Chapter Eleven

182 9 2
                                    

Chapter Eleven

Tumayo si Jelay sa labas ng airport para hintayin ang asawa. Ngunit wala pang reply si Hans sa text nya.

She took a deep sighed. Baka nasa trabaho ito. Pasado alas tres na din kasi sila nakabalik ng NAIA. At since marami pang ginawa sa loob, saktong alas kwatro na sya nakalabas. Kanina nya pa din tinext ang asawa ngunit walang reply dito kahit isa.

Binigyan nya nalang ng palugid ang sarili na hintayin ang asawa hanggang four twenty bago magpasyang umuwi. Ayaw naman nyang abalahin ito kung talagang busy.

"Waiting for someone?"

She looked back and saw Yuji beside her. Tipid syang ngumiti at tumango.

"I was waiting for Hans. Ikaw?"

"Uuwi na din." Sagot lamang nito. "Gusto mo ihatid na kita?"

Agad syang umiling. "Huwag na. Makaabala pa ako."

"Hindi ito abala and I insist."

Similip ni Jelay ang wrist watch, four fifteen na. Five minutes nalang at kapag wala pa ang asawa ay uuwi na syang mag isa.

"Jelay, I'm harmless." Natawa ito. "I'll just drop you home,"

Pinasadahan nya ang mga sasakyan na dumadaan at nagbabaka sakaling makita ang itim na wrangler ng asawa ngunit bigo.

"Kunin ko lang iyong sasakyan ko. Wait for me here, okay?"

Hindi na sya hinayaang makasagot ni Yuji. Wala pang limang minuta nang makita nya ng sasakyan ni Yuji na pumarada sa harapan nya. Bumaba ito at pinagbuksan pa sya ng pinto sa passengers seat.

"Careful," anito nang inalalayan sya papasok sa loob.

"Ako na, Yuji." Mabilis nyang kinuha ang seatbelt na ikakabit sana ni Yuji sa kanya.

Sa huli ay ngumiti si Yuji sa kanya at sinaraduhan na ang pinto.

Buong biyahe ay nakamasid lang si Jelay sa bintana at tahimik.

"Are you okay?" Rinig nyang tanong ni Yuji.

Hinarap nya ito at tumango, "Pagod lang siguro ako."

Isang tango lang din ang sinagot ni Yuji sa kanya. Nang makarating sa subdivision nila ay tinuro nya kay Yuji ang daan sa mismong bahay nila.

"Dito nalang sa may puting gate."

Hininto ni Yuji ang sasakyan. Kinalas nya ang seatbelt at hinarap si Yuji. Nahuli nyang matamang nakatitig sa kanya ang binata.

"Ahm, salamat Yuji. Hindi na kita maaaya sa loob."

"It's okay, take a rest first."

Ngumiti sya at binuksan na pinto kaso naka-lock pa iyon.

"Yuji iyong pinto..."

"Oh yeah, I'm sorry." Pinindot nito ang lock.

Nang mabuksan nya ang pinto ay kaagad syang bumaba doon. Nasaktong bumukas ang gate nila at lumabas si Ace.

"Ate Jelay, susunduin palang sana kita." Gulat na sambit ni Ace at pumihit ang mata sa sasakyan na naghatid sa kanya. "And I texted you,"

"Sorry, pagod na kasi ako." Sagot nya kay Ace bago tinanguhan si Yuji at sinarado ang pinto.

"Sorry Ate, ngayon ko lang kasi nabasa yung text ni Kuya sakin. He's on a meeting. Importante daw." Sinalubong sya ni Ace na ang mata ay nakatutuk pa din sa sasakyan.

Tinapik ni Jelay ang pisngi ni Ace.

"Sino naghatid sayo?" Sunod na tanong ni Ace.

"Katrabaho ko, Ace."

Too Little, Too Late (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon