ATLEAST

62 3 0
                                    

Chapter 4: Atleast

Pagkatapos ng history sa pilipino naman ngayon. Hay...parang namiss ko na yata kama ko.

Sana absent si teacher namin ng para naman maka uwe ako ng maaga at makapag kwentuhan pa kami ni mama.

Pagka tapos ng pagka tapos kong sabihin yun bigla namang nakita kong pumasok si teacher namin sa pilipino. Haha akala ko dininig na naman ni lord hiling ko eh :D

Excited na sana ako ikwento ni mommy ang mga nangyayari ngayon kahit hindi ito tungkol sa future crush at boyfriend ko haha.

Pagkatapos ng konting discussion ni teacher seira about sa topic namin today , sa wakas uwean na.

Sabay na kaming lumabas si chloe sa school. Dun na siya naghihintay sa service niya sa parking area ng school namin habang ako dumiretso na sa sakayan.

Hindi naman na talaga ako kailangan mag comute dahil may bakante naman kaming motorcycle sa bahay at marunong din akong mag drive kaya lang ayaw akong pagdriven ni dad kaya eto tiis tiis nalang muna.

Excited na akong ikwento ni momny ang tungkol sa new friend ko na makulit na si chloe.

Pagdating ko sa bahay agad na akong nagbihis at pagkatapos tinulungan ko na si mommy maghanda ng hapunan namin habang magkwentuhan.

"Hi mommy! Anong ulam natin ngayon?" Lumapit na ako kay mommy at humalik sa pisngi.

"Nagluluto ako ng masarap! yung paborito mo at ng dad mo swettie..adobong manok at ampalaya with egg." Biglang tumulo yung laway ko sa sagot ni mommy sa akin.

Paano namang hindi ehh kapag pagkain na pag usapan ewan...Sobrang matakaw kaya ako pero dito lang sa bahay dahil masarap magluto si mommy eh. Walang kapareha.

"Mommy handa kana ba makinig sa kwento ko?" Tumingin lang si mommy sakin at ngumiti.

"Hmm masaya yata ang baby ko ngayon ah..Anong meron?" Tumawa lang ako kay mommy.

"Wala naman mom..nakahanap."hindi na ako pinatapos ni mommy sa sinabi ko.

"Ng boyfriend nak? Sino? Pogi ba? Kasing pogi ba ng dad mo? Kailan mo siya ipakilala samin?" O.o kaya pala...hindi naman si mommy ganun  ka excited.

"Mom naman eh! Patapusin niyo na muna ako. At tska hindi boyfriend ang nahanap ko nuh kundi new friend. Isang makulit at mabait na babaeng kaibigan." Natawa ako bigla sa reaction ng mukha ni mommy dahil sa sinabi ko.

Parang dissapointed pa siya sa sagot ko.

"Akala ko nakahanap ka na ng boyfriend nak." Magsalita pa sana ako ng biglang nakita ko si daddy sa pinto ng kusina.

Patay! Sana hindi yun narinig ni dad.

"Ano yung boyfriend na narinig ko?" iam so dead. Tumingin lang ako kay mommy habang si mommy naman natahimik nalang bigla.

"Wala dad." Tumingin si dad sa'kin na seryoso ang mukha. Nkakatakot talaga si dad kapag ganitong bagay na pag usapan. Mukhang papatay ng tao eh.

"Wala ba talaga mommy?"Si mommy naman tinanung niya. Mommy at daddy kasi tawagan nila.

Dumestansya na ako ng konti sa kanila ni mom at dad at umupo sa upuan malapit sa may pinto. Habang nakatingin lang sa kanila.

"Totoo yun dad , wala pang boyfriend ang baby girl natin Sana nga makakahanap na eh." O.o hindi yun ang inexpect ko na isasagot ni mommy eh.

Takot ako kung ano ang magiging reaction ni dad. Lumingon siya sa akin at nginitian niya ako.

Hay thank god...Nakahinga rin ako ng maluwag nung nakita ko siyang ngumiti. Akala ko galit na eh.

LOVING MR.POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon