Ang bigat pa rin ng dinaramdam ko, Bakit na kasi umasa kong mahal nya ko? Sinabi nya na ngang may Boyfriend sya e. Bakit nagpatuloy pa rin ako?
Tahimik lang akong naglalakad nang makita ko muli sina Drake,
Alam kong inaabangan nila ko,
Binubog nila ko at hindi ako lumaban,
"Ano! Lumaban ka! Wala kang kwentang hayop ka!"
sigaw ni Drake,
nakaluhod na ko , ang puti kong uniform ay kulay pula na , puno na ko ng sugat at pasa ,
mga sugat na hindi pa man lubusang gumagaling ay eto nanaman.
"Mahal ka ni Feyan? Bakit!"
*Booogggsssshhh!*
"Bat ka nya mamahalin!"
*Boooogggsssshhh!*
"Eh isa kang duwaggggggg!*
napadapa na ko sa kalsada ,
"Papatayin kita! Mali, Uunahin ko muna si Feyan. Isusunod kita!"
Tumalikod na sya
"Patayin mo, Wala akong makialam."
Ayoko nang ma-attached pa kay Felice.. Huli na to.. Huling huli na,
--- Felice Andrea POV ---
"MagdaDropOut na po ako!"
"Sigurado ka ba dyan Ms. Alcantara? Sayang naman ang Progress mo dito sa school? Pumapangalawa ka pa naman sa Top DL namin,"
"Sino po ba ang Top DL ngayon?"
"Hindi ko pa pwedeng sabihin e, pero naReplace nya si Syllvaña , naging barumbado yung batang yon, from 1st to 4th placer sya ngayon."
"Pag po ba nawala ako mailalapit sya ng ranking?"
"Oo Iha, magiging 3rd sya at pwede nyang mahabol yung 1st."Ang dami nyang isinakripisyo para sa akin, siguro dapat ako naman ngayon,
simula sa Book Punishments, sa pag uwi nya ng Gabi para lang masamahan ako, sa paglabag ng rules para may karamay ako at sa pagtatanggol sa akin,
Napaka liit na bagay ng nitong pag Drop ko para mailapit sya sa ranking..
Andaming nyang nasayang na panahon,
"Ms. Alcantara?"
"Sorry Mam.. Hmm About po dun sa Points ko sa mga Plates pwede ko po bang ibigay yun kay Syllvaña?"
"Kung pinayagan kayo ng Prof nyo pwede yun."
"Sige po, Ibibigay ko na lang,"
"Okay sige.. Eto na yung Good Moral mo, Magpunta ka na lang sa room nyo para magpaalam."
Ayoko na sanang magpunta ng room dahil ayokong magpakita kay Issen, pero tumuloy pa rin ako, pero wala sya dun.
"Ah.. Guys! Gusto ko lang magpasalamant at magpaalam sa One Month na pag sasama natin, yun lang, Aalis na ko!"
tumayo si Ian at Arjoe para yakapin ako, ganun din si Shena,
"Gamutin nyo yung mga sugat ni Issen ha, Ayokong masasaktan sya ulit. Pag nasaktan yon, pupunta ko dito para sapakin kayo at basagin yang bintana nyo!"
lumabas na ko ng school at hindi ko inaasahan kung sino ang nakasalubong ko,
napakaraming dugo ng damit nya puro pasa at sugat ang muka nya,
sigurado akong si Drake ang gumawa nyan sa kanya, hindi ako huminto at nagdirediretso lang sa paglalakad,
"Tinupad ko ang gusto mo, Hindi ko sinaktan ang lalaking mahal mo,"
natigilan ako sa mga sinabi nya, napakagat na lang ako sa labi para mapigilan ang pag iyak ko,Kung alam mo lang Issen! Napaka Gag* Mo! anong tinupad? Eh sinaktan mo nga yang sarili mo! Kaya nga ako lalayo para hindi ka na masaktan! Gag* ka talaga!
"Sa... Salamat!'
i Lied.
nagpatuloy na ako sa paglalakad at alam kong ganun din sya,
May mahalaga pa kong pupuntahan kayat binilisan ko ang lakad kahit alam kong nahuhulog ang iba sa mga gamit ko, wala na kong paki-alam.

BINABASA MO ANG
My Thug Girlfriend
Novela JuvenilYou fell in love with a Thug? then Face its consequences.