LOVING MR.POPULAR (PROLOGUE)

223 3 0
                                    

PROLOGUE:

AKO si Lurielle Rica Ignacio, simply lang akong babae na mahilig sa simply na mga bagay.

Gaya rin ako ng ibang babae dyan. Nagkaka crush , Gustong magka boyfriend ,Gustong ikasal at mag lalakad sa aile habang hinintay ka ng prince charming mo sa dulo at pagka tapos magkaroon ng mga anak.

Kaya isang araw , nung naglalakad ako pauwe sa bahay namin , malapit akong mabundol ng isang kotse isang napaka mamahaling kotse. At nung palabas na yung driver , para bang nag slow mo lahat , una kong nakita yung mamahalin niyang sapatos at eto na yung susunod na nangyari..... Grabe as in tumigil yung mundo ko , Kasi naman ang gwapo niya! nalaglag ata ' undies ' ko sa kanya eh , at my gosh! ang tikas niya tingnan sa suot niya , He's wearing , Maong Blue Pants , tapos v-sleeve printed white shirt , tapos isama mo pa yung mamahalin niyang black glasses. He's diffinetely PERFECT!

Pero nung nagsalita siya ng masama sa'kin , biglang nawala lahat ng pantasya ko sa kanya. Sabihan ba naman akong ' Careless at Tanga! '-_- siya pa muntik ng maka patay sa'kin , siya pa galit at siya pa masakit mag salita.Ok na sana kung nag sorry eh , pero hindi.

Siya sana yung ' First Ultimate Crush ' ko eh haha. Minsan lang kaya ako nagkaka crush at sa Isang tingin ko palang sakanya , naging crush ko na siya agad.Pero bigla bigla naman nawala ang lahat ng yun dahil sa ugali niya.

Sikat-

Tigasin -

Mayaman -

Gwapo -

Bully -

Habulin ng babae -

At ubod ng yabang.

Yan si Kiezer Monticillo , na tinaguriang ' Mr. Campus Crush ' ewan kung ano ang nakita nila sa kanya eh...ang yabang kasi ng letchee!

Para sa'kin , ok na sana yang lahat na katangian na yan eh maliban sa mayabang at bully na yan , tapos isali mo pa si ' walang manners'? NO WAY! Simula ngayon hindi ko siya crush! tsk!

At ako si Lurielle Rica Ignacio

Hindi naman ako panget at lalong hindi naman ako BOBO Kaya lang hindi naman ako katulad ng iba diyan na ang hihilig mag lagay ng pintura sa mukha , tapos mag susuot ng maiiksing damit na kulang nalang ata ilalad ang sarili eh , tapos isali mo pa si kalandean diyan. Hays!

Kaya isang araw , tinanong ko pinsan ko , kung bakit hindi ako nagkaka ' boyfriend ' Ni manliligaw wala eh. Sabi niya , iba na ang mga lalaki ngayon pinsan , Ayaw na nila yung tipical na maganda type lang ang gusto nila yung maganda na malande pa. Kaya nga may kasabihan daig pa ang maganda sa malande di ba.

''Pero ikaw pinsan , wala ka kahit isa sa mga yan eh , As in nada! at kahit manlang sana ang maganda thing na yan... '' yan mismo pagka sabi niya at take note ah , with action pa. -_-

Sagot ko naman sa kanya: '' Thank's for reminding me -_- '' hindi manlang nag sinungaling ang loko!

Pero paano nga , wala talaga ako eh , Tama nga siya , ni isa sa mga requirements na yan wala ako eh , Wala sa'kin ang mga katangian na yan.

So kung ganun pala , tatandang dalaga nalang lahat ng katulad ko? UNFAIR NAMAN NG LIFE!

Some of the character's and the places in this story is created fiction , kathang isip lamang po. And please po medjo may mga masisilang words sa story na 'to kaya patnubay ng magulang po ang kailangan thank you.

Loving MR.POPULAR by: SpoiledBrattkate

Alrights Reserved Copyright 2014

Author's Note:

I know na kapag nabasa niyo 'tong prologue ng story ko sasabihin niyo na: Aist!! Maraming kapareha story na 'to , kasi nga it's all about panget and sikat na naman diba? But i'll make sure na kapag ipagpatuloy mo/niyo ang pagbabasa hanggang sa kailan man ito matatapos..sasabihin niyo na iba pala siya..Yah , i know karamihan sa inyo nauumay na sa mga ganitong love stories na nababasa niyo speacially here in wattpad , Ganun rin naman ako ,, that's why i'll try to make this one different in all stories here in this app kaya please just try to read this one. Thank you!

Promise..i'll try to focus this story ang make new better updates..

LOVING MR.POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon