NASA daan ako ngayon at nagmamaneho, dala ko ngayon ang lamborghini hurucan avio ko. Alas cuatro y medya palang ng umaga ngunit umalis na ako sa condo, hindi na ako makakatulog dahil sa panaginip ko na 'yon. Napapansin ko rin na these past few days ay napapadalas ang panaginip ko tungkol kila Daddy at Mama. Kailangan ko ng mahanap si Mr. T, hindi ako titigil sa paghahanap sakaniya hangga't hindi ako nakakakuha ng hustisya.
Nandito na ako ngayon sa parking lot ng hideout. Tingin ko'y wala pa ang iba pero karamihan ay dito natutulog bilang bantay na rin. Habang naglalakad ako papasok ay may natapakan akong isang bagay. Ginalaw ko ang paa ko at napagtanto kong papel ito.
Binuksan ko ang ilaw dito sa lobby at nakita kong isa itong diyaryo. Kumunot naman ang noo ko at kinuha ito. Mas lalong lumukot ang mukha ko at napuno ng galit ang puso ko. Kanina pa sirang-sira ang mood ko. Hanggang dito ba naman makikita ko ito? Sobrang tagal na ng putanginang balita na ito so pa'no 'tong napunta rito? Fuck!
Sa inis ay nilukot-lukot ko ang diyaryo at pinagpupunit ito. Bigla akong nanlumo nang maalala ko na naman ang lahat ng mga kaputanginahang nangyari sa amin, tangina.
---⚜---
Makalipas lang ang ilang minuto ay bumalik na uli dito sa loob si Daddy, nakaupo na kami ngayon ni Mama sa sofa at magkayakap.
"Que pasó? (What happened?)" I asked him.
"nada (nothing)" He answered.
Sabi ni Daddy ay matulog daw muna kami dahil maghahapon na at napagod ako ss judo class kanina. Sumunod naman agad ako at pumasok sa kuwarto ko upang matulog.
Alas cinco iyon ng hapon nang gisingin ako ni Mama mula sa pagkakatulog. "Sunny, 'nak wake up..." Paggising niya sa akin habang tinatapik ako sa balikat.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at humarap sa kaniya. Inaantok pa ako ngunit halos tatlong oras na pala akong tulog. Napansin ko ring nakabihis si Mama at mukhang may pupuntahan siya. "Ma, bakit ka po nakabihis?" Tanong ko pagkabangon ko.
Hinawi niya ang mga buhok na humaharang sa mukha ko at ngumiti. "Aalis tayo anak, may pupuntahan tayo," sabi niya.
"Saan po?"
"Mamaya malalaman mo. Halika na at magbihis ka na," inalalayan niya akong tumayo. Naghilamos lang ako at nagbihis ng pants at simpleng red shirt.
"Tapos na ba kayo dyan?" Tanong ni Daddy habang nakasilip sa pintuan. Nilapitan ko siya, "where are we going Daddy?" Tanong ko.
Binuhat niya naman ako. "We're going to buy weapons."
"George..." Nakakunot noong tawag ni Mama kay Daddy, parang hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.
"Weapons? You mean, guns?"
"Yes Sunny."
Lumabas na kami ng bahay at nilock na nila ang lahat ng pinto. Pagkasakay namin ng sasakyan ay pareho silang napabuntong hininga, bakit parang hindi talaga maganda ang mangyayari ngayon?
Tahimik lang akong nakaupo rito sa likod habang yakap-yakap ang panda bear ko na nakuha ko pa sa mcdo dahil may free silang we bare bears stuff toys. "Pwede naman kaming maiwan nalang hub," malungkot na sabi ni Mama habang nag-uusap sila ni Daddy.
"Hindi ko kayo kayang iwan doon, alam mong delikado tayo wife," mahina ngunit matigas na sabi ni Daddy.
Alam kong nag-aalala lang siya sa amin ni Mama. Ano ba kasing nangyayari? Nasa panganib ba kami? Kung gayon ay gusto kong tumulong...pero alam ko ring hindi papayag si Daddy.
"Pero George, mas delikado kapag sumama pa kami sa'yo," mahina ring sabi ni Mama pero alam kong naiinis na siya.
Hindi na ako nakatiis at nagsalita na ako. "Ma, Dad, ano po bang nangyayari? B-Bakit po tayo delikado?"
BINABASA MO ANG
Adrestia Trefoil: Paragon
Action||SUNSENRAE MONTAGNE'S PERSPECTIVE|| Independent, smart, silent, delicate. If you hear these four adjectives for sure the first person you will think is, Sunsenrae Montagne. At the age of 9, her parents died because of undefined murder. She witnesse...
