Step 4

42 1 0
                                    

"oh? bakit nakabusangot yang mukha mo?"

Nandito kami ngayon sa canteen, nakikiwifi XD

"May sira ulo kasi akong nakausap kanina. Yaan na natin yun, NILAMON na yun ng ahas." inemphasize ko pa talaga ang salitang nilamon sa kanya. Sana nga magkatotoo na lang at ng tuluyan na siyang lamunin ng malaking ahas.

"Bakit mo tinawag ang apelyedo ko? May kailangan ka ba?" He said in a calm tone. 

Napatingin kami ni alisha sa taong nasa harap ko ngayon. Nye. Si Nilamon na isang lalaki na kasama  ko sa laro nung intramural.

"Ha? Ah eh mali yung pagkakaintindi mo, ibang nilamon yun." sabi ni Alisha.

"Ay ganun ba? sige" tapos bumalik na sya sa inupuan nya kanina na nasa gilid lang namin.

"Wahaha Nakakatawa naman si Nilamon, akala nya siguro siya yung tinutukoy mo. Inemphasize mo pa kasi wahaha"

Napakalakas naman makahalakhak nitong si alisha parang hindi na aabutan ng gabi.Napakamot na lang ako sa batok ko. Nangangati kasi. joke (_ _)V

"Anyway, Naopen mo na ba yung account mo? Wala pa kasi yung akin" sabi ko habang pasimple akong sumisilip sa ginagawa nya sa laptop. Ayaw nya kasing magpatingin hanggat hindi pa sya nakakalog in.like hello! ano namang gagawin ko jan? meron naman ako =_=

"Malamang sa alabang, wala tlaga dahil wala ka namang dala maliban sa sarili mo."

"kaya nga dahil wala naman talaga. " sabi ko. " Oy chum, okay na o. Isearch mo na si Richard daliiiiii. " dagdag ko pa ng makita ko ang nag iisang website ng school namin.

I guess, alam nyo na kung bakit kami nandito. Andito kami para sa Step 4: Know your crush

You have to know every single detail about that person. Drug addict ba siya, Magnanakaw, May deperensya sa utak, bakla, tomboy, butiki, baboy Kahit ano. What's important here is that you know already your crush. 

Clinick ni Alisha yung Files ni Richard. Sosyal kasi tong website namin dahil pwede naming makita lhat ng files ng mga estudyante dito sa school namin. 

Hinalungkat namin lahat ng information about sa kanya pero dont expect na lahat talaga, mga basic information lang to dito, mga achievements nya, news about him basta mga ganun lang.

"Chum look oh, Ayun dito his name is Richard Oliveros--"

*WAPAK*

"Aray Clar Mei! Bakit mo ako sinapak?!" sabi niya habang hinahawakan yung ulo niya.

"ikaw naman kasi, hindi mo ba alam ang salitang common sense? Patingin nga ng maayos. " 

She let me see it clearly like crystal clear.

Name: #Lamniyonayan

Nickname: #dependsonyou

Age: 17

Father: blablah Oliveros

Mother: blabluh Oliveros

About him:

*One of the most popular guy in this school

*In-demand hearthrob

*rich kid

*Part of the soccer team and they won in different school competition

*Fond of Music

*likes the color blue

*loves eating fried chicken,orange(fruit), spaghetti and so on.

Current happenings:

*He was linked to a girl named Jamaica Javier

Jamaica? Sino siya? Siya ba yung girl na nakita ko kasama si Richard? or hindi? Gosh curiousity kills.

"Oy chum may hindi ka ata sinasabi sa akin" nagtaka naman ako. 

"ha? hindi kita magets"

"ano yan?" sabi nyang nakanguso. 

Napatingin naman ako dun sa inginuso nya sa may laptop.

*During the intramurals day, an incident happened involving him and the girl named Clar Mei Suarez

Pati ba naman yun? 

"eh ikaw, bakit  wala ka nung mga panahong yun?" pag iiba ko ng topic.

Ayoko ng pag usapan yung tungkol dun, nakakahiya eh. Napakaclumsy ko naman kasi >///<

"kasi naman ho ang hirap ng piece na binigay sa amin."

"anong amin? ang sabihin mo ikaw lang yung nahihirapan. Nandamay ka pa" I burst out into laughters.

"Wag mo nga akong pagtawanan hmp.kainis to"

"WAHAHAHAHA"

"Hoy, 1st runner up to. Magaling ako" pagmamalaki nya sa sarili niya.

"I dont care" Joke ko lang yun. gusto ko lang asarin si alisha. Pikon kasi hehe.

"I dont care pala ha" Sinarhan nya yung laptop niya at inilagay ito sa bag nya.

Humakbang siya palapit sa akin.

Oh no! 

Napatayo ako at napaatras ng isang hakbang.

"Nooooooo"

kumaripas na agad ako ng takbo. Alam nyo naman siguro kung bakit.

Tumakbo ako at hinahabol niya ako ngayon.

"Halika ditoooo" tili ni Alisha.

"Waaa. Tulong!!! "

"Ano nga ulit yung sinabi mo? Bwahaha" Tuloy pa rin siya sa paghahabol sa akin.

"Waaaa"

15 STEPS TO GET YOUR CRUSH(The Unfinished Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon