Note: To all my readers out there, nirevise ko po ito. sensya ✌medyo complicated kasi kagaya ko XD Gusto ko rin mag thank you sa mga nagbabasa nito kahit na magulo yung kinalabasan.
enjoy reading xoxo
***
Tingin sa salamin na maliit na kabibili ko lang ..
Punas ng muta ..
Punas ng konting pawis sa mukha ..
kuha ng konting powder ..
Tapos Pahid sa mukha ..
Viola! Ang gende ke ne. Pwede ng ipangalandakan sa lahat ^O^
"Andiyaaaaan na siyaaaaa. Ayieeee!! Pasampal nga girl" sabi ng isang girl sabay tili niya.
Nakikitili rin yung iba. Napasilip ako sa bintana. Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko na yung matagal ng hinahanap ng mga mata ko.
"AY SHEYT. NANDITOOO NA SI CRUUUUUSSSHH" sabi ng bibig ko-- este ng utak ko.
Halos ganito na lang lagi ang ginagawa ko. Hindi naman ako napapagod, enjoy nga ako eh. Enjoy na enjoy yung mga mata ko habang pinagmamasdan ko siyang papalapit sa room namin. Yes! isa ako sa mga avid admirers niya at kahit ganun, Hinding hindi ko ipangangalandakan na crush ko rin siya. Maharot ako pero mas maharot sila!
Siya lang naman si Richard Oliveros.
Isa sa mga tinaguriang hearthrob ng school namin -slash- classmate ko -slash- crush ko since first year.
Kung sino man ang may concern sa pangalan ko? o kung sino ako dahil sa hindi pa naman ako nagpapakilala o if your'e asking me kung kagaya ko rin ba sya?
Im telling you we are totally opposite. Mas opposite pa sa opposite. kung ano ang ikinagwapo, ikinaganda ng katawan at ng high school life niya ay kabaliktaran ng akin.
My name is Clar Mei Suarez, 16, produkto ng kulang kulang and still living in this earth. Nickname ba kamo? marami ako nyan. They call me Fatsy dahil marami daw fats, mataba, baboy, kamukha ni Majin bu yung sa Dragon Ball and so on na nakakasakit.
EDI SILA NA ANG MAY MAGAGANDANG KATAWAN. SILA NA ANG MUKHANG SHRIMP, AKO MAGANDA LANG. chos!
"Itakip mo nga yang bibig mo chum nakanganga ka oh"
Bigla akong natauhan ng magsalita si Alisha.Chum ko.
"ikaw ha. ang lagkit ng titig mo kay Mr. R. maisumbong nga mamaya.haha" pang-aasar niya sa akin nang mapansin niyang nakatingin pa rin ako kay Richard.
"Wapakels. " sabi ko na lang.
Sana pala hindi ko na sinabi sa kanya. Maliban sa akin, siya lang ang nakakaalam ng kalandian ko. Yan tuloy lagi niya akong inaasar. Lakas mantrip niyan eh. Walang araw na hindi niya ako pinapakaba dahil sa bibig niyang daig pa ang machine gun sa bilis. Kaasar lang pero love ko yan kasi siya lang ang namumukod tanging kaibigan ko rito sa paaralang ito. Siya lang ang tumanggap ng pagkatao ko na walang halong panghuhusga at walang halong panlalait.
Nagulat na lang ako ng biglang umupo si Alisha sa upuan niya bale nasa likod ko siya at ako naman ang nasa harapan niya.
"Anyare? bakit ka nakasimangot?" tanong ko sa kanya.
"Andiyan na si bisugo. tsk " sabi nya na nakasimangot pa rin.
Baliw talaga to. Kasi naman, ang first subject namin ay---
"Let's solve word problems with a twist"
Napatingin ako sa nagsalita. Bigla akong napaupo ng maayos. Yan! Yang ang titser naming mahilig sa twist. Math pa naman ang pinag-uusapan. Mas lalong sasabog ang utak ko dahil sa imbentong twist na yan. Para daw mahasa yung utak namin sa trigo.
BINABASA MO ANG
15 STEPS TO GET YOUR CRUSH(The Unfinished Story)
Ficção Adolescente//THIS STORY IS A PROPERTY OF TAONGBALIW// The story tell us: How to get your crush and make that person like you as you do. Pero ang tanong, Makakatulong ba ang mga steps na ito kay Clar Mei ?