1. Gasoline Station

16 0 0
                                        

"As Expected, Mr. Issen Drew Syllvaña ay kasama sa Dean's Lister."

"Wow! Ang galing ni President oh! Mr. Knowledge talaga e."

"Oo nga! Ang galing!"

"Pa-Burger naaaaa!"

"Gala nga tayo! Libre mo President Drew!"

Kanya kanyang kantsawan ang mga kaklase ko ng ianunsyo ni Professor Galvez na Dean Lister ako ulit.

Natatawa lang naman ako,

"Pre! Tara? Kahit kami lang ilibre mo!"

pabulong na sabi ni Arjoe,

"Oo nga!"

pagsang ayon naman ni Ian

"Classmates! ang daya oh? Yung nagtotropa lang gagala!"


sigaw ni Shena.



"Ang daya mo naman! Kahit wag mo na kaming ilibre sumama ka lang sa gala, ipagsiCelebrate nga namin ang pagiging DL mo tapos wala ka!"


"Oo nga! Sama na! Eto naman oh!"


"Oo na! Oo na! Sasama na ko gumala!"


Hindi kasi talaga ko sumasama sa pag gala, ewan ko ba! Feeling ko kasi pagsasayang lang ng oras yun.

At isa pa, Mas gusto ko magaral o kaya sa bahay lang. Mas nageenjoy ako!

Nauwi lang naman kami sa Mall nagTime zone lang at ayun! Inabot kami ng 8Pm , sumakay na ko ng Bus para umuwi,

Nako! Yari ako nito sa Mama ko, hmmp. Pero last time na malate ako umuwi tuwang tuwa pa sila Mama at Papa dahil kahit papano daw naglilibang na ko? Hay. Ewan ko ba!


"Bilis naman!"


Saad ko sa sarili ko dahil tumigil tong Bus para magsakay, at Guess who kung sino ang mga pasahero mga West Orient University, Ang counterpart ng University namin.

Kung sa University namin, panay Good news, Good Students, sa West Orient naman ay panay mga Loko lokong estudyante,


"Ang ingay naman nitong mga to!"

saad ng babaeng katabi ko, maingay talaga sila mga lasing ba naman e.


Maya maya pa ay tumigil kami sa isang Gasoline Station, Nakakasura lang? Parang nangiinis pa e, kung kelan uwing uwi na ko saka naman tigil ng tigil itong bus na to,

paalis na sana ang bus ng biglang tumigil nanaman.


Ano ba? Naiinis na ko ha?


pero tila nawala ang pagkainis ko ng makita ko kung sinong sumakay,

Isang babae, Maganda, Sexy. Naka Pants sya, Sando na may Leather Jacket, Ang cool ng dating!

"Wiwiiiit!"

pito sa kanya ng mga taga WestOrient,

"Hi miss... Mukang nagiisa ka yata!"

binabastos na sya nung mga taga WestOrient, pero laking gulat ko nang,

"Bitiwan mo ko!"

*Booogggggssssshhhh!*

Pinagsusuntok nya yung lalaki at iniuntog nya dun sa salamin ng bus at saka pumara at bumaba,

"Araaay! Ansakit! Lokong babae yon!"

napasilip na lang ako sa bintana ng dumaan yung babae,

napansin ko din yung sugat nya sa bandang kaliwang pisngi, pero halatang di nya ininda yun,

ang Cool!

Sino kaya sya?

My Thug GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon