CHAPTER K
nagmamakaawa
Matapos ang ilang minuto ay minabuti ko na ang lumabas na ng Restaurant. Naramdaman ko kasing pinagtitinginan ako ng mga tao at alam kong iniisip nila na isa akong baliw na nakatingin lang sa kawalan. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko at nagtext si Shine (yung baklang photographer) saakin at nakalagay doon ang address ng office niya dahil kailangan na niya ang pirma ko.
Napakagat ako ng labi ko at ibinaliwala muna ang text ni Shine. Hinahanap ko si mama dahil sa pagkakaalam ko ay naghihintay lang siya dito sa labas. Nang makita ko si mama ay agad ko siyang nilapitan at niyakap. Doon ko lang din nagawang umiyak at napahagulhul. Ang sakit. Sobrang sakit.
"Shhh... Anak..." bulong ni mama saakin at hinihimas ang likuran ko na para bang sinasabing nandito lang siya para saakin.
"Mama.. G-gusto kong makita si Papa." Sabi ko kay mama kaya napatango siya.
Medyo malayo-layo ang hospital kung nasaan si papa sinugod kaya naging mahaba ang byahe namin ni mama. Tiningnan ko ang oras at doon ko lang namalayan na hapon na. Baka nandoon na si Eros sa boarding house. Baka hinahanap na niya ako ngayon. Napabuntong hininga nalang ako habang nakapikit.
"Anak nandito na tayo..." Bumaba kaagad kami nang makarating kami sa hospital.
Inilibot ko ang paningin ko at masasabi kong public lamang ang hospital na ito. Kailangan talagang mailipat ni Papa sa ibang hospital pero wala naman kaming kapera-pera. Maraming tao sa hospital na kagaya lang din naming mga mahihirap kaya naawa kaagad ako sa pamilya ko. Ako dapat ang mag-aalaga sakanila dahil tumatanda na sila pero na mga nagdaang araw hindi ko naisip na sobrang hirap na pala nila. Napakasama kong anak.
"Ate! Mama!!" narinig kong may tumawag kaya napalingon kaagad ako at nakita kong napaiyak ang nakababatang kapatid kong lalaki kaya niyakap ko ito.
"Z-Zeus.." naiiyak narin ako dahil damang dama ko ang kirot sa puso ko habang nakikinig sa bawat hikbi na binibitawan nila. Nasasaktan akong makitang nasasaktan ang pamilya ko.
Nang pumasok ako sa kwarto ni Papa, mas lalo akong naiyak at nanlalambot ang tuhod ko kaya napaupo ako ng sahig. Kitang kita ng dalawang mata ko na nakahiga sa kama si Papa at napakaraming nakasaksak sa katawan niya. Kahit na nahihirapan ako ay pinilit ko ang sarili kong tumayo at yakapin si papa.
All my life, he did everything para lang saakin. He loves me more than anyone has ever loved me. Nagsakripisyo siya para lang buhayin niya kami. And I think it's time for payback.
I need to let go of some things at isasakripisyo ko ang sariling kaligayahan upang makitang ngumiti ulit ang aking pamilya.
<<<<<<<<*>>>>>>>>>
Its already 10 in the evening at ngayon lang ako nakauwi ng boarding house. Pinuntahan ko na rin kasi si Shine para ayusin lahat ng papeles ko. Ang kailangan ko nalang gawin ay magimpake at ang.....sheeet parang hindi ko kaya. Hindi ko pa nga nagawa pero ang sakit sakit na talaga.
"Athena!! Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing baby? Kumain ka na ba? Gutom ka ba? May gusto ka ba--"
"Lets break up." Labas sa ilong na sabi ko kaya napatigil siya. Napakunot ang noo niya at umiling iling.
"No Athena. Magpahinga kana pagod ka lang siguro." aniya at tinalikuran ako.
"I'm serious Eros. Lets break up." pag uulit ko kaya napatigil siya sa paglalakad at humarap saakin. I bit my lips nang nakita ko ang pagpatak ng luha niya nang siyay lumingon saakin.
BINABASA MO ANG
Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)
ComédieHighest Rank: #85 in Random #30 in Humor #GaySeriesNo.1 (Revising BOOK 1) Gangster. Siga. Lalaking-lalaki. Rakista. O kung ano pa yang ka-jejehan. Yan ang mga tipo ng mga babae sa panahon ngayon. Ewan ko nga kung bakit ang lakas ng trip ni K...