I

36 7 0
                                        

"SAAN kayo pupunta?" Taas ang kilay na tanong ko kila Art at Josh. Mga tauhan ko sila rito sa Paragon's Hand.

"Sa mission Miss Sunny," sagot nila sa akin at napatango nalang ako.

"Sige mag-iingat kayo," sabi ko at dumeretso na sa pagpasok sa loob.

Alas sais palang ng umaga ngunit nandito na ako sa hideout namin. Wala lang, maaga akong nagising at naisipan kong dumito nalang muna. Nakasuot ako ngayon ng croptop at leader jacket, saka black pants at puma. Nakataas din ang shades ko at pormal na naglakad papunta sa opisina ko.

Pagpasok ko sa loob ay may mga nagbabaraha, may nag-u-uno, may kay aga-aga ay nag-iinuman, mayroon ding wala lang at simpleng nagcecellphone sa isang tabi.

Pumasok na ako sa elevator para pumunta sa office ko. Ewan ko ba at bigla akong nakaramdam ng antok. May kama naman doon kaya okay lang. Pagtapat ko sa opisina ay nakita kong nakatayo ang secretary ko sa may pinto at may dala-dalang folder.

"Good morning Sunny," bati niya sa akin at nginitian ko siya.

"Good morning din Zara," bati ko rin sakaniya.

Pumasok na ako sa loob at agad na naupo sa swivel chair ko at sumandal dito. "Ito na iyong mga nagbabalak sumali rito sa mafia group natin," sabi niya sabay abot ng folder sa akin.

"Okay, you may go now."

Paglabas niya ay binuklat ko ang folder at nakita ko ang mga pictures at list of names ng mga gustong maging miyembro ng Paragon's Hand.

Hindi ako basta-basta nag-aaccept ng magiging miyembro ko rito. Mapili akong tao, gusto ko kasi ay iyong sigurado akong mapagkakatiwalaan ko sila. I don't give a shit, par.

Sabi nga ng iba ay masungit ako, but why? Kasalanan ko bang mga manloloko sila at plastik? Ayokong ayoko kasi ay iyong sasali sila sa Paragon's Hand para lang sumikat at para sa pera. Ang gusto ko ay iyong kaya akong pagsilbihan at maaasahan ko kahit kailan.

Hindi rin ako iyong tipong "once you enter, there's no turning back," kung gusto nilang umalis, edi umalis sila. Ayaw ko rin ng pa-VIP. Marami akong koneksyon kaya't sigurado akong hindi kakalat sa buong mundo ang tungkol dito sa organisasyon ko.

Mabait akong boss since karamihan sa mga myembro ko ay mababait at kayang sumunod sa akin ng isang pitik. Sa ngayon kasi ay naghahanap ako ng mga bagong myembro para maparami pa kami. Just in case na may makalaban, edi panalo diba.

Dahil tinamad akong basahin ang mga pangalan nila isa-isa ay sinara ko na uli ito at nilagay sa cabinet.

Napatingin ako sa katanang na nakapatong sa table ko. At muli kong naalala kung paano ako natutong gumamit noon.

"Isa pa Sunny, kaya mo 'yan!" Cheer sa akin ni Daddy habang nasa isang tabi siya at nanonood sa akin.

Si Mama naman ay katabi ko at may hawak-hawak na katana. Tinuturuan niya kasi akong gumamit nito. Half japanese si Mama kaya't marunong siyang mag-katana, ito lang daw kasi ang talentong naipamana sakaniya nila Lolo at Lola. Kaya naman hiniling ko sakaniya na ito nalang ang regalo niya sa 8th birthday ko, ewan ko ba at nakuha ng katana ang interes kong matutunan ito.

"Dahan-dahan lang muna Sunny, baka mahiwa ka," sabi niya sa akin habang inalalayan ako sa pagpapa-ikot nito.

Magaling din sa martial arts sila Daddy at Mama, judo at taekwondo palang ang naituturo nila sa akin. Sabi nga nilang dalawa ay ang bilis ko raw matuto. Bukod kasi sa tinuruan nila ako ay pinasok din nila ako sa isang school na may nagtuturo ng judo at taekwondo sa mga batang katulad ko, kaya naman mabilis akong natuto.

Adrestia Trefoil: ParagonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon