Chapter Fourteen

248 10 3
                                    

Chapter Fourteen

Kanina pa nakasilip si Jelay sa cellphone nya simula nang maglanding sila sa Japan. Nasa head quarters silamg lahat ngayon para sa announcement.

Nagtext sya kay Hans kanina bago sila magtake over. At hanggang ngayon, wala pa ding reply ang asawa. Naalala nya kasi bigla na may pag uusapan ito at si Mia Kaye, medyo nakaramdam lang sya ng kaba pero hindi naman siguro.

"Baka maglay over tayo ng isang araw. Nagkaproblema ang eroplano. Mabuti nang makasiguro munang safe." Ani Yuji na syang piloto nila ngayon. "Naitawag ko na kay Sir Pactor ito. May hotel na daw tayo para sa isang araw na pamamalagi dito."

Tumango ang lahat. Mas mabuti na ngang safe kesa habang nasa himpapawid sila ang magkaroon pa ng aberya.

"Iyon lang. Parating na iyong service natin."

Napapitlag sya sa biglang pagbangga ni Donna sa gilid nya.

"Kanina ka pa nakatingin sa cellphone mo."

"Ah, may hinihintay lang akong tawag."

Dumating na ang service nila at hinatid sila sa Hotel. Hinila sya ni Donna para sila ang roommate na dalawa.

"Una na ako magshower ha."

"Sige, papahinga ko muna iyong paa ko."

She tried to call Hans pero nagriring lang ito. Sa huli ay nagsend nalang sya ng text.

To Hans:
Nagkaroon kami ng emergency layover na isang araw. Nagkaproblema kasi ang eroplano, baka bukas na ako umuwi. Tawagan mo ko agad ha.

Nang matapos magshower si Donna ay sya naman ang sumunod. Mabuti nalang at sapat na damit lang ang naimpake nya kanina, dahil biglaan ngang nagkakaroon ng layover na ganito.

Binuhol nya ang bathrobe at lumabas ng cr. Natigilan pa sya dahil nakita nyang nakaupo si Yuji sa sofa sa may maliit na sala doon. Kumurap kurap sya.

"Oh." Napatayo si Yuji. "Sorry, pinapasok ako ni Donna."

"Ah, anong meron?" Marahan nyang niyakap ang sarili.

"I was just going to ask you out kung hindi ka busy?"

"Uy! He keep on knocking on the door kasi kaya pinapasok ko na." Lumabas si doon sa mini kitchen. "Dito na ako."

"So?" Yuji caught her attention. "Dinner lang. My treat, don't worry."

Kinamot nya ang batok nya. "Bihis lang ako, upo ka muna."

Yuji nodded and sat on the couch. Tumalikod na si Jelay at pumasok sa kwarto nila ni Donna.

PANAY ang tango ni Hans sa mga tinuturo ni Mia Kaye sa kanya. Puro mga opinyon naman nito ang nasusunod kaya hindi nya magets kung bakit kailangan pa nitong humingi ng tulong sa kanya?

"Sure ka bang okay na talaga to?" Mia Kaye asked him.

"Okay na yan, pa-check mo nalang din kay Jobert."

"Eh sayo, okay na?"

Binaba nya ang hawak na ballpen. "I said it's okay, Mia. Wala ka na bang itatanong?"

Sinarado ni Mia Kaye ang folder na hawak at nagpalumbaba sa harapan nya. Tinaas naman ni Hans ang kilay dito. Hindi naman sya manhid o ano, alam nyang kanina pa pinangangalandakan ni Mia Kaye ang dibdib nito sa kanya, napapatingin sya pero hindi nya tinititigan iyon.

"May dress code ang kompanya." Aniya.

"Hmm.. distracted ka ba?"

Tumitig sya kay Mia Kaye at napailing. Umayos sya ng pagkakaupo at pinasadahan ng tingin ang kabuuan nito.

Too Little, Too Late (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon