Excited akong pumasok dahil makikita ko sya ulit..
Bumaba ako ng Bus pero natigilan ako ng may makita akong mga taga West Orient U sa kantong dinadaanan ko,
nagsipag tayuan sila ng makita ako kay nag U turn ako, (Parang may Kotse lang? Haha) pero laking gulat ko ng may mga taga West pa rin andun,
"Sya nga yun Drake!"
sabi nung isa,
"So.. Ikaw pala yun?"
biglang nagtabihan yung mga adik na to at bigla naman nakiepal tong isang lalaki,
"Ikaw ba yung laging kasama no Feyan?"
"Si..sinong Fey--?"
*Bbboooogggsssshhh!*
hindi na ko nakakibo ng pag susuntukin nya ko, pinagtulungan nila ko ng mga barkada nya,
"Ano! Lumaban ka!"
G*go pala to e. kita nyang hawak ako ng mga alagad nya paano ako makakalaban? Duwag!
Dumura na ko ng dugo, at napakasakit na ng katawan ko,
napahiga na lang ako sa kalsada at inapakan nya naman ang leeg ko,
"Subukan mo pa ulit dumikit kay Felice! Papatayin na kita!"
idiniin nya pa ang pagkaka apak saka umalis,
Si Felice? Bakit? Ano bang meron!
pumasok pa rin ako sa University kahit puro pasa at sugat ang muka at katawan ko,
pumasok ako ng room ng nakayuko,
"Yon! Dumating din!"
"Ayan na pala Felice hinihintay mo e!"
naglakad ako papunta sa upuan ko pero biglang napatayo si Felice alam kong nakita nya ang sugat ko sa kaliwang pisngi at sa bandang labi,
"Napano to!"
"Wa...wala!"
"Shocks President! Ano nangyari dyan,"
nagaalalang tanong ni Shena
"Guys! First aid naman!"
sigaw ni Ian
"Sa clinic na la---"
"Hindi sya pwedeng dalin sa Clinic! Pag nalaman to ng Dean matatanggal sya sa Dean's List kaya hindi pwede!"
pagalit na sabi ni Fai
"Ano ba?! Firstaid kit! Kilos!"
sigaw pa nya,
ginamot nya ang sugat ko..
"Napano ba talaga to!"
"Wala.. wala lang yan!"
dumating ang uwian na hindi ko sinabi kay Fai kung anong totoong nangyari, sinabayan ko si Fai sa pag uwi pero mukang mapagbiro talaga ang tadhana,
nandoon yung mga taga West na nakatambay sa kanto ng school namin, tumayo ang mga lalaking yon at lumapit sa amin ni Fai,
hinigit ko si Fai papunta sa likod ko,
"Tignan mo nga naman Drake oh, walang kadala dala tong hayop na to!"
sabi ni Boy Kumag,
lumapit sa akin yung tinatawag nilang Drake,
"So ibig sabihin sila ang gumawa nyan sayo Issen?"
sambit ni Fai,
"Oo Felice.. Ako nga' Bakit? Nagsumbong ba sayo tong, Manok na to?"
mayabang na sabi nung Drake, hinigit ako ni Fai at ako naman ang nasa likod nya ngayon at..
*Boooogggssssshhh!*
sinuntok nya yung Drake at hinawakan nya ko tumakbo kami,
"Habulin nyo!"
sigaw ni Drake na namimilipit sa sakit dahil sinipa rin ni Fai yung you know what nya,
nagtago kami hanggang sa umalis yung Tropang Kuletzsx.
Hayop na mga Jejemon yun napagod ako,
"A..Ano mo sya?"
"Huh? Sino?"
"Si Drake."
"Sya? Hahah! Sino yung lalaking yun? Boyfriend ko sya."
tila may kurot akong naramdaman nang sabihin nya yun...
Ang sakit shit!
(That guy at the side is Drake!)
BINABASA MO ANG
My Thug Girlfriend
Teen FictionYou fell in love with a Thug? then Face its consequences.
