Chapter Five

167 11 4
                                    

Chapter Five

Hans can't stop bitting his lip as he recall what happened in the walk in closet earlier. He would never expect that he would feel hot while staring at Jelay's breast. Alam nyang titigasan sya dahil kahit ayaw nya sa asawa nya, maganda si Jelay, makinis, matangkad. Actually, his wife is a head turner. Wala sa isipan ni Hans ang kasal na ito, pero dahil may gustong patunayan sa ama, gagawin ang lahat. Besides, hindi naman masama ang sitwasyon nya.

Umiling pa sya bago kumalma. Damang dama nya pa ang init ng katawan ni Jelay sa katawan nya. At kailangan na nyang pigilan ang pag iisip doon dahil baka umuwi sya ng wala sa oras. Hindi pwede dahil madaming tinambak na trabaho ang Papa nya sa kanya.

"Sir Hans.." katok ng sekretarya nya.

"Yes, Jaydee?"

"Ano po. May meeting po kayo along alabang. Lunch meeting po."

"Alright. Come with me. Mag ayos ka na."

Tumango ang sekretarya nya at lumabas na ng opisina. He buttoned his dress shirt and put his grey coat. Dinampot nya ang cellphone at sinilip kung may text ba galing kay Jelay o kahit kanino pero wala. He locked the desk top and went outside.

Atubiling tumayo si Jaydee dala ang mga papeles na kailangan at laptop. Nagpaituna na syang lumakad patungo sa elevator. Si Jaydee ang pumindot ng basement floor.

"Sir, tumawag nga po pala si Miss Camille kanina. She was informing me to tell you that she will be out by lunch."

"It's Mrs." Ani Hans na nakakunot ang noo. "Bakit hindi sa akin nagtawag? Saan daw pupunta?"

"Nag aya daw ang mga kapatid nyang kumain sa labas. At Sir, tinanong kung pwedeng hiramin ang black credit card nyo."

"What did you say?"

"Sinabi ko po ang sinabi nyo sa akin, regarding to this. At sinabi ko pong kung ano ang inyo, ay kanya na din."

"Good. Thank you, Jaydee."

Tipid na ngiti ang ginawad ni Jaydee. Bumukas ang pinto at sabay nilang tinahak ang daan patungo sa suv na itim.

---

"Parang dati, habulin ka pa ng mga manliligaw ate. Ngayon, kasal ka na." Tanong ni Camnice ang bunso nyang kapatid.

"Anong feeling, Ate? Masaya?" Si Charity naman, iyong pangalawa.

"Masaya naman. Pero ang hirap mag adjust. Minsan nalilimutan kong hindi na pala ako pwedeng lumabas nalang basta. Kaya sorry kung ngayon lang ako nakasama."

"Okay lang ate. Bawing bawi nga at libre mo naman." Humagikhik si Charity. Kahit kailan talaga itong kapatid nya.

"Bilisan nyo na kumain at baka mahuli kayo sa klase." Naiiling na sabi ni Jelay.

"Pero infairness ate. Ang pogi ni Kuya Hans." Si Camnice. "Ang bango pa."

"Naku kung ano ano sinasabi nyo. Nilibre ko na nga kayo eh."

Sabay na humagikhik ang kapatid nya. Napangiti nalang si Jelay.

Pagkatapos nila kumain ay nag uli pa saglit bago nagpaalam iyong dalawa nyang kapatid. Malapit lang naman sila sa school kaya hindi na nagpahatid pa iyong dalawa.

Paalis na din si Jelay pagkatapos bumili ng brownies pasalubong nang mapadaan sya sa pharmacy. Kumurap kurap pa sya. Sa huli, pumasok n sya sa loob at bumili ng pills. Well, she will be needing that kahit ayaw nya mang aminin. Hinanap hanap nya ang nangyari sa kanila ni Hans kaninang umaga.

Ang bilis no? Dati kasi, buhay na buhay ang sex life nya. Simula kasi ng huminto na si Ramgiorel sa panliligaw sa kanya ay kung kani kanino na sya sumasamang lalaki. Nahinto lang noong tumungtung sya sa fourth year, kailangan nyang mag-focus sa pag aaral nya para naman may maibigay syang diploma sa mga magulang nya.

Too Little, Too Late (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon