Chapter Twelve

247 10 4
                                    

Chapter Twelve

Inihanda ni Jelay ang ngiti sa mga pasahero ng airline nila ngayon. After greeting the passengers, the Captain annouced the take off.

She busied herself in attending the passengers demand.

Paikot ikot lang ang buhay ni Jelay bilang Flight Attendant. South Korea ang huling flight nya at may layover doon ng dalawang araw. So far, so good, dalawang beses palang nya uling nakasama sa schedule si Yuji sa isang linggong iyon.

Matapos silang magshort meeting sa Headquarters ay isa isa na silang umalis sa airport. Maaga silang nakalapag ng Manila ngayon at may isang flight bukas papuntang Japan.

She took off her blazer and let her hair flow on her back. Bahagya nya ding hinilot ang leegan at paa dahil sa mahabang oras ng biyahe.

"Jelay,"

She looked back and saw Yuji. Ngumiti sya dito. Masasabi nyang magaling talaga magpalipad ng eroplano si Yuji, tila parang nilalaro nga lang nito iyon.

"Pauwi ka na?"

"Ah, oo.. Bibisita pa ako sa amin mamaya. Ikaw?"

Nang tumapat si Yuji sa kanya ay hindi na nya napigilang matitigan ang binata. Bagay dito ang singkit na mata.

Kinamot pa nito ang batok na tila nahihiya sa sasabihin.

"Aayain sana kitang kumain sa labas."

Hindi na bago iyon kapag nagkakasama sila ni Yuji sa schedule. Kaso agad syang tumatanggi dahil lately palaging bantay din sa kanya si Hans sa hindi nya malamang dahilan.

Jelay was about to answer when her phone rang. She almost jumped when she read her husband name.

"Excuse lang, Yuji."

Gumilid sya at sinagot ang tawag ng asawa.

[Are you done?]

Iyon afad ang bungad sa kanya ni Hans. Napanguso sya, at dapat masanay na sya kasi wala naman atang sweet bones sa katawan ang asawa. Kapag may nangyayari lang sa kanilang dalawa ay tyaka lamang ito nagiging sweet.

"Oo, nasa labas na ako ng airport."

[I saw you. Who's with you?]

Binalingan nya si Yuji na nakatingin sa kanya. She smiled, so Yuji smiled back.

"Iyong Capitan."

[I'll be there.]

Jelay nodded eventhough Hans can't see her. Naputol na din ang tawag kaya binaba na nya ang cellphone at hinarap si Yuji.

"Ahm, Yuji.. pwede next time nalang?" Unti unting humina ang boses nya nang natanaw na ang black wrangler ni Hans.

"Okay, I understand."

Hinawakan nalang nya ang braso ni Yuji at bahagyang pinisil iyon.

"I'm sorry, babawi nalang ako."

The black wrangler stopped infront of them. Pinisil ni Yuji ang ilong nya bago tumawa.

"Hintayin ko yan."

"Love," si Hans na nakababa na sa sasakyan. "Let's go,"

Hinarap ni Jelay si Yuji at kinawayan. Sinalubong sya ni Hans at walang sabi na hinalikan sa labi, nakaramdam lang sya ng hiya dahil kay Yuji.

"Hans,"

"Hop in." Balewala ni Hans sa suway nya at pinagbuksan sya ng pinto.

Sinilip nya si Yuji at nakitang naglalakad na ito papunta sa parking. Hans block her vision and buckled her seatbelt.

Too Little, Too Late (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon