Part 11: Pagbawi

17 1 0
                                    

Kailangan pa ba talagang masaktan para lang maramdaman na tayo'y nagmahal? Minsan kailangan din natin dumistansya sa buhay ng iba para Lang di tayo makaramdam ng sakit na hindi natin inaasahan. Masakit man ang ating napagdaanan, Saktan ka man ng paulit-ulit, ito Ang lagi mong pakatandaan:

"Inilayo ka nang ating Panginoon sa maling tao at hindi nararapat sa iyo."
.
.
.
.
.

||Lubos na ikinalungkot ni Xyrhia ang mga nangyayari. Sinisisi ang sarili kung bakit masaklap ang kanyang lovestory. Kaya napagtuonan nalang nya ng pansin ang pag-aaral.||
.
.
.

||Kinuha si Xyrhia bilang kalahok sa Slogan Making Interschool Competition. Kalahok din si Jonathan sa Poster Making Contest. Nagkasama ang dalawa sapagkat naka-assign sila sa Larangan ng Pagsining. At syempre, awkward din na mag-usap sila. Walang ibang sinabi kundi ngiti na lamang ang tanging komunikasyon. Successful ang Competition. Di inaasahang naging Champion ang dalawa. Naging photographer si Xyrhia sa oras na iyon sapagkat nais din ni Jonathan ng Solo Picture para sa Facebook display picture nya.||
.
.

"Sige , ikaw Naman. Ako na magpicture sayo." Sabi ni Jonathan.
.
.

"Ayy, wag na. Ayus lang 😊 Sige maupo na ako ah." Sagot nito.
.
.
.
.

||Nang uwian na'y gusto nang mauna ni Xyrhia na umuwi sapagkat masama ang pakiramdam nya. Utos ng guro'y samahan ni Jonathan si Xyrhia pauwi. Nung una'y ayaw ni Jonathan kasi sasabay sya sa kanila pauwi, pero nakumbinsi din sya na samahan na lamang ito.||
.
.
.

NASA DAAN NAGHIHINTAY NG MASASAKYAN...

JONATHAN: ikaw kasi e. Imbes gusto ko pang manood ng Speech Choir, papauwiin nalang din ako. Hays. Oh ayan (binigay ang puting jacket) ibalik mo yan bukas ah.
.
.

XYRHIA: Sorry ah. Nadamay ka pa😟 di ko sinasadya.
.
.
.

(Pumara ng jeep)
.
.

(Nagkahiwalay sila ng inuupuan)
.
.

(Masikip ang inuupuan; umandar na Ang jeep)
.
.
.

(Umidlip muna ang karamihan dahil nakaramdam ng antok sa biyahe)
.
.

||Ramdam ni Xyrhia na may gumagapang na kamay papasok ng jacket nya SA TUWING humihinto ang sasakyan dahil sa mga pansamantalang traffic. Papunta ang paggapang ng mga kamay sa gilid ng dede nito. Lalaki Ang katabi nya na may suot na sunglasses. Agad naman syang kinabahan. Di sya makasigaw sapagkat may dalang kutsilyo sya kung sakali hihingi sya ng tulong. Kaya nagkunwari muna syang hindi nya namalayan dahil sa takot. Napaiyak nlng ito ng pasekreto, sabay padiin ng mga braso upang di nahahawakan at napapaalis ang kamay ng lalaki.||
.
.
.

(Huminto ang Jeep, at may bumaba)
.
.

||Agad namang lumipat si Xyrhia ng upuan papunta sa inuupuan ni Jonathan||
.
.

"Aba, (tumingin) ba't ka pa tumabi sa'kin? Bumalik ka dun! (Dumistansya ng inuupuan palayo kay Xyrhia at tumalikod)" Naiinis na sambit ni Jonathan.
.
.

(Tumabi kay Jonathan at niyakap nito habang umiiyak sa likuran nya)
.
.

JONATHAN: Hoy ano nangyari sayo? Uuwi na nga tayo tapos iyak ka ng iyak jan. Chillax ka lng.
.
.

||Pabulong na nagsumbong si Xyrhia kay Jonathan na agad namang ikinagagalit ni Jonathan sa lalaki.||
.
.

"Sure? Baka niloloko mo lng ako ha" pabulong na sabi nya.
.
.

"iiyak ba ako kung hindi totoo? tatabi ba ako sayo kung hindi ako takot? Ikaw lng kakilala ko dito, maniwala ka 😢" pabulong na sagot nito.
.
.

"Para! Para! Kuya ihinto mo na, bababa na kami." Pagalit na sabi ni Jonathan.

.
.

"Tara Xyrhia, baba na tayo. Lipat tayo ng ibang masasakyan." Dugtong ni Jonathan na hawak² ang kamay ni Xyrhia pababa ng jeep.
.
.
.
.

"Hoyyy!..." Sabay turo sa lalaking nambaboy kay Xyrhia. "... Nag-aral ka ba? Umayos kang kumag ka ha?!! Matanda ka na oh tapos nambabastos ka!! Nakakawala ka ng respeto!!! Bwesit ka!!"  (Nakatingin lahat ng pasahero, at umandar ulit ang sasakyan)
.
.
.

||Speechless si Xyrhia sa ginawa ni Jonathan. Natrauma sya sa mga nangyayari kaya di na halos makapagsalita. Naglakad sila habang naghihintay na may dadaan na sasakyan. Nadaanan nila ang Jollibee.||
.
.

"Tara kain muna tayo." Sabi ni Jonathan.
.
.

(hanggang pintuan lng sila tapos umalis agad)
.
.

"Joke lang wala akong pera hehehe"
.
.
.

||Hanggang sa nakasakay na sila't nasa daan na malapit sa bahay, tinawag ni Xyrhia si Jonathan, at nagpasalamat ito||
.
.

"Wala yun. bumabawi lng din ako sayo. Marami ka kasing itinulong sa akin. Sorry sa pagsusungit ko ah. Pasensya kana kung yun lang Ang kinaya ko. Kaibigan kita kaya ipagtatanggol kita. Alis na ako Xyrhia ah. Ingat sa pag-uwi"
.
.

(Tumakbo si Jonathan palayo kay Xyrhia)

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
.

All Over The DistanceWhere stories live. Discover now