ACKB Q

3.3K 83 3
                                    

CHAPTER Q

Worth it

                  

              "asan tayo?" tanong ko nang tumigil ang sasakyan sa isang malaking building. Tiningnan ko si Eros pero nakalabas na pala siya ng sasakyan niya. Galit talaga siya. Tsk. Dali Dali ko namang tinanggal ang seatbelt, bumaba at sinundan siya.

"Eros! Hintayin mo naman ako!" sigaw ko kaya napatigil siya sa paglalakad at matalim akong tiningnan.  "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko pero inirapan niya lang ako at sumakay na ng elevator. Kaya sumakay nalang rin ako.

Hindi nalang ako umimik pa dahil alam kong hindi naman ako sasagutin ng Eros na ito. Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko? Tsss. Tiningnan ko siya at ganoon parin ang mukha niya...naka kunot ang noo habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng kanyang pantalon. Nakalimutan din niyang tanggalin ang uniporme ng pang-doctor niya..yung puting polo (ewan ko anong tawag doon), sa ilalim naman nito ay blue polo at jeans. Semple lang pero sobrang gwapo niya. Lalo na at looking professional. Napangiti nalang ako habang nakatingin sakanya na nakabusangot ang mukha. Ang cute eh, sarap kurotin. Hihi.

Nang tumunog ang elevator at bumukas ito ay lumabas bigla si Eros kaya lumabas na din ako. Isa lang ang pinto na nakikita ko at iyon ang binuksan ni Eros....ngayon ko lang na realize, mukhang nasa Condo niya kami. Condo to ni Eros! Tapos sakanya pa ang isang floor! Ang angas! Yaman! Astig! Haha.

"Wow! Sosyal naman!" komento ko nang makapasok kami ng condo niya. Nilibot ko ang paningin ko at namangha ako sa ganda ng desinyo ng Condo ni Eros. Black and white lang ang motiff pero napakasimple at elegant tingnan. Dagdagan pa ng mamahaling furnitures at ang malaking glass window na napaka ganda ng view. Sinilip ko at nakita ko pa nga doon ang KING'S HOSPITAL.

"Ano ba ang kailangan mo saakin?" tanong ni Eros kaya napalingon ako sakanya. Napalunok ako. Kasi naman! Natanggal na yung uniporme niya at nakabukas pa ang kalahati ng polo niya. Sheetness!

"Ikaw at ang katawan mo ang kailangan ko!" ayyy! Tsk. Dapat sa isip lang iyon bakit nasabi ko! Napatakip ako ng bibig ko. Nako naman!

"Huh?" nalilitong tanong ni Eros. Mukhang hindi niya ata narinig ang sinabi ko. Sayang naman! Este...buti naman at hindi niya narinig. Hihi.

"Wala... Gusto lang naman kitang maka-usap." sabi ko at sinundan siya ng tingin nang maupo ito sa puting sofa niya. Napalunok naman ako nung nagflex ang muscles niya! Oh geez. Ilang taon naba ang nakalipas nung SPG scenes namin? Ayy kaloka! Ba't ba iyon ang naisip ko?! Hindi naman iyon ang sadya ko?! Eh kasi naman eh!!! Si Eros kasi eeeehhhhh!

"Sorry busy akong tao. Sana nagpareserve ka ng appointment ko." sabi niya at binuksan ang 75 inches flat screen niya. Napasimangot naman ako.Genern? Sosyal! May appointments pang nalalaman.

"Sungit talaga nito! TABI NGA! Manunuod nalang ako ng TV!" Sigaw ko at sumiksik sakanya sa sofa at inagaw ang remote sakanya. Grabe yung abs niya mas lalong tumitigas. Napakanta tuloy ako sa isip ko ng para-paraan by Nadine Lustre iba nga kang ang lyrics..

Para-paraan para-paraan
Para para lang para para lang
Maka hawak ng abs mo~~

AYYY ANG LANDI! Hahahhaha.

"Tsk. Seriously!! Mag-usap na nga lang tayo. Ang likot mo!" Sabi niya at inagaw saakin ang remote at pinatay ang TV niya. Pinigilan ko talaga ang sarili ko na wag tumawa at kurotin siya. Ang cute eh. Ewan ko pero naku-cutan talaga ako sakanya. May naalala ako sakanya eh.

"Anong pag-uusapan natin?" sabi niya at inilapag ang remote sa glass table niya at humarap saakin. oo nga no? Anong pag-uusapan namin? Pasensya! Wala akong maisip.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon