KANINA ko pa tinatawagan si Aljon ngunit hindi ito sumasagot. Bigla siyang nawala sa hideout kanina, gusto ko kasing samahan niya si Rhys sa paghahanap kay Pyreon.
Pamilyar sa'kin si Pyreon Beunaroz at gusto ko na siyang ipasok sa org. Sa pangatlong pagkakataon ay sinubukan ko uling tawagan si Aljon ngunit hindi pa rin ito sumasagot.
Dahil sa inis ay binato ko sa likod ng sasakyan ang cellphone ko. Kung kailan kailangan saka hindi matawagan kingina naman oh!
"Ahh fuck!" Inis na sigaw ko sabay hampas sa manibela. Nakisabay pa 'tong lintek na stop light na 'to tsk.
Habang nakahawak ako sa sentido ay napatingin ako sa kaliwa ko, sa may police station. Nakita kong may bagong nahuli yata ang mga pulis dahil may isang lalaking bumaba sa sasakyan nila. Laking gulat ko nalang nang makita ko ang pagmumukha ni Aljon do'n.
Bwisit. Binukas ko ng kaunti ang bintana ko upang marinig ko ang pinag-uusapan nila. Nakaposas na ang gago at parang may tama pa. Sa'n ba siya napunta at nahuli siya? Ang tanga naman.
"May iba ka pa bang kasama?" Matigas na tanong ng isang pulis sakaniya ngunit nananatili siyang nakayuko.
"Pipi ka ba? Tinatanong kita!" Muli nitong sabi at mahina siyang hinampas ng baril sa braso.
"May iba ka pa bang kasama?"
"Si-"
Bago pa man siya makapagsalita ay agad kong dinukot ang smith & wesson ko sa aking bag at hindi na ako nagdalawang isip na paputukan siya ng dalawang boses.
"Sorry Aljon, I don't need stupid." Sabi ko at napangisi. Tamang-tama naman at pagkabaril ko sa kaniya ay saka nag-green light.
Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko at luckily walang nakakita sa akin na akong ang bumaril kay Aljon. Nabawasan ako ng tauhan, tama lang na ipasok ko na talaga si Pyreon.
Saglit lang ay nakarating na rin ako sa condo ko. Pagpasok na pagpasok ko ay nahiga agad ako sa sofa. Grabe sobrang pagod ko ngayong araw.
Bumangon na rin ako para makaligo na. Mamaya ko nalang itatrack si Pyreon. Pumunta ako sa kuwarto ko para kumuha ng tuwalya.
Pagpasok ko sa banyo ay agad akong nagbabad sa bath tub. Hay, ang sarap talagang maligo sa gabi, malamig ang tubig. Habang nakapikit ako ay unti-unti ng sumasara ang talukap ng mga mata ko. Pero bago pa man ako makatulog ay biglang nagring ang cellphone.
Nagpunas ako ng kamay dahil malapit lang naman ang tuwalya sa akin. Saka waterproof naman din ang cellphone ko kaya okay lang na mabasa. Inabot ko ito at si Erick pala ang tumatawag. Napairap nalang ako at saka sinagot ito.
"What?"
"Aljon is-"
"Cut it, I know."
"How did you know?"
"I needed someone like you in my life..." Pagkanta ko at napangisi.
"What the?! I'm serious Sunny," mukhang nairita ko siya sa ginawa ko.
"Whatever."
"So how did you know that he's already dead?"
"I killed him," normal kong sabi habang hinihipan ang mga bula sa kamay ko.
"What? Why did you do that? Ahh shit!"
"Ba't ba nagagalit ka?"
"Because you killed him. Hindi mo ba alam na isa siyang kawalan sa org natin?" Inis niyang tanong pero hindi ko iyon pinansin.
"Habang pauwi ako ay nadaanan ko ang police station and there I saw him. He even want to tell them that he's with us. So before he speak I shot him," kalmado kong sabi sakaniya.
BINABASA MO ANG
Adrestia Trefoil: Paragon
Action||SUNSENRAE MONTAGNE'S PERSPECTIVE|| Independent, smart, silent, delicate. If you hear these four adjectives for sure the first person you will think is, Sunsenrae Montagne. At the age of 9, her parents died because of undefined murder. She witnesse...