CHAPTER J
desisyon
Inilapag ng mama ni Eros ang kanyang bag sa isang unoccupied seat at tiningnan ako habang naglalakad ako palapit sakanya. Sa isang restaurant ako dinala ni Tita at makikita ko talagang pang mayaman ang restaurant na ito.
"Maupo ka hija.." sabi ni Tita kaya umupo na din ako sa upuang kaharal lang ng upuan ni Tita. Tumingin ako sa paligid at halos kalahati ng tao ay nakatingin saakin dahil ang suot ko'ng sobrang cheap at simple lang naman ay hindi nababagay para sa isang mamahaling restaurant na ito.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy hija.." sabi ni Tita kaya napatingin ako sakanya at nagsimula na akong kabahan.
Napaka intimidating kasi ng tingin ng mama ni Eros saakin kaya nga minsan naguguluhan ako kung magTi-Tita ba talaga ako sakanya. Lalo na iyong nangyari sa cafeteria. Feeling ko kasi nagagalit siya saakin dahil baka isipin niya kung anong klaseng gayuma ang pinainum at pinapakain ko sa anak niya at pati siya ay sinabihan ng ganoon ni Eros.
"Iniwan ko ang pamilya ko hija para lang sa pinakamamahal ko na anak na si Eros.. Nag asawa ako ng ibang lalaki na may kaya dahil iniisip ko kapakanan ni Eros.." Sabi nito pero ang ginagawa ko lang ay yumuko habang kagat kagat ang mga labi ko.
"Hindi naman ako against sa relasyon niyo dahil alam ko namang mahal ka ng anak ko at alam ko rin na mahal mo ang anak ko.. Pero hija...." wala pa nga siyang sinasabi pero kinakabahan na ako. Namumuo narin ang mga luha sa mga mata ko. Bumuntong hininga muna siya, humingi ng tubig sa waiter at ininom ito. Parang pati siya ay nahihirapan sa sasabihin niya.
"Hija... Ang babata niyo pa... Ang dami niyo pang pangarap sa buhay lalo na ang anak ko. Alam ko na tinanggihan ni Eros ang scholarship na galing sa isang sikat na skwelahan sa U.S.A at dahil iyon sa iyo. Alam ko rin na naghihirap ang pamilya mo ngayon at narinig ko kanina na kukunin kang bilang model sa Paris. Malaking tulong iyon sa pamilya mo hija..." Wala akong ibang ginagawa kundi ang pigilan ang sarili ko sa pag iyak.
"Alam mo naman hija na pangarap iyon ni Eros diba? At alam mo rin na kailangan ka ng pamilya mo... At alam din nating ayaw kang iwanan ni Eros... Kaya please...nagmamakaawa ako hija.. Please, ikaw nalang ang magparaya sa anak ko.. Please... Kung mahal mo ang anak ko let him chase his dreams..." sabi nito at kasabay noon ay ang pagtulo ng luha ko.
"Hija... Mahal na mahal ko ang anak ko and I dont want him to be like me... Alam mo bang noon mas pinili ko din ang lalaking mahal ko keysa sa mga pangarap ko? tapos tingnan mo kung anong nangyari sa pamilya ko ngayon... Nagkawasak wasak. Ayokong mangyari ito sa anak ko...Ayokong mangyari ito sa inyo.. Kung para talaga kayo sa isat isa magiging kayo talaga hija...in god's time." sabi ng mama ni Eros. Napaangat ang tingin ko sakanya nang hawakan niya ang kamay ko at doon ko lang nakita na umiiyak na din pala siya.
"Please hija... Mag desisyon ka.. Please choose the right decission. Para ito sa ikabubuti niyo hija." sabi niya pero ang ginagawa ko lang ay ang humikbi.
"Hija mauna muna ako dahil may pupuntahan pa ako." sabi ng mama ni Eros pero nakatingin lang ako sa kawalan. Ang laki laki na nang problema na nagawa ko ngayon. Kasalanan ko ang lahat ng ito.
Tama ang mama si Eros. Tama si mama. All along ako lang ang gumagawa ng gulo nitong lahat. Ako lamang ang gumagawa ng maling desisyon. Kung pinigilan ko sana si Eros noon pa ay hindi magiging ganito kagulo ang sitwasyon.Dali dali kong dinampot ang cellphone ko at nag dial ng isang number. Mga tatlong ring ay sinagot din naman niya ito.
"Hello? Ms. Athena Rodriguez? Salamat naman at sa wakas ay napatawag ka--" hindi ko na pinatapos ang kausap ko sa telepono.
"About doon sa full contract...tinatanggap ko na. Pipirmahan ko yan mamaya o bukas." walang ganang utas ko habang nakatingin sa kawalan.
"Okay. So tungkol doon sa pagpunta natin sa Paris, kung gusto mo next week nalang para makapag farewell ka pa sa mga kaibigan mo o kaya naman ay--"
"No. Gusto ko bukas kaagad ang flight ko papuntang Paris." sabi ko sa telepono at narinig ko namang tuwang tuwa ang baklang kausap ko. May sinabi pa siya pero nabitawan ko na ang cellphone ko.
Buong buo na ang desisyon ko. Ito nalang ang tamang dapat kong gawin ngayon. Naging padalos dalos pa kasi ako eh kaya naging karma ko na siguro ito. Gustong gusto kong umiyak pero mukhang sariling mga mata ko na mismo ang sumuko at napagod nang umiyak kaya ni isang luha ay walang lumabas dito. Sa mga oras na ito naging manhid ako. Naging bato ako.
_____________________
NOTE: shot UD pero alam kong clear as krystal na ang mga lessons na nakukuha. I hope may natutunan kayo! Wag padalos dalos at kailangan timabangin ang utak at puso!:)))
And Please do support my upcoming #GaySeries2 intitled HOW TO CONVERT A GAY? Yes, the story of Nice and Zion. :P
Love ko talaga ang mga bakla no? May crush kasi akong isa! hahaha. Hashtag Hopeless.
BINABASA MO ANG
Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)
HumorHighest Rank: #85 in Random #30 in Humor #GaySeriesNo.1 (Revising BOOK 1) Gangster. Siga. Lalaking-lalaki. Rakista. O kung ano pa yang ka-jejehan. Yan ang mga tipo ng mga babae sa panahon ngayon. Ewan ko nga kung bakit ang lakas ng trip ni K...