THE FINALE CHAPTER
#ACKB2finaleNang iniwan ako ni Athena unti-unti naring nawawasak ang mundo ko. Everything is useless.. Para ano naman ba itong ginagawa ko kung wala na ang babaeng pinakamamahal ko? Wala nang silbi!
Natanong ko sa sarili ko, ano bang problema? May mali ba saakin? May pagkukulang ba ako? Wala naman. Lahat naman nagawa ko para sa pagmamahal ko sakanya. Pati ang talikuran ang pamilya at pangarap ko ay nagawa ko dahil mahal ko siya at ayaw ko siyang iwanan. Tapos ngayon ako pala ang iiwanan niya? Tsss. Ang gulo mo Athena. Binabaliw mo ako.
"Anak! Tama na iyang ginagawa mo!! Sa loob ng isang lingo hindi ka na kumakain at halos napupuno na itong aprtment mo ng alak! Anak naman!" Pagsermon saakin ni mama pero hindi ko ito pinapansin.
Kukuha na sana ako ng panibagong bote ng beer ,dahil naubos ko na ang pangatlong beer ko, ay agad itong naagaw ni mama kaya napaharap ako sakanya ay kitang kita ko sa mukha niya ang pag-aalala niya saakin.
"Anak... Sa tingin mo ba magiging masaya si Athena pag nalaman niyang ginagawa mo ito? Mas lalo mo lang siyang pinapahirapan anak." Sabi ni mama at napaluha na nga ito. Pero wala akong masabi. Parang tumitigas na ang puso ko.
"Kasalanan ko ito anak..sorry. Pero ito lamang ang alam kong tamang gawin anak. Sorry anak at dahil saakin ay nagkaganito ka." Napahagulhul si mama at dahan-dahang napaluhod sa harapan ko. Hindi ko namang mapigilang mataranta kaya napaluhod na rin ako habang hawak si mama sa braso.
"Mama!" pagtawag ko sakanya kaya napatigil siya sa pag-iyak at napatingin saakin. Hinawakan niya ako sa pisngi ko at nakikita kong tumutulo parin ang mga luha niya.
"Please.. Kahit na hindi nalang para saakin anak. Kahit para kay Athena nalang.. Tigilan mo na ito at abutin mo ang pangarap mo. Dapat magpakalakas at maging matapang ka gaya ni Athena..." nang nabanggit ulit ni mama ang pangalan niya ay napaiyak na din ako. Athena. Why do you have to leave me broken?
"Bilib ako kay Athena anak.. Alam kong mahal na mahal ka rin niya pero nagawa ka niya talikuran dahil gusto niyang abutin mo ang mga pangarap mo anak. At para narin tulungan ang pamilya niyang naghihirap ngayon. Kaya anak....sana naman kahit na para kay Athena lang...magsikap ka at abutin mo ang pangrap mo. Para sakanya anak." hindi ko mapigilang mapasabay sa paghagulhul ni mama at niyakap ko siya. Alam ko rin kasing naging mali ako sa pagtrato sakanya kamakailan lang.
Kaya ang nangyarin? Tinggap ko rin ang offer na makapag-aral sa Harvard University. Buti na nga lang at hindi sila nagsawa sa pagsoyo. Sa loob ng ilang taon ay nag-aral ako ng mabuti para sa sarili ko, para kay mama...at para kay Athena.
"Eros.. Come on! Let's hang out!" pag alok saakin ng iilang amerikana. Makinis, maganda pati katawan pero walang wala sila sa Athena ko. Minsan na akong tinukso pero hindi ako nagpatukso.
"Sorry I cant."
"Oh come on! Exams are done so why not party with us? And for sure no one will get mad because everyone know that you are one hot of hella single." sabi ng isa sakanila at hinawakan ako sa braso pero tinanggal ko rin ito.
"You see this?" sabi ko at ipinakita ang kanang kamay ko na suot-suot ang wedding ring na kapares ng singsing na binigay ko kay Athena noong 1st anniversary namin. "I'm married." dagdag ko kaya napasinghap sila.
BINABASA MO ANG
Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)
HumorHighest Rank: #85 in Random #30 in Humor #GaySeriesNo.1 (Revising BOOK 1) Gangster. Siga. Lalaking-lalaki. Rakista. O kung ano pa yang ka-jejehan. Yan ang mga tipo ng mga babae sa panahon ngayon. Ewan ko nga kung bakit ang lakas ng trip ni K...