Prologue

791 15 6
                                    

Prologue

Nakatitig sa repleksyon nya sa salamin ang dalaga na may suot na magandang wedding gown. Every girls dream, nakakamit na nya ito ngayon. Nakangiti sya, ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nya. Nakangiti lang sya dahil dapat iyon ang ipakita nya para ilarawan ang isang masayang babae na ikakasal ngayon.

Isang engrandeng kasalan ang magaganap ngayon kay Camille Angelie, because she don't want to disappoint her parents.

Siguro kung ibang babae itong nasa katayuan nya, ay tiyak na magiging masaya iyon. Pero hindi sya. Kasi hindi nya mahal ang lalaking ipapakasal sa kanya. Gagawin nya lang ito para bayaran ang utang ng Papa nya sa mga Verdadero.

Pumikit si Camille at huminga ng malalim. Doon bumukas ang pinto ng kwarto kung nasan sya. It was her Mama and her wedding coordinator. Her Mama gave her a small smile.

"Ready na po." Ani Jeanny-- ang wedding coordinator nya.

"Jelay, you know that you can still back out. Magagawan naman namin ng Papa mo ng paraan ito." Malumanay ang boses ng Mama nya.

"Ma, nakapagdesisyon na po ako. Ayaw ko pong makulong si Papa. Malakas ang mga Verdadero sa Government."

Her Mama took a deep sighed. "I'm sorry... anak. Sana ay hindi ko hinayaan na makipag-deal ang Papa mo sa mga Verdadero. Sana wala ka dito ngayon."

"Ma. Tara na po."

Nilunok nya ang malaking bara sa lalamunan nya para mapigilan ang pagbuhos ng luha nya. Inalalayan sya ni Jeanny papasok sa bridal car. Tahimik lang sya habang bumibiyahe sila papunta sa simbahan. Hawak kamay sila ng Mama nya at ang Papa nya ay naka-upo sa passenger seat. Si Jeanny naman ay panay ang retouch sa mukha nya. Nginitian nya lang iyon.

Sinarili nalang nya ang ngiti na nararamdaman ng sumagi sa isipan nya ang mukha ng taong mahal nya at taong dapat na papakasalan nya. Si Ramgiorel, pero matagal na iyon. Naka-move on na sya at masaya na iyon kay Vexy Samonte.

Mabilis lang silang nakarating sa simbahan. Dinambol ng kaba ang dibdib nya ng makitang madaming tao ang nasa simbahan na. Pumwesto na sila sa may pinto katabi ang mga magulang nya. Alanganin pa syang humawak sa Papa nya pero ginawa na nya iyon kasi bumukas na ang pinto. Umalingawngaw ang magandang kanta nang sinenyasan na syang lumakad ni Jeanny.

Nagsimula na silang lumakad. Agad nyang nakita ang straight face ng lalaking mapapaangasawa nya katabi ang nakababatang kapatid nitong lalaki. Seryoso lang ang mukha ng lalaki habang pinagmamasdan nya ito. Hindi naman nagtagal at nakalapit na sila. Niyakap sya ng Mama at Papa nya, ganun din ang ginawa ni Hans sa mga magulang. Mainit na yakap naman ang binigay sa kanya ni Mr. Harold Verdadero ang ama ni Hans Verdadero.

Walang nagbago sa mukha ni Hans nang hawakan nito ang kamay nya para igiya sya sa altar. Tulad nya, walang nararamdamang pagmamahal si Hans Verdadero sa kanya. Quits sila at napilitin lang din dahil si Hans, may gustong patunayan sa ama nito.

"I'm starting to get a bored." Rinig nyang bulong ng binata sa tabi nya.

"Pekein mo naman na interesado ka. Smile." Aniya.

"Ginusto mo ba talaga itong kasal na ito?" Masungit na tanong ni Hans sa kanya.

"Hindi. Ayaw ko lang may masabi ang mga tao dito. Tulad ng hindi naman tayo masaya sa kasal natin. Diba ikaw ang may sabi, we have to be careful dahil nakasalalay ang image ng Verdadero Corp dito--"

"Shut up! Ang ingay mo."

Kumibit balikat sya at humarap na sa pari na kanina pa pala nakatitig sa kanila. Nginitian nalang nya ito.

Nababakas talaga ang pagkainip sa mukha ni Hans habang si Jelay ay nakikinig sa mga payo ng pari sa kanila. Hanggang sa sinabi na nito ang mga katagang...

"Let me present you, the newlyweds. Mr. And Mrs. Hans Verdadero." Nagsipalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan.

"Hans, you may kiss your wife now."

Jelay rolled her eyes. She find it disgusting. Pero hinarap sya ni Hans at inalis ang belo nya. Pinanlakihan nya ito ng mata, but still Hans remain serious.

She didn't expect the one second kiss on her lips. Dahil sa nangyari, tila parang may kung anong tumambol sa dibdib nya at nagparty ang mga paru paro sa loob ng tiyan nya. But that is just a hallucination. Nah, hindi makakaramdam si Jelay ng ganoon. Sa huli, umirap sya dito. Hindi nakatakas ang pag angat ng gilid ng labi ni Hans sa kanya.

Napapikit si Jelay at napadasal nalang sa diyos na sana maging maayos ang buhay may asawa nya, lalo na at si Hans Verdadero pa ang naging asawa nya.

Matapos ang picture picture, diretso agad sila sa mansyon ng mga Verdadero para sa reception ng kasal. Dinama ni Jelay ang suot na wedding gown pero napapasimangot sya kapag naaalalang kinasal sya kay Hans Verdadero. Antipatiko at bilib sa sarili ang lalaki kaya inis na inis sya doon. Pero dahil nga sa utang nila, heto at asawa na nya ang lalaki.

Plastic ang ngiti ni Jelay, alam nya.

"I wanted to sleep. Geez, bakit ang arte ng kasal kasal at may pa-ganito pa?"

Hindi nya pinansin si Hans na bugnot na bugnot na sa tabi nya. Nakakain na naman sya kaya maayos na ang pakiramdam nya at hindi na sya naiinip.

"Jelay, Hans.." ani Mr. Harold.

"Dad, may kailangan po kayo?" Magalang nyang tugon.

"Ready na ang private plane nyo. Nandoon na ang mga gamit sa sasakyan."

"Saan kami pupunta, Pa?" Si Hans.

"Honeymoon nyo sa Maldives. Kaya sumakay na kayo sa sasakyan, ako na bahalang magpaliwanag sa mga tao dito."

Tinulak sila ng mahina ni Harold. "Gusto ko pagbalik nyo, may apo na ako ha!"

Automatikong namula ang pisngi ni Jelay habang si Hans naman ay napaungol sa inis dahil sa sinabi ni Harold sa kanila.

"Bilisan mo maglakad, gusto ko nang magpahinga." Masungit na utos sa kanya ni Hans.

Inambangan ni Jelay ng suntok si Hans pero hindi naman nya tinuloy. Bagkus ay ngumiti sya at binuhat na ang laylayan ng wedding gown nya at sumunod sa lalaki. Tinulak nya ito at pumasok sa loob na halos wala ng masakyan si Hans dahil sa gown nya. Naiinis na tinabi ni Hans iyon saktong natakpan ang mukha ni Jelay.

"Ikaw!"

"Tumahimik ka. Matutulog na ako. Gisingin mo ako kapag nasa airport na tayo."

Ngumuso si Jelay at humalukipkip bago bumaling sa bintana. Hindi nya napigilang makaramdam ng excitement dahil makakatuntung na sya sa Maldives. Isa sa mga pangarap nya iyon.

Hmm.. may advatage din pala itong pagpapakasal nya kay Hans Verdadero. Mayaman. Kaya nyang gawin ang mga gusto nya.

Too Little, Too Late (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon