5. Friends

15 1 0
                                    

kinakantsawan nanaman ako nitong dalawa dahil sa "kabayanihan" nanaman daw na ginawa ko,

"Kotang kota ka na sa pagiging Gentleman Bro! Baka matanggal ka na sa Dean's List nyan?"

"Ganyan ka pala maInlove , ang swerte naman ni Ateng Siga ano? Mainlove ka naman sa kin para may taga dala na rin ako ng libro!"

"Hahaha mga loko!"

nakalabas na kami ng Gate at laking gulat ko kung sino ang sumalubong sa'min, si Felice!

"Antagal mo naman! Kanina pa kita hinihintay!"

wika nya,

laking gulat naman naming tatlo sa sinabi nya,

O.O <--- Muka ko

°____° <--- Si Arjoe

WoW <--- Si Ian

"Paano pare una na kami, hinihintay ka pala ni... Andreaaaaaa!"

sabi ni Arjoe na kinikilig kilig pa!

"Kita na lang tayo bukas.. LOVER BOOOYYY!"

Dugtong pa ni Ian with ngiting nakakaloko,

"Salamat nga pala!"

"Ha? Sa..saan?"

"Sa pagpapahiram ng libro mo!"

"Ahhh.. Wala yun!"

"Tara?"

"Ha? Sa...saan?"

"Bastaaaaaaa!"

hinila nya lang ako at dito kami dumating sa Indoor Baseball Court, at ayun! Nagbase ball kami..

Napaka saya nyang kasama, parang hindi yung Felice na siga tong kasama ko, para syang isang maamong babae, mahinhin at palatawa yung hindi nambubugbog at hindi siga!

"Huy! Issen!"

"Wag Issen! Hindi ako sanay!"

"Hmm. Ahhh.. Bastaaa! Issen."

"Felice Andrea!"

"Okay Lang! Sanay naman akong tinatawag na ganyan e! Hahaha ISSEEENNNN!"

"Wag nga yun..."

"Yun na lang, para pag may tumawag sayong Issen, alam mong ako lang yun. Para naiiba ako."

"Sige Fai!"

"Anong Fai?"

"Fai.. Fai ang tatawag ko sayo."

"Bakit Fai? Pangittt!"

"Fai... Para pag may tumawag sayong Fai, alam mong ako lang yun, para naiiba ako."

napatingin ako sa kanya habang sinasabi ko yun at nagkatitigan kami..

binigyan nya lang ako ng matamis na ngiti bilang pag sang ayon,

Mula noong gabing yon sa Basball court lagi na kaming magkasama, natuto akong kumain habang nagkaklase at matulog din habang nagtuturo ang professor namin,

"Iloveyou Issen..."

napadilat ako ng marinig ko yun,

hayysss.. panaginip lang pala!

Pero ayos lang kahit nagising ako sa panaginip na yun,

maganda rin pala ang bubungad sa pag gising ko, nakayukyok ako dito sa desk at kaharap ko si Fai natutulog pa rin sya, napakalapit lang ng muka namin, halos 3 Inches lang, ramdam na ramdam ko ang paghinga nya,

"Fai..."

mahina kong sabi at dumilat naman sya at ngumiti...

FAI...

F elice

A andrea

I love you...

 (Photo at the side: Felice and Issen <3 )

My Thug GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon