7. Runaway

8 0 0
                                    

"Okay ka lang?"

tanong sakin ni Fai, nandito kami sa room ngayon at kasalukuyang nagkaklase,

hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin mula nung malaman ko yung kagabi, parang nawalan ako ng gana. ewan ko ba!

bahagya kaming nakarinig ng ingay mula sa hallways..

"Sino sila?"

"Mga taga West ba yan?"

"Si Drake Salvador yan di ba?"

"Mga taga west nga!"

bigla akong kinabahan sa mga narinig ko hanggang sa pumasok na sila sa room namin, sina Drake nga yon.

"Drake!"

saad ni Fai at napatayo ito hinawakan ko naman sya sa kamay para pigilan.

"Anong ginagawa nyo dito? Lumabas kayo!"

sigaw ni Professor Sandoval, Pero hinawakan ni Drake ang braso nito at pinilipit,

"Manahimik ka Tanda!"

"Sumama ka sa'kin Feyan!"

sigaw muli nito.

"Ano nanaman bang problema mo Drake!"

sagot ni Fai,

hinawakan sya sa wrist ni Drake kaya naman napatayo ako at hinawakan din sa wrist si Fai,

"Sasama ka, O may masasaktan dito.."

mayabang sa sabi ni Drake sabay baling ng tingin sa akin,

agad namang tinanggal ni Fai ang pagkakahawak ko sa wrist nya at sumama kay Drake,

Hinabol ko sila pero sumakay sa motor si Fai nakaangkas sya kay Drake.

Hindi ko na maalis ang pag aalala ko, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinuntahan sila,

kung saan saan ako nagpunta hanggang sa humantong ako dito sa Basebale court,

nakita ko si Fai doon na nakaupo lang at nakatahimik,

naglalaro naman ang iba sa mga Tropang Sawi, si Drake naman ay umiinom.

pumasok ako sa loob at sinugod ang mga lalaking yon, hindi ako sanay makipag away, pero dahil sa ang babaeng mahal ko na ang may kailangan lalaban ako,

sinugod ko sila at pinagsusuntok, panay pasa at dugo na ako pero hindi ko iyon ininda, sa mga oras na to hindi ko nakitang sumuntok o lumaban si Fai,

Umiiyak lang syang pinapanood ako, ayoko na syang makipag away o manuntok gusto ko isa lang syang Prinsesang ililigtas ko,

nang mapabulagta ko na si Drake inakay ko na si Fai at tumakbo na kami,

hinabol kaming muli ng mga kasamahan ni Drake,

nagtago kami sa isang eskinita hanggang sa mawala na sila,

napaluhod ako sa sobrang pagod,

dumura na ko ng dugo , may black eye, at napakaraming sugat,

tumayo akong muli at tumingin kay Fai na umiiyak pa rin,

*Booogggssssshhh!*

laking gulat ko ng suntukin ako ni Fai sa muka

"Nababaliw ka na ba! Bakit mo ginawa yon! Bakit mo ko niligtas! Gusto mo na bang mamatay ha Issen? Gusto mo na bang mamatay! Sumama ako sa kanya para wala nang gulo, para hindi ka na masaktan! Dahil ayokong masaktan ka dahil sa akin! At ayokong masaktan ang lalaking mahal ko Issen!"

matapos nyang sabihin yon ay naglakad sya palayo pero hindi kalayuan ay tumigil sya, iniwan nya ako,

"Ayokong masaktan si Drake."

higit sa sakit na nararamdaman ko sa katawan ko, parang mas ikamamatay ko pa ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.

My Thug GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon