"YAAA! Go Mama!" Sigaw ko habang winawagayway ang aking mga kamay, buhat-buhat din ako ni Daddy para mas lalo kong makita si mama sa ring.
"Go Akari, anata wa sore o okonau koto ga dekimasu!" Sigaw naman ni Daddy habang pinapanood namin si Mama.
Nandito kami ngayon sa WWE dahil raw women's champion ni Mama. Magaling ang kalaban niya ngunit para sa akin ay mas magaling si Mama. Ayaw ko sanang manood dahil natatakot ako, sino ba naman kasing anak ang matapang na manonod sa ina niyang nakikipaglaban? Gusto ko nalang pumikit dahil naaawa ako kay Mama, ayoko siyang nakikitang nasasaktan, binabalibag at tinatadyakan lang ng kung sino man.
Oo, idol ko si Mama at ang totoo nga niyan ay gusto kong maging katulad niya. Gusto kong maging isang woman wrestler, sa tingin ko kasi ay nakaka-enjoy iyon, iyon nga lang syempre masasaktan ka.
Sinabi ko iyon kay Mama, akala ko nga ay magagalit siya ngunit sinuportahan niya ako. Okay lang daw sakanya na maging wrestler ako tulad niya dahil para rin iyon sa kaligtasan ko, kapag naging isang magaling akong mambubuno kaya kong depensa ang sarili ko at walang magtatangkang manakit sa akin. Sang ayon din naman doon si Daddy kaya naman mas lalo akong na-engganyong maging kagaya niya.
"Japanese version talaga ni Akari si Ronda Rousey, napakagaling!" Napatingin ako sa babaeng katabi ko, tingin ko'y ka-edad lang siya ni Mama.
"Talaga po?" Manghang tanong ko kay ate. Napalingon naman siya sa akin at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
"Oo hija, pareho silang magaling. Sayang nga at wala ngayon si Rowdy eh, pareho ko pa naman silang idol," sagot niya sa akin at bumalik ang tingin sa ring.
Si Rowdy Ronda Rousey ang baddest woman in planet. Siya ang pinakamagaling na woman wrestler na nakilala ko, ang bilis niyang gumalaw at tila manhid na kapag napupuruhan. Ang tapang nila no? Sana lahat malakas.
"Waaaa! Go Mama!" Sigaw ko nang umakyat si Mama sa ibabaw ng ring at tinalunan si Sayaka, ang kalaban niya na japanese din.
Pareho silang lumagapak sa ring at agad na bumangon si Mama para gawin ang armbar. Heto ang pinakagusto ko eh, ang armbar. Kapag kasi in-armbar mo ang kalaban at hindi na siya nakabangon mula sa pagkaka-ipit mo sakaniya ay panalo ka na. Bibilang lang ang referee ng tatlo, sa tatlong segundong iyon at hindi na nakalaban ang kalaban, talagang panalo ka na.
Inipit ni Mama si Sayaka sa gitna ng kaniyang mga hita at itinaas ang kaliwang braso ni Sayaka. Agad siyang nahiga upang mas lalo itong maipit. Halos mabali-bali ang buong braso ni Sayaka at hindi na nakalaban pa, kaya ang ending panalo si Mama.
"Yes! Panalo ang Mama mo 'nak," masayang sabi sa akin ni Daddy at nagyakapan kami.
"Akari Montagne!" Pag-announce ng announcer at tinaas naman ng referee ang kanang kamay ni Mama.
Inabot sakaniya ng referee ang raw women's championship belt. Ngumiti siya sa madla na parang walang nangyari at winagayway ang belt niya.
Ang galing talaga ni Mama, hays, balang araw magiging kagaya niya rin ako. Siya naman ang uupo rito at magchecheer sa akin.
Maya maya lang ay natapos na rin ang mga laban. Ngayon nga ay nandito na kami sa sasakyan pauwi. Nasa harap si Mama habang ako'y nandito naman sa likod.
"Hays, ang sakit ng balikat ko."
"Mama, lagyan natin nito," sabi ko at binuksan ang salonpas saka nilagay sa balikat ni Mama.
"Salamat Sunny, hindi ka ba nainip kanina?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
"Hindi po Mama," sagot ko sakaniya.

BINABASA MO ANG
Adrestia Trefoil: Paragon
Acción||SUNSENRAE MONTAGNE'S PERSPECTIVE|| Independent, smart, silent, delicate. If you hear these four adjectives for sure the first person you will think is, Sunsenrae Montagne. At the age of 9, her parents died because of undefined murder. She witnesse...