TGD121
Bitbit ang bote ng alak ay pumunta ako sa kwarto ko.
Nakita ko si Bea!
Halos madapa ako sa paglapit sa kanya.
Niyakap ko sya.
"Love you're here! Sabi ko na hindi totoo yung sinabi ni Stefan! Ako lang ang mahal mo di ba? Di ba love?"
Bella POV
Nagising ako na nakayakap sa akin si Damon.
Bahagya ko syang itinulak.
"Damon si Bella ako! Hindi ako ang asawa mo!" sabi ko na dali-daling umalis ng kama.
Humiga sya sa kama.
Nakatakip ang isang kamay nya sa mata nya.
Habang hawak pa rin ang bote ng alak sa kabila.
Nakatalikod na ako ng bigla syang nagsalita.
"Tell me Bella! May mali ba sa akin? Bakit nagawa sa akin ni Bea ito? Hindi ko ba sya nagawang pasayahin sa 3 months na magkarelasyon kami kaya nagawa nyang maghanap ng iba? Lahat naman ginawa ko para mapasaya sya! Pero bakit?"
Rinig ko ang garalgal sa boses nya.
Lumapit ako at kinuha ang bote ng alak.
Hinayaan naman nya ako.
Nasa gilid ako ng kama habang kinakausap sya.
"Walang mali sa'yo! Saksi ako kung gaano mo ipakita sa kanya na mahal mo sya. Hindi mo kasalanan kung hindi nya nakita yun!"
I'm sorry Damon!
I'm sorry kung nadamay ka sa away namin ni Bea.
She knew that I liked you kaya she did everything para mapunta ka sa kanya kahit na hindi ka naman nya mahal.
I thought I was okay with it dahil nakita ko naman na mahal mo sya.
Alam kong umiiyak na sya kahit hindi ko nakikita dahil nakatakip yung kamay nya.
And it hurts!
Nasasaktan ako para sa kanya.
At nasasaktan ako para sa sarili ko dahil yung lalaking pinakamamahal ko ay umiiyak para sa iba.
Rinig kong may kumatok.
Tumayo ako at sinilip ang kumakatok.
"Ma'am Bea, andyan na po ang kaibigan nyong si Nique!"
"Thanks Manang! Sige po susunod na ako."
Pagkasara ko ng pinto ay nakita kong nakaupo na si Damon sa kama.
"Aalis ka na?"
Tumango ako.
"Wala ng dahilan para manatili ako dito."
"Am I not reason enough for you to stay?"
"Damon...hindi ako si Bea!"
Namalayan ko na lang na nakaluhod na sya sa harap ko at nakayakap sa bewang ko.
"Please don't leave me! Please stay with me! Kahit ano gagawin ko para maging masaya ka lang sa piling ko!"
Paano mo ba matatanggihan yung taong mahal mo?
Alam kong mali dahil lasing si Damon at malamang si Bea ang nakikita nya habang ako ang nasa harap nya ngayon.
Alam kong masasaktan lang ako kapag nanatili ako pero...
Kinalas ko ang pagkakayakap nya sa akin.
Lumuhod ako sa harap nya at hinaplos ang pisngi nya na puno ng luha.
Tanga na kung tanga.
Pero hindi ko kayang makita na malungkot sya."Wag ka nang umiyak Damon! Hindi na ako aalis. I'll stay with you!"
BINABASA MO ANG
The Good Daughter
FanfictionBella married her twin sister Bea's fiancé, Damon on their wedding day. Damon believing Bella is to blame, exacts his revenge on Bella.