NANDITO ako ngayon sa rooftop at nagbibilliard. Kasama ko rito sina Erick, Art, Josh, Aljon, Seth at Rhys."Anong mission ang isinagawa ninyo kagabi?" Tanong ko habang nanliliit ang mga mata at handa ng tamaan ang number 6.
"Sa hospital, Miss Sunny," sagot sa akin ni Aljon.
Napahinto ako at napatingin sa kaniya. "Sino ang pinuntahan ninyo doon?"
"Si Dr. Santos miss Sunny," sabi naman ni Josh habang nagbabalato ng mga uno cards.
Nandoon sila sa isang round table at naglalaro ng uno habang mayroon pang juice at mga junkfood. Matagal na silang lima rito at kilalang-kilala ko na sila. Noong una pa lang na sumali sila rito ay magkakaibigan na sila ngunit ang ipinagtataka ko ay hindi sila umiinom ng beer o wine.
Napatingala ako at tumingin maulap na langit. Alas sinco na ng gabi ngunit medyo maliwanag pa. Mukha ring uulan dahil maitim na ang karamihan sa mga ulap. Ibinaba ko ang cue at naupo sa upuang malapit sa kanila.
Sumandal ako doon at pumikit, dinamdam ko muna ang malamig na simoy ng hangin. Mukhang mapapasarap na naman ang tulog ko nito mamaya.
"Bakit ninyo siya pinatay?" Tanong ko habang nakapikit pa rin.
"Iyon ang nakalagay sa bago naming mission miss Sunny. Kailangang patayin si Dr. Santos dahil doble ang singil niya sa mga gastusin ng mga pasyente. Iyong mga nakukuha niyang sobrang pera ay hindi niya ibinibigay sa hospital, pinangsusugal niya lang," paliwanag naman ni Seth.
Ngumisi ako at nagcross arms. "Oh well, kapatay-patay nga."
"Miss Sunny nakita mo na ba iyong mga name list ng mga bagong sasali dito sa mafia group natin?" Tanong ni Rhys.
"Nasa akin na ang folder ngunit hindi ko pa binabasa."
"Kailangan mo na sigurong basahin 'yon miss Sunny-"
Napadilat ako pero nananatili pa ring naka-cross arms. "Inuutusan mo ba ako Art?" Tanong ko at tinaasan s'ya ng kilay. Anong karapatan niyang utusan ako?
"H-Hindi po miss Sunny," agad niyang bawi sabay iwas ng tingin.
Muli akong napangisi at naramdaman ko na ang maliliit na butil ng ulan. Tumayo na ako kasabay nila. Bumaba na uli kami sa ground. Pagbaba ko doon ay nakita ko ang dalawa ko pang tauhan na nagtututukan ng baril sa isa't isa. Tingin ko'y nag-away silanat gustong awatin ng iba ngunit hindi nila magawa.
Mas nilakasan ko ang pagtapak sa hagdan habang pababa ako upang ma-alerto silang nandito na ako, at nagtagumpay naman ako.
Biglang natahimik ang lahat at binigyan ako ng daan. Binaba ng dalawa ang baril nila at napayuko nalang ng makita ako ngunit hindi nila ako maloloko dahil alam kong gusto na nilang patayin ang isa't isa. Lumapit ako sa kanila at walang emosyon na nagcross arms.
"Anong nangyari?" Kalmado kong tanong ngunit walang nagsalita. Ayokong-ayoko pa naman ay iyong babagal-bagal at paghihintayin pa ako. Mabilis akong mainip kaya't kapag may nambwisit sa akin ay isang kasa ko lang, takbo na siya.
"Kilala ninyo ako, isa."
"Nagkainitan lang sila dahil sa uno. Kanina pa kasi sila naglalaro at tingin ko'y may-"
"Uno? 'Yon lang? The fuck hahaha!"
Parang uno lang magpapatayan na sila, hays. Hindi ko nalang sila pinansin at baka masira pang tuluyan ang mood ako. Ngunit pagtalikod ko palang ay nakarinig na ako ng putok ng baril. Pumikit ako at sinubukang kumalma. Nilingon ko silang muli at hinugot ang M9 kong baril sa gun pocket sa aking baywang.

BINABASA MO ANG
Adrestia Trefoil: Paragon
Aksi||SUNSENRAE MONTAGNE'S PERSPECTIVE|| Independent, smart, silent, delicate. If you hear these four adjectives for sure the first person you will think is, Sunsenrae Montagne. At the age of 9, her parents died because of undefined murder. She witnesse...