin ko. Kausap niya si Aliyah at nagtatawanan pa.

"Sikretong malupet." Tatawa-tawang sagot nito na sinabayan naman ni Clint. Nakakainsulto. Pagbabatukan ko mga 'to e.

"Ano nga?" Pangungulit ko. Wala naman akong nakikitang masama doon sa pag uusap nila ni Aliyah. Gusto ko lang talagang malaman. Gusto ko  si Summer para sa kanya. Pareho ko naman silang kaibigan. Parehong may talento sa musika. Gwapo si Marco. Maganda si Summer. Pareho din namang single.

Nung nakita ko si Marco kanina, alam kong nakatingin na din si Summer. And I know, inside her, nag-seselos ito. Oo, wala siyang karapatan kasi hindi naman sila. Pero kapag may nararamdaman ka, mapipigilan mo pa ba iyon? Kapag nga kaming dalawa na lang ang nag-uusap ay wala na itong ibang bukambibig kundi si Marco. Hindi din nakaligtsas sa paningin ko yung ginawa ni Clint kanina. May pahawak hawak pa sa mukha. Kung anu-ano pang kabaduyan ang sinasabi. But, in fairness to Clint, marunong magcomfort ha. Kung hindi ko lang kilala itong si Clint, baka kung ano ng isipin ko. But, I just feel something weird sa eksena niya kanina.

Chasing My StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon