Chapter Six

13.5K 36 2
                                    

The Effects of Heartbreaks to the Teenagers' Daily Lives

Pinasa na nila ang title ng kanilang thesis ng tinawag ang mga pangalan nila. Parehas nilang pinapanalangin na maapprove ang kanilang thesis.

"The Effects of Heartbreaks to the Teenagers' Daily Lives?" napatawa ang kanilang professor.

Napatawa na din sila.

"Yes, Ma'am. We find it interesting, especially in this period: teenagers." nakangiti nyang paliwanag sa kanilang professor.

"In addition to that, we would like to find out what are the causes and the effects of the heartbreaks to everyone."wika naman ni Kristen.

Pinaliwanag pa nila ang demographic profiles ng kanilang study bago inapprove ng kanilang prof ang kanilang title.

Nag apir naman silang dalawa bago umupo.

"Itetext ko muna si Niko. Hehehe" wika nito sa kanya at naghalungkat ng bag.

Habang ginagawa iyon ng dalaga ay pinagmasdan nya ito.

Mabait naman ang babae pero may iba syang nararamdaman dito. Hindi nya lang masiguro kung ano iyon.

What is your true self, Kristen? Tanong nya sa isip nya.
Aalamin nya iyon.

"Mabait bf mo Kristen?" tanong nya dito.

Napatingin naman si Kristen sa kanya.

"Oo, sobra." napapangiti pang sabi ni Kristen. Tila may inaalalang nakaraan.

"Paano pala kayo nagkakilala?" usisa nya pa.

"Ganito kasi yon. Hihihihi. Kasama ko yung mga kaibigan ko sa mall tapos napagtripan nila ako. Binigyan nila ako ng dare na bungguin at magpapansin sa guy na ituturo nila. Nagkataon na si Niko yung nakita nila kaya ayon." mahaba nitong sabi. Nagningning pa ang mga mata nito habang nagkukwento. Tila kilig na kilig sa nangyari.

"Doon kayo nagsimula?" tanong ni Reena dito kahit may sakit syang naramdaman.

"Oo. Tapos kinagabihan non may nagtext sakin. Si Niko." nangingiti nitong wika.

"Ahh. Tapos nanligaw na sya sayo?" tanong nya pa. Gusto nya lang makasagap ng info tungkol kay Niko.

"Hindi pa. Friend lang muna. Bukod sa text magkatawagan din kami tapos magkachat din sa FB." aliw na aliw itong magkwento sa kanya pero sa isip ni Reena sinasakal na nya ang babae.

Pakipot pa, pero ang landi naman.

Pasimple nyang binatukan ang kanyang sarili sa naisip nya.

Bad Reena.

Kwento lang ng kwento si Kristen sa kanya. Hindi naman nya pinapakinggan lahat ng sinasabi nito basta ang mahalaga lang sa kanya ay si Niko.

"Ok class, next week you must pass chapter one of your thesis." bilin ng kanilang professor bago magpaalam at umalis.

Natapos ang oras ng klase nila at nagkayayaang silang magkakaibigan na pumunta sa madalas nilang tambayan ang Hangout.

"Iba ka talaga Reena. Hehehe" tawang tawang sabi ni Vince.

Nagtaka naman si Reena sa sinabi nito.

"Why?" tanong nya dito habang papaupo sya.Katatapos nya lang umorder para sa kanilang lahat.

"Keep your friends close and keep your enemies closer lang ang peg mo Reena. Hehehe" wika naman ni Dine.

My Thesis Partner's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon