Entry 16

35 1 0
                                    

ROSAS

Sa bawat lagaslas ng tubig
Ay kasabay ng pagsumpal ng tela sa bibig,
Pilit kumakawala sa mga mapangahas na bisig
Na dapat ay magdulot ng kilig
Ngunit kabaliktaran ang naramdaman ng sapilitang hinilig
Ang walang kamuang-muang na rosas.

Rosas na dapat makulay at marami pang saysay...
Nawalan ng buhay
Sa ilalim ng tulay.

Na tila ba di isinilang sa mundo
Pagkat natagpuang di buo
Warak ang kanyang puso
At natatanging buo ay ang pagkauso ng mga biktima na inabuso.

- MisC -

SHORT POEMSWhere stories live. Discover now