Chapter Six

154 8 1
                                    

Chapter Six

Maagang nagising si Jelay kinabukasan. Kagabi kasi, matapos nyang ayusin ang tub para sa asawa, hindi na nya halos namalayan na nakatulog na ata sya dahil sa pagod. Ngayon, sinilip nya ang asawa na humihilik pa habang nakadapa sa kama. Suot lamang ang boxer shorts nito.

Tumayo si Jelay matapos maipuyod ang buhok. Inayos na din nya ang higaan at tumungo na sa banyo. Naghilamos sya at kumuha ng bra dahil ayaw naman nyang may maging dahilan na naman si Hans para gawin ang ginawa sa kanya.

Sumilip sya sa kusina at dahil maagang nagigising ang mga kasambahay. Naabutan nya itong nagluluto na ng almusal.

Tumikhim sya at agad naman syang nakita ni Manang. Ngumiti si Jelay at lumapit.

"Ano pong maitutulong ko?"

"Naku, hija. Maupo ka nalang jan at patapos na din naman kami." Sagot ni Manang.

"Mabuti pa, Ma'am Jelay. Ipagtimpla nyo nalang ng kape si Sir Hans." Ani Ate Rosa sa kanya.

"Sige po."

Pinuntahan nya ang coffee maker para gumawa ng kape. Hindi nya alam ang tipo ng kape ni Hans dahil si Hans naman mismo ang gumagawa ng kape para sa kanya. She choose the black coffee and prefer some creamer incase na gusto ni Hans na may creamer.

Nang matapos sya ay saktong naghahain na ng mga pagkain ang mga kasambahay. Pasado alas siete na din ng umaga. Pumasok sa kusina ang biyenan nya.

"Pa, Good Morning." She greeted and kissed Harold on the cheeks.

"Oh. Mukhang maaga ka ngayon ah."

"Maupo ka na, Pa. Tatawagin ko lang si Hans."

Isang ngiti lang ang ginawad ng biyenan sa kanya bago pinisil ng bahagya ang braso nya. Tumungo sya at tinungo na ang kwarto nila.

Kaagad na humalimuyak ang amoy ng shower gel ni Hans sa buong kwarto nila nang mabuksan iyon. Sinarado nya ang pinto at mabilis ang hakbang sa walk in closet.

"Hans?" Tawag pansin nya.

Tinutuyo na nang asawa ang kanyang buhok. Pumasok na sya ng tuluyan sa loob ng walk in closet at pumili na ng susuotin ni Hans. For the past days, nakasanayan na din nyang sya ang pumipili ng suit and tie nito.

"This will fit you." Inabot nya ang damit sa asawa. "Bumaba ka na pala. Ready na ang almusal."

Hans nodded curtly. "Jelay.."

"Hmm?" Lingon nya matapos pumili ng sapatos.

"Iyong dinner mamaya. I'll pick you up at seven."

"Okay." She nodded. "Noted. Sunod ka na sa baba."

"Yeah, sure."

They both nodded their head. Tumalikod na sya para lumabas at bumaba.

Nagsisimula ng kumain iyong biyenan nya ng makaupo sya sa upuan. Seconds later when Hans appeared. He automatically sit beside Jelay. Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Where's my coffee?" Tanong ni Hans.

"Ahm.. I'll get it. With creamer?" Sinulyapan sya ni Jelay.

"Si Ate Mel nalang ang kukuha." He nodded his head on Ate Mel.

"Ako na Ate Mel." Jelay stopped Ate Mel. "With creamer?"

Tumitig sa kanya si Hans.

"Black... just black coffee." Hans casually answered.

Tumayo si Jelay at tinungo ang kusina para kumuha ng kape.

Dalawang tasa ang nilagyan nya para sa mag ama. Hindi na naman kasi umuwi si Ace, at paniguradong nasa bar niya iyon.

Too Little, Too Late (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon