MABILIS na umalis si Niko sa restaurant na iyon.
Alam na niya kung sino ang babaeng misteryusong nagtetext sa kanya.
Natatawa siya sa nangyari kanina.
Flashback
Matapos niyang iwan ang babae sa restroom ay agad siyang tumungo pabalik sa table para maghintay sa babae.
Ngunit hindi sinasadyang marinig niya ang usapan ng mga kaibigan ni Reena.
"Ang tagal naman ng babaeng iyon. Nagpadilig na yata yun sa CR ah." sabi ng binabae.
Hindi niya alam ang mga pangalan ng mga ito kahit pa nga kaklase ito ng kasintahan niya dahil hindi naman ito ka-close ng huli.
"Hindi naman siguro ganon, wahaha baka nagjebbs. Alam mo na? Wahaha." Sabi naman ng medyo maitim na babae.
"Pero seryuso, ang tagal nga niya." Sabi naman ng medyo chubby na babae.
Nagkunwari siyang mga kausap sa phone ng lumingon sa kanya ang mga ito.
"Shh, huwag kayong maingay, anjan pala si Niko. Baka marinig tayo." Mahinang sabi nang isa sa mga ito.
Mahina man ang pagkakasabi nito ay narinig niya pa rin iyon dahil tahimik ang lugar na iyon at malakas talaga ang pandinig niya.
Hindi naman siya tanga kung bakit siya napasok sa usapan ng mga ito.
Kung pagkokonektahin lahat ng nangyari sa kanya ay nagsimula ito nung nakilala niya si Reena.
Ang pagtetext ng unknown sender sa kanya ay day after ng pumunta si Reena sa bahay ni Kristen.
Ano ba ang nasa isip ng babaeng iyon at ginugulo siya ng ganito?
Alam niya na may kasintahan siya at kilala nito iyon pero bakit ganito pa rin ang ginagawa nito sa kanya?
Pero sa ngayon makikipaglaro muna siya dito. Masarap itong kalaro.
Napangiti siya at napahawak sa kanyang mga labi. Kasing sarap ng mga labi nito.
"Tignan natin kung sino ang mananalo sa larong sinimulan mo."
End of Flashback.
Sumakay na siya ng kanyang kotse at nagsimulang magdrive patungo sa bahay nina Kristen.
Babawi siya sa kasintahan dahil sa ginawa niyang kasalanan.
Isang oras siyang nagmaneho hanggang sa makarating siya sa kanto bago ang bahay nina Kristen.
Syempre kailangan muna niyang ayusin ang kanyang sarili bago humarap sa kasintahan baka may bakas pa siya ng pambabae sa katawan eh.
Nang masiguro niyang ayos na ang kanyang sarili ay nagpatuloy na ulit siya sa pagmamaneho.
Pagtapat niya sa gate ng bahay nina Kristen ay bumusina siya ng tatlo beses upang tawagin ang atensyon ng guard na nagbabantay ng mga oras na iyon. Nakilala naman siya nito kaya agad siyang pinapasok sa loob.
Pinark niya ang kotse sa garahe at naglakad na papapasok ng mansyon. Sinalubong agad siya ng isang katulong upang papasukin sa sala.
"Magandang hapon ser," Bati nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Thesis Partner's Boyfriend
General FictionMatured Content. Read at your own risk. Char!!!! Let's read Bullhangss!!