Chapter 2:Welcome to Hell
First day of school late ako wow ang bait ko talaga tch.
Bakit pa kasi pinanganak akong mahirap? Bakit di nalang ako mayaman kagaya ng iba diyan? Eh di sana hindi ako late ngayon. Bahala na nga! tatakbo nalang ako.
At nung patakbo na sana ako sa may gate ng school namin , biglang may tumawid sa dina daanan ko at ayun nagka banggaan kami. Lahat ng bitbit kong libro nalaglag at nahulog naman yung Head Phone na suot suot nung naka bangga ko.
''What the! tumingin ka nga sa dina daanan mo miss!'' Aba aba....loko 'to ah , Siya pa nga 'tong naka bangga sa'kin siya pa 'tong galit ngayon.
Dali dali ko ng pinulot lahat ng gamit kong nalaglag dahil sa katangahan niya tapos tumayo na ako at agad ko na siyang pinutakan sa galit ko.
''Hoy mister o kung sino ka man! Teka....teka...kilala ko yang pag mumukha mo ah , Di ba ikaw yung muntik ng maka sagasa sa'kin nung isang araw? Na instead of saying sorry , pinagsabihan mo pa ako ng careless at tanga! at ngayon ikaw na naman? at para lang sabihin ko sayo mister, ikaw yung hindi tumingin sa dina daanan mo ok? kung maka react."
Tumingin lang siya sa'kin , tapos inayos niya yung head phone niya at lumakad na parang walang nangyari. ??? Aba't loko ang taong yun ah...
Hindi ba uso salitang MANNERS sa kanila? >.<
Hmm tingnan natin kung hindi ka sapul sa tsenelas kong 'to. Lalayasan mo pa ako ha!! Binato ko siya sa tsenelas ko at...
BOOM! SAPUL NGA! walang palya! Haha!
Aba ...matibay ahh.... akala ko napatay ko eh.. Oo nga pala ,, nakalimutan ko ang hard pala ng katawan niya..
SAYANG!! Hindi bato binato ko sa kanya!
"Anong problema mo sa'kin ha!? Ba't mo ginawa yun?" Lumingon siya sa akin habang hawak hawak yung ulo niya na natamaan ko sa tsenelas ko. Hala galet na si mr.asungot..buti nga sa kanya!haha VICTORY!!
Hindi ko siya sinagot at agad na akong tumakbo , iniwan ko siya dun mag isa haha..Eh..Yan ang buhay diba? Haha.
Bagay lang sa kanya yun nuh..haha.
Sabihan nang walang manners , eh bakit ba , nag mamadali ako eh at tska siya naman 'tong nauna eh. At baka siya pa dahilan na lalo tuloy akong malate sa first subject ko ngayon.
Habang tumatakbo ako di ko mapigilan na matawa sa ginawa ko..eh paano ba naman kasi nakaka inis talaga asungot na yun , nung una malapit niya akong masagsaan tapos ngayon binangga naman niya ako. Hmp! may pagka lampa rin nuh?? Parang babae lang!?
Hayy naku naman... Eto na naman yung hagdanan , bakit pa kasi may second floor pa 'tong school building namin , Ayan tuloy , para na akong aso nito labas dila sa hingal.
At sa wakas , malapit na ako sa room ko.
Pagka dating ko , agad na akong pumasok sa loob. At nung nasa loob na ako sa may pintuan , bigla naman na nagsalita ang teacher siguro namin , eh kasi transferee ako kaya di ko alam.
''Isa ka ba sa estudyante sa section na 'to?'' TEACHER
''Opo , sorry po at nalate ako.''
''It's ok , umupo kana sa upuan mo.'' At nung pa upo na sana ako, ng napansin ko ang mga classmates ko na lahat pala sila sa'kin nakatingin at yung iba nagtawanan pa while yung iba naman pinag tsismisan pa ako , sa mismong harapan ko pa ha. -_-
''Kaklase natin siya? Gosh! Seriously? a monster?''
''Mukhang ganun na nga girl...and god! she even don't know how to comb his hair!''
BINABASA MO ANG
LOVING MR.POPULAR
Teen Fiction"Hindi ako maniniwala sa salitang pag ibig hangga't may salitang hiwalay" LURIELLE Isang babae na naghahanap ng lalaki na hindi man perpekto pero nandyan kung kailangan niya.
