Chapter 9: Guilty
Kinagabihan ginising na ako ni mama para kumain ng hapunan.
"Ok na ba ang pakiramdam mo baby?" Ayan na naman pag alala ni mama.
"Oo naman po ma , at tska matagal na akong ok nuh."
"Ikaw talaga bata ka , manang mana ka talaga sa dad mo laging nagsasabi ng okay lang ako kahit halata namang hindi. Halikana tutulungan na kita tumayo."
"Ma...ok lang po talaga ako.kaya ko na po."
"Ok...Ok..." bumaba na kami ni mama para kumain.
Mga mommy nga naman talaga. Hindi mapalagay kapag kalusugan na ng anak ang pag uusapan. Kaya hindi ko masisi si mama sa nararamdaman niyang pag alala sa akin ngayon at alam ko na ganyan din ako sa magiging mga anak ko in future.
Ano ba 'to. Kung ano anu na napasok sa utak ko haha.
Pagbungad namin ni mommy sa kusina andun na si dad naka upo. Parang kinakabahan tuloy ako bigla at baka tatanungin na naman niya ako tungkol sa pamumutla at pag iyak ko kanena.
Umupo na kami ni mama.
"Ok na ba yang pakiramdam mo baby?" seryosong tanong ni daddy sa akin.
"Opo , ok lang ako dad." sobrang seryoso na naman yung mukha ni dad.
"Siguraduhin mo lang."
"Kumain na muna tayo , mamaya na kayo mag usap." haay mabuti lang sumali bigla si mommy sa usapan. Nakahinga rin ako ng konti.
Kumain na kami. Parang ayaw ko tumayo sa kinauupuan ko at kakain nalang ng kakain habang buhay ng walang katapusan para lang makaligtas ako kay dad. Dahil sigurado ako na kakausapin niya ako tungkol parin sa bagay na yun. Big deal kasi talaga sa kanila ni mom , dad at kuya ang health ko.
Ganun nila ako kamahal , siguro sabihin na natin na ganyan talaga magmahal ang pamilya sobrang walang katulad.
"I know you're done baby , Let's talk." Patay....... Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Mapasalang na naman ako nito.
"Don't be too hard to our baby okay?" sabat naman ni mama.
Thank's ma.. muaaah! Hahaha i love yah na talaga momskie!!
"Ok dad." sumunod na agad ako kay daddy sa sala.
Hooo! Kinakabahan ako!
"Anong totoong nangyayari sayo kanena bakit ka na naman namumutla at umiiyak?"
"Ahhm dad kasi....kasi.... Ahhmm nagagalit na naman ako kanena eh." parang feel na feel ko na yung guilt sa buong katawan ko.
"Galit kanino?" Sasabihin ko ba? Baka mas lalo pang magalit si dad kay kiezer eh. At....at....ahhh! Ewan.
Kanena pa ako nagsinungaling eh nakokonsensya na ako talaga.
"Lurielle? I'm asking you and i'm waiting your answer." Patay na patay na ako nito.
"Ahhhm kasi dad , kahapon dun sa canteen nung snack time namin. AHhm pagkatapos namin mag order ni chloe ng makakain namin humanap na kami ng bakanteng upuan kaya lang biglang pinatid ni kiezer yung paa ko kaya ayun , lumipad lahat ng bit bit kong spaghetty at coke at lumanding lahat sa pagmumukha ko. Tapos hindi pa ako nakatayo lumapit naman yung kaibigan ni kiezer sa akin na si dylan at kinunan niya ako ng picture at ayun inapload niya sa facebook at nung nakita ko at nabasa ko lahat ng mga comments ng ibang mga studyante biglang sumakit heart ko kaya ayun na." tinitigan lang ako ni dad.

BINABASA MO ANG
LOVING MR.POPULAR
Roman pour Adolescents"Hindi ako maniniwala sa salitang pag ibig hangga't may salitang hiwalay" LURIELLE Isang babae na naghahanap ng lalaki na hindi man perpekto pero nandyan kung kailangan niya.