Day of friendship

38 2 0
                                    

Magkasama kami ni Alisha ngayon at kasalukuyang naglalakad sa corridor.

"Oy anong kadramahan na naman yan chum? "

 

"ha? may sinasabi ka?"

 

"di ka talaga nakikinig no? ang sabi ko anong kadramahan na naman yang ginagawa mo. Ngingiti ngiti ka kasi dyan e "

 

"w-wala lang. Masaya lng ako dahil naging kaibigan ko si Richard."

"wahaha.nakakatawa ka talaga chum"

 

"Anong nakakatawa? seryoso ako no."

 

"weh? di nga?"

 

"Sa maniwala ka man at sa maniwala,totoo nga ang sinasabi ko"

Binigyan nya lang ako ng hindi-naniniwala-look

" bakit ba hindi ka naniniwala? hindi ba kapani paniwala ang mukha ko?"

 

"oo"

 

"ewan ko sayo. Bahala ka." Iniikot ko na lang yung paningin ko sa iba.

Bahala sya dyan.Ayaw nyang maniwala eh.hmp.

 Sakto namang may lalaking lumabas sa isang room. Napakurap kurap ako ng mga hindi ko na mabilang kung ilan. 

"chum mauna ka nang umuwi" sabi ko na nakatingin pa rin sa isang lalaki.

"lagi namn talaga akong nauuna sa pag uwi.remember, mas malapit bahay namin kaysa sa inyo"

 

"Ay bopols, hindi yan ang ibig kong sabihin.What I mean is that hindi muna ako sasabay sa iyo ngayon,may pupuntahan pa ksi akong tao"

 

"sino ba kasi yan? sama na lang natin"

 

"Presidente ng pilipinas, okay lang sayo?" sarcastic kong sagot.

"Ano ba yan. wala na akong kasama, baka ano pang mangyari sa akin. Mahirap na, maganda pa naman ang binibiktima nila"

 

"buti na lang hindi ka maganda kaya ligtas ka"

 

"ANO?"

 

"sige na umalis ka na at aalis na rin ako.babooossh" sabi ko ng mapansin kong paalis na siya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

15 STEPS TO GET YOUR CRUSH(The Unfinished Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon