SA BAHAY
Umuwi si Xyrhia na sobrang magulo ang mga buhok nito. Nagmano si Xyrhia sa mga magulang nya at agad pumunta ng kwarto para makapagpahinga.
(Kumakatok ang mama nya sa pinto) "Iya! lumabas ka muna rito!" Pagalit na pagbigkas nito.
"Ma, wait lang po. Saglit lang" Sagot ni Xyrhia habang nakahiga muna sa kama.
"Lagot ka sa'kin kung yang saglit mo na yan aabot hanggang bukas!" Patuloy nito. "Pagkatapos mong magbihis jan, lumabas kana. Hugasan mo yung mga hugasin. Yung labahin tapusin mo tapos isampay mo agad. Aalis muna kami ng papa mo para asikasuhin yung papeles pang demanda ng tiya mo. Maiwan ko muna kayo ng mga kapatid mo dito. Dun na kami sa Salvan Hills (bahay nila Xyrhia sa Subdivision) matutulog." dagdag ng mama nya.
||Halos walang pahinga si Xyrhia sa araw na yun. May long quiz pa na magaganap bukas at sa makalawa. Kailangan pa nyang mag-aral... Pag-aaralan nalang din nya yung iba pang subjects. Baka sakaling may surprise quiz na naman... Lahat ng libro binuksan, yung reviewer nakadikit sa may dingding. Yung notebooks inilapag na rin. Tapos sinagot pa yung assignments. Kailangan nya ngayong magpuyat para pag-aralan lahat.||
||Kumakain sya habang nag-aaral. Hanggang sa nakatulog sya sa plato nya na may kanin pa.||
||Nanaginip si Xyrhia ng malaking daga na kakainin ang mga tao. Yun na pala ang time na ikakakaba ng kanyang kalooban. Kinagat ang daliri nya na nangangamoy dahil hindi ito nakapaghugas.||
"" gulat na reaksyon nito habang hinihila ng daga ang daliri nya. "Amp*ta!" Nagkahilaan ang dalawa. "Tug of war pala gusto mo ha!"... At nang mainip si Xyrhia nung ayaw bitawan ng daga ay kinuha nya ang plato para itapon sa daga. "Langyang daga kaaaaa!!!" Banggit nya nung tagumpay nyang naialis ang daga. Tumatawa pa sya dahil nga naipanalo nya. Ngunit napalitan ulit ito ng gulat nung nakita nya ang kamay nito na mala-fountain na agos ng dugo dahil natamaan nito ang ugat sa daliri. "Ateeeee??? x(( kuyaaaaa???" tinatawag nya ang ate at kuya nya. "Ateeeee??? Tulungan mo 'ko!! Kuyaaaaa T^T " nangingig na bigkas nito habang umiiyak na pinipigilan ang agos ng dugo sa kaliwang kamay.
(Lumabas ang ate ni Xyrhia)
"Bakit ba? Inaantok pa a..." Hindi natuloy ang pagsasalita nya nung nakita nyang duguan ang puting sando na suot ni Xyrhia. "Wut the... Anong nangyari sayo??!!!!" Pangangambang tanong nito at agad bumaba ng hagdanan. "Ketchup lang ate, ketchuuup T^T jwk. Kinagat ako ng daga T^T" naiiyak na sagot nito.
|| Tumawa ang ate nya dahil daga daw. Akala nya kasi magbibiro lng ito or whatsoever. Tinignan nila ang oras. 1:02AM pa. Lumabas ng kwarto yung kuya ni Xyrhia tapos pinagsabihan na wag syang kabahan dahil mas dadami ang agos ng dugo kapag kinabahan.||
"Kumuha ka ng tabo na may tubig!" Utos ng kuya sa ate. Dali-dali naman itong kumuha. Tapos ibinabad ang kamay nito sa tubig para mabawasan ang rabies o tetanus ng daga na papasok. Di mapakali si Xyrhia.
"Kuyaaa, mamatay na ba ako? T^T" tanong ni Xyrhia. "Oo mamatay ka talaga kung hinayaan mo yan." Sagot nito.
||*Di hinayaan ni Xyrhia na ibabad ito ng matagalan sapagkat kay raming lumalabas na dugo. So kinuhaA nya ito tapos tinakpan pasagad ng cotton||
XYRHIA: Ayuko pa mamatay. Sayang ako kuya. Wala na kayong kapatid na maganda T^T jwk. May long quiz pa kami, di ako pwedeng umabsent T^T"
ATE: Gaga kailan ka pa naging maganda? ....umayos ka! Kahit mamatay ka, pangit ka pa rin.
XYRHIA: Grabe ka naman ate. Kung makapagsalita parang di kapatid. Syempre mas pangit ka no. Pinakapangit si kuya hahahah! charroowwttt!
ATE: Hindi, maganda ka talaga! Mana sa ate 😁
"...araaaaayyy!! Huhuhu" sigaw ni Xyrhia dahil hndi parin tumitigil ang paglalabasan ng dugo.
||Isinugod sya sa hospital gamit ang sasakyan ng boy bestfriend ng ate nyang naisturbo mula sa pagtulong dahil walang ibang tao na tutulong sa ganong oras. Ngunit pagdating doo'y pinagtatawanan din sya ng Nurse kung ano ipapacheck-up nya, at nang doktor pagkatapos makisatsat sa mga nangyayari. Nai-inject si Xyrhia ng dalawang beses, tapos ginamot ang daliri nito bago pinauwi. Buti naman naagapan na. Pero andun pa din yung sakit sa daliri na medyo nakalabas pa ang ugat nito.||
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
YOU ARE READING
All Over The Distance
Non-FictionPS: Other stories are still Unpublished. *Tell Me Who You Are (Horror Story) *Human Diary: Dear Crush *My Love Behind the Mask (RPW Feels)