3. Sweet Side

11 1 0
                                        

Pangatlong araw na naming magkaklase nitong si Felice Andrea ang bait at ang hinhin ng pangalan nya, taliwas sa kanya na Siga at Boyish.

At dahil sa 3rd Day na to, lumabas na ang tunay na kulay ng Professor naming hilaw, nagsusungit na sya at ngayon na ang start ng Checking nya ng kung ano anong ewan ko sa kanya!


"Mr. Arjoe! Kindly Read the next Essay on the book."


"Sorry Mr. Sandoval, wala po akong dalang libro!"


"What?! nagaaral ka tapos wala kang libro?"


"So..sorry sir, Naiwan ko po kasi!"


"Bakit hindi na lang yung sarili mo ang iniwan mo Mr. Arjoe Beltran?"


"Hahahaha!"

tawanan ng mga kaklase ko,


"Quiet! Arjoe, magpunta ka, sa harap! Sino pa sa inyo ang walang libro!"


isa isa nyang ichineck ang mga kaklase namin at dahil pang 4th row kami pinagiisipan ko pa kung gigisingin ko ba tong katabi kong si Ms. Siga

nasa 3rd row na si Sir kaya naman hindi ko na natiis, ginising ko na sya sabay hawi ko ng libro ko papunta sa kanya,

halata namang naalimpungatan sya at pupungas pungas na tumingin sa libro ko, at halatang nagtataka at walang alam sa nangyayari, tumayo naman ako at nagpunta sa harapan.


"Wala kang librong dala pare?"

tanong sa akin ni Arjoe,


pero hindi na ko sumagot.


"Mga kamay!"

sigaw ni Professor Sandoval at pinalo ang kamay namin,


"Sa susunod na may makaiwan ng libro doble ang Punishment! Sige! Class Dismissed!"

naglakad nang palabas ng room si Felice at iniwan lang ang libro ko sa desk.


"Hindi manlang sya nagThankyou? Ano ba yan!"


sambit ni Ian, napangiti lang ako,


"Classmatesss! Mukang naInlove na ata ang ating Presidenttttt! Hahahaha"

anunsyo pa nya,


"Naku Ian! Hindi ah Naging Gentleman lang ako."


"Bakit? Gentleman din naman ako ah?"

sabi pa ni Ian


"Ako rin!"

si Arjoe naman.


"At dahil sa Gentleman kayong tatlo, kayo nalang ang tumapos nito!"

inabot sa amin ni Shena yung mga paper works at saka sumibat,


"Ang dayaaaaa!"

ginabi na kami sa University around 7PM na nang bumaba ako dito sa Bus, naglakad na lang ako kasi, wala lang type ko lang Hahah!
Napansin ko namang parang may pamilyar na babaeng nakatayo doon sa tabi ng Vending Machine sa kabilang kalsada,

"Asaaaaarrrrr!"

sinipa nung lalaking naninigarilyo yung Machine kasabay naman yun ng pagharap noong babae at ayun nga!

Si Felice, NakaUniform pa sya at yung nga kasama nya naman ay nakasuot ng Uniform ng West Orient,

"Hi Classmatteeee!"

nagulat ako sa iniasal nya , Taliwas sa Cold at sigang babae sa school , Nakangiti sya at masayang kumaway sa akin kaya naman kumaway din ako, bahagya akong natigilan dahil dun.

"Sige naaaa! Alis ka naaa! Go! Gooo!"

may kasama pang action na sabi nya kaya naman umalis na ako,

May Sweet side pala sya, lalo ko tuloy syang nagustuhan.



My Thug GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon