Friend Request

54 2 0
                                        


Chapter 7: Friend Request

Pagdating ko sa bahay nandun na si dad at take note ah nakita ko sila ni mama sa kusina na sobrang sweet. Di ko muna sila inestorbo umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis.

Pagkatapos , ginawa ko na yung mga assignments ko sa school kahit saturday na naman bukas.

Hays..sana walang surprise test on monday para maka gala naman kami ni chloe bukas at sa sunday.

Pagbungad ko sa pinto ng kusina medjo nashock pa sila mommy at daddy. Ano di nila ako inexpect na umuwe? Haha.

"Nandyan kana pala baby princess."kanena pa -_- tapos ko na nga ginawa assignments ko eh.

"Anong niluluto niyo mom , dad?" humalik na ako sa pisngi nila mommy at daddy.

"Sinigang na bangus baby."eto na naman yung laway ko.

Akala ko talaga tapos na sila mama at daddy magluto eh kaya pala matagal kasi naglambingan pa. How sweet......:D kaya lang gutom na mga alaga ko sa tyan.

Nung kumain na kami kwenento ko kay mom na pupunta si chloe samin bukas.

"Mom , dad pupunta si chloe dito bukas."

"Okay..anong lulutuin natin? May alam ka ba na faborite food niya baby?" tanong ni mommy sa'kin.

"Ahh oo nga nuh...wala pa mommy eh. Di kasi kami masyadong nakapag usap lalo na kapag nasa school.Tatanungin ko nalang siya bukas para sa susunod na dalaw niya maipag luluto niyo na siya." tumango lang si mommy at si daddy.

Pagkatapos maghapunan nanood muna ako ng tv.

Tapos natulog na.

Kina umagahan , maaga akong nagising kaya agad na akong nagbihis pang jogging.

Pagbaba ko nakita ko si mama sa sala nanood ng balita sa umaga.

"Ma jogging na muna ako , total mamaya pa naman dadating si chloe."

"Ok baby , wag kang masyadong magtagal dun okay?" tumango lang ako kay mama tapos umalis na. Sa loob ng subdivision lang naman namin ako mag jogging eh.

Ang ganda ng araw ngayon. Tamang tama lang yung init ng araw.

"Hi po miss ganda." ??? AKo ba tinutukoy niya? i mean ng bata? Pero sabi niya ganda at hindi naman ako maganda. Teka nga bakit parang familiar yung mukha niya sa akin?

Hindi ko na pinansin yung bata at nagpatuloy na ako sa pagjogging ko baka kasi sabihan pa akong assuming mahirap na. Pero may familiar talaga yung mukha niya eh. Saan ko nga ba siya nakita?

"Ayy..snobera ang muse ng buhay ko." nagsalita naman ulet yung bata kaya huminto na ako sa kajojogging ko at nilingon ko na siya."Hay salamat lord at nilingon din niya ako." ??? Tumingin ako sa paligid pero wala naman ibang tao kaya for sure ako yung tinutukoy niya.

"Ahh ako ba tinutukoy mo bata?" ngumiti lang siya sa akin tapos namumula na yung magkabilang pisngi niya hala....nagblush si otoy haha.

"Oo miss ganda , ikaw nga..Alam mo ang ganda mo kaya pwede ba kitang maging asawa?" Agad agad? Natawa na ako sa bata. Ang cute kasi niyang tingnan dahil sa sobrang ang taba niya haha sarap kurutin ng pisngi eh.

"Asawa?Haha ang bata mo pa otoy bakit ganyan na agad laman ng utak mo?" biglang nawala yung ngiti niya sa mukha.

"Ayaw niyo po ba? Pogi naman ako at maganda ka naman kaya bagay tayo."  Napapikit nalang ako sa sakit ng tyan ko katatawa.

"Ahhm otoy hindi naman sa ayaw ko , kaya lang ang bata mo pa eh. Siguro kapag ka maging binata kana. Teka nga sino bang kasama mo nag jogging?" pagka sabi ko nun bigla namang may dumating na lala..ki. Tang ina! kapatid siya ni kiezer? Takte!

LOVING MR.POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon