CHAPTER 24

4.1K 121 12
                                        

Note: Yun lang talaga ang Chapter 23. :3 Ipagpatawad niyo ako sa chapter nato. (Y)

--------------------

CHAPTER 24

Dahan dahan niyang inihiwalay ang mga labi namin habang nakapikit. Isinandal niya ang noo niya sa noo ko at dahan-dahang binuksan ang mga mata niya.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Masaya? Malungkot? Galit? Ewan. Basta ang alam ko lang ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tumingin ako sa mga mata niya at sobrang seryoso ng mga tingin niya. Naramdaman ko nalang na gumagapang ang kamay niya sa bewang ko kaya nanginginig bigla ang mga binti ko.

"Athena...." napakagat ako ng labi ko nang tawagin niya ang pangalan ko. Sheet. Bakit biglang nanghihina ako? Hindi naman ito ang  first time na tinawag niya ako.

Unti-unti niya ipinaglapit ang katawan ko sakanya at ang mga labi namin. Pangnoon ko, totoo na ba ito? Hinalikan niya ulit ako at hindi ko naman siya matanggihan. Nakakapanghina ang mga halik niya, no tongues just lips moving. Nakakabitin! at sobrang nakakapanggigil!

Nang naramdaman kong hiniwalay niya ulit ang mga labi hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil natakot ako na baka tumulo ang mga luha ko kapag bubuksan ko ito. Ewan ko pero naiiyak ako. Wala pa nga siyang sinabi pero naiiyak ako. Hindi ko alam bakit!

Naramdaman ko nalang ang mga daliri ni Eros sa pisngi ko at dun ko nalang namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko kaya dumilat nalang ako. Agad naman ako sinalubong ng mga matatamis na ngiti ni Eros.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pag iyak...bakit parang...parang feeling ko mamatay na ako ngayon? Ito na ba ang last gift ni God saakin dahil mamatay na ako ngyon? bukas ? o bukas makalawa? wala naman akong sakit ah at hindi pa naman pasko ngayon. hindi kaya... oh no!

"Athena... makinig ka. Matagal ko nang gustong sabihin ito sayo.." sabi niya dahilan ng pag hagulhul ko. SABI KO NA NGA BA EH! MAMATAY NA SI EROS?! Panginoon ko po!

"Eros naman eh! wag mo nalang sabihin saakin! baka ikamamatay ko!" Sabi ko sakanya sa gitna ng mga hikbi ko. Pero ang bakla tinawanan lang ako!

"Ganoon ba? ikamamatay mo palang malaman na mahal kita? Hahaha." Sabi niya kaya hinampas ko siya.

"WALANJO KA TALAGANG BAKLA KA! Eh ano naman ngayon kung mahal-- wait.." Teyka teyka ano daw sabi niya? /(OoO)\

"Bakla? Tinatawag mo akong bakla pagkatapos mong kainin tong labi ko? Parang gusto mo pa ata ng isa eh!" Sabi niya kaya binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin. Pero na feel ko na namumula parin ang pisngi ko.

"Tsk! Sabihin mo na ang gusto mong sabihin! kainis to oh nang-aasar pa!" Sabi ko at inirapan siya pero ang hindi niya alam lihim akong napangiti at feeling ko sasabog na ako sa kilig.

"Panira ka kasi! Ano ba kasi ang iniisip mo na sasabihin ko?"

"Akala ko kasi mamamatay ka! kaya pinagbigyan mo ako sa gusto ko!!" Sigaw ko sakanya at tinakpan ko ang mukha ko dahil sobrang pula na siguro nito.

"Wala naman akong sakit. Pero.... heheheh. gusto mo palang mahalikan ako? heheheh." Pang-aasar niya saakin.

"Bahala ka nga diyan! Malunod ka sana!" Sabi ko at umahon na sa tubig. Lumakad ako palayo sakanya pero naramdaman kong sinusundan niya ako habang tumatawa.

"Sandali lang!" Sabi niya at pinigilan niya akong lumakad.  "Hindi pa tayo tapos. may sasabihin pa ako, diba?" Sabi niya pero ang laki parin ng mga ngiti niya. Inaasar na naman ako! Grrr.

"Okay sabihin mo na. PERO! Wag kang ngumiti!" sabi ko pero nakangiti parin siya.

"Wag ka nga. masaya ako ngayon kaya hayaan mo nalang ako." Kfine. Hindi na ako dumaldal pa at tingingnan ko lang siya. Nagulat ako dahil biglang sumeryoso ang mukha niya habang bumuntong hininga siya.

"I am inlove with you." Sabi niya at umiwas ng tingin kaya bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sheet. Ang hirap kasi sobrang lakas ng kabog ng puso ko!" Narinig kong bulong niya pero hinayaan ko lang siya. He runs his finger through his hair at tumingin ulit saakin. I feel what you feel, Eros.

"Alam kong nakakagulat pati ako nagulat rin. Akala ko kasi noon, hinding hindi mo ako iiwanan na parang nasa tabi lang kita parati. Pero fuck! When I saw you with Stephen natakot ako na mawala ka saakin...at doon ko lang nalaman na mahalaga ka saakin. Kung mawala ka parang mawawala narin ang pagkatao ko. I couldnt stand alone without you.." Sabi niya at napaiyak na naman ako! Ngayon ko lang napagtanto, kaya pala ganito ang nararamdaman dahil sa sobrang kasiyahan. Masaya ko. sobra, sa sobrang saya ay napapaiyak ako.

"Kagaya lang ngayon.." sabi niya at pinunasan ang mga luha ko at hinalikan ang noo ko.   "Siguro pag hindi ka nandito ngayon mababaliw siguro ako. Hindi dahil sa away namin ni Papa...Mababaliw ako kakaisip kung ano ang ginagawa niyo ni Stephen.." Dagdag pa niya. Wala akong masabi! Hinilikan niya ang ilong ko kaya napapikit ako.

"I know this sounds cheesy pero.... ang plano ko talagang unang sabihin ay hindi 'I love you'. I want to say that I am inlove with you. Marami na kasi ang nagsasabi ng 'I love you' pero hindi naman pala nila mahal ang sinasabihan nila. I wouldnt say I'm falling for you too kasi baka ako lang pala iyong nahulog. I am inlove with you... and I'll stay in love with you." Sabi niya at hinalikan ako sa labi ko pero saglit lang.

"I am inlove with you too, Eros.." Sabi ko at nakita kong napangiti siya sa sinabi ko kaya niyapos ko siya.

"Kung ganoon, magsisimula na akong mangligaw sayo?" Sabi niya kaya natulak ko siya.

"What the? Kailangan pa ba iyon?!" Sabi ko. O M G hindi ako makapaniwala!

"Huh? Bakit nagulat ka ata? Ikaw ba ang manliligaw? ako naman diba? Atat ka masyado? Gusto mo siguro talagang halikan ako araw-araw eh!" Sabi niya kaya binatukan ko siya. Panira talaga.

"O edi. Sinasagot na kita!" Sigaw ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Ano?! AGAD AGAD?! Bakit naman?! " Wow grabi naman makareact to.

"Huh? ikaw na nga itong sinasagot! Bakit?! ayaw mo?!" Sabi ko at inilahad sakanya ang kamao ko. Kung sasabihin niyang ayaw niya susuntukin ko talaga siya.

"Hindi! Gusto no! heheh lika dito my Athena..." malambing sabi niya at niyakap niya ako. Naramdaman ko namang hinalikan niya ang ulo ko kaya kinikilig ako.

"Pero sa totoo.. bakit ang aga mo yata akong sinagasot?" Tanong niya kaya kinusot ko ang tagiliran niya.  "ARAAAAY!" sigaw niya pero nakayakap parin saakin.

"Yung totoo? Kasi matagal na po kitang mahal. At natakot ako na baka magbago ang isip mo at maging beki ka na naman!" Sabi ko. Iniharap niya naman ako sakanya tiningnan ako sa mga mata.

"I am inlove with you, Athena Rodriguez." Sabi niya kaya napangiti ako at pinigilan ko ang sarili sa pagtili.

"I am inlove with you too, Eros Clemente." sabi ko kaya inatake niya na naman ang mga labi ko. This time, mas mainit na halik na para bang sabik na sabik siya saakin. Through his kisses, I feel loved.

*************xx

Note: Pweding ending na ito? :3 Haha.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon