Huling sandali

2.2K 15 7
                                    

~For my fellow filipinos out there😉

8:36 a.m Monday, September 16, 2019 Jennie's Apartment

"Je-jennie" nanghihinang sambit ni mama na nakahiga sa basang sahig habang dumadaloy ang kanyang dugo sa kanyang katawan.

"Ma...." nanginginig kong sabi. Hindi ko mapigilan sarili ko na mapaluha sa harapan nya.

"jen, anak" Narinig ko ang boses ni papa, hindi kalayuan sa kung nasaan kami ni mama. Inabot ko ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni papa na para bang ayoko ng bumitaw.

"Pa, huwag po kayong pipikit. please!" Nagmamakaawa kong dinaing sakanya na 0atuloy parin ang pagpatak ng aking mga luha.

"Mahal ka namin, jen, anak" Huling sabi ni papa bago nya ipinikit ang kanyang mga mata at unti unting bumibitaw sa aking pagkakahawak.

"Hindi!" Sigaw ko at doon bumuhos ang malalaking patak ng tubig na galing sa kalangitan.

"Pa...... Gising!" Pagpupumilit ko ng marinig ko ang pagtawag ni mama saakin at paghigpit ng hawak nya sa dulo ng aking damit. Humarap ako sakanya at hinimas nya ang aking mga pisngi.

"jen, anak ko, pagbubutihan mo ah. Na-nandito lang kami ng papa mo. Always and forever" Ngiting sabi ni mama, sinisiguradong okay lang ang lahat.

"Ma.... hindi" Iyak ko. Hinalikan ko si mama sa noo na tila parang tanggap ko na kung anong kasunod na mangyayari. "Mahal na mahal ko kayo ni papa, ma. Hi-hindi ko kakayanin kung mawala kayo" Niyakap ko ng mahigpit si mama, ayokong isiping hanggang dito nalang. Gusto kong isipin na bukas o sa makalawa, kasama ko parin sila. Ang hirap.

"jen-" Naramdaman ko ang unti unting pagbitaw ni mama sa aking pagkakayakap.

"Ma......" Nanginginig ang aking boses habang inuuga ang katawan ni mama na nagbabakasakaling magising sya at t iyon na ang hudyat upang ilabas ko lahat ng luha at galit ko. Bakit ngayon pa?

"Bakit!?" Sigaw ko kasabay ng malakas na pagkulog at pagbagsak ng malakas na ulan.

"Ma........ Pa......."

Kumulog ng napakalakas dahilan ng aking pagkagising

Lagi nalang akong ganito magmula ng nawala sila mama at papa. Tila isang masamang panaginip na hindi maaalis ng kahit nino man. Halos labindalawa na noong nawala si mama at papa ngunit yung mga pangyayari na sana hindi ko nakita o hindi ko naranasan ay paulit ulit akong binabalikan na parang nangyari lang siya kagabi.

Mahirap mawalan ng magulang lalo na kung mag-isa kang kumakayod para lang matustusan ang sarili. Wala man lang ni-isang kamag-anak ang tutulong sayo na parang hindi na ako nabibilang sa mundong ito. Pero kahit na ganoon ang buhay, pinagpatuloy ko parin dahil alam ko na kung nasaan man sina mama at papa ngayon ay masaya sila sa kung nasaan man ako ngayon.

"Ma..... Pa..... Miss ko na kayo. Ang hirap hirap ng wala kayo dito" Hindi ko na napigilan ang mga luhang nagbabalak na kumawala sa aking mga malulunkot na mata. Magmula ng mawala sila mama at papa hindi ko maiwasang magkaroon ng iba't ibang uri ng panaginip na parang sa bawat panaginip ay may pinaparating na mensahe na hindi ko maintindihan. Kung ano man yun, lagi akong napapaisip ng malalim at nagtatanong sa aking sarili na "Bakit ako?"

Bigla akong napatalon sa kama ko ng maramdaman ko ang panginginig ng aking telepono. "Panira naman!" Inikot ko ang aking mga mata na tila naiinis dahil sa pagkakaudlit ng aking pag-iyak. Kung sino man itong tumawag, tiyak na malalagot sakin at-

"jendeuk, Nasaan kana?" Ramdam ko ang kabadong boses ng nasa kabilang linya.

"Nasa bahay pa ako chu. Halos kakagising ko lang" Sambit ko habang tumatayo sa aking higaan patungo sa aking kabinet. Tinatawag ko syang chu kasi yun yong nickname nya pero ang totoo nyang pangalan ay Jisoo Kim. Hindi ko sya kamag-anak, same surname lang kami.

Portrait : JenlisaWhere stories live. Discover now