TGD 40

1.1K 71 7
                                    

Kinabukasan, nalaman kong pinaalis ni Daddy si Nana.

Simula rin noon ay tuluyan ng inangkin ni Bella ang pangalan ko.

At simula rin noon ay ginawa ni Bella ang lahat para masira ang pangalan ko sa mga magulang namin at sa ibang tao.

Until no one believed in me anymore.

She became the good daughter Bea and I became Bella the black sheep.

I lived as Bella for so long that I've forgotten how to live as Bea.

Pati nga yata puso ko naniwala na ako si Bella kaya hindi na ako inaatake.

Well except for that one time after the audition.

Thankfully, Nique and Ionne were with me.

Sila ang nagdala sa akin sa hospital.

And that's when I told them the truth about me.

Present

"I don't really know how to explain it Damon and I'm not even sure if you'll believe me..."

"Try me!"

"You know what my tattoo means?"

He shook his head.

"It's the symbol of a chimera. It serves as a reminder for me to not let my twin absorb me and make me vanish."

"What do you mean?"

Alam kong naguluhan sya sa sinabi ko.

I took a deep breath before plunging headlong with my story about who I really am.

Besides Nique and Ionne, wala na akong ibang sinabihan ng totoong pagkatao ko.

Takot kasi ako na hindi paniwalaan yung sasabihin ko.

Tahimik si Damon habang kinukwento ko ang lahat.

Wala na akong itinago.

I bared my soul to him.

Tahimik lang si Damon habang sinasabi ko ang lahat.

Hindi ko tuloy alam kung naniniwala ba sya o hindi.

"And that's how I became Bella..." pagtatapos ko.

Tumango-tango lang sya.

Pumikit ako.

"I want to rest Damon..." sabay higa at talikod sa kanya.

Pagkatalikod ko ay agad na naglandas ang luha sa pisngi ko.

Looks like he didn't believe me.

Naramdaman kong kinumutan nya ako.

Tumayo sya at narinig kong lumabas sya ng kwarto.

Pagkasara ng pinto ay kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Nique.

"I'm at the hospital. Please come and get me."

Wala na sigurong dahilan pa para manatili ako sa piling ni Damon.

Ilang minuto pa bago bumalik si Damon.

I pretend to be asleep.

Saglit pa ay naramdaman kong...

What is he doing?!?

Humiga sya sa kama at niyakap ako.

"Rest well mi bella esposa...my happiness..." sabay halik sa ulo ko.

D POV

Nagulat ako nang bigla syang humarap sa akin at kumikinang ang mga mata nya sa luha.

I sat up straight and held her face.

"Hey...why are you crying? Makakasama sa'yo ang umiyak..." sabi ko habang pinupunasan ang mga luha nya

"Akala ko kasi..."

"You thought what? That I didn't believe you?"

She nodded her head at lumuha na naman sya.

"Shhh...tahan na...kahit ano pa ang pangalan mo...hindi mababago non ang katotohanan na ikaw ang mahal ko...na ikaw ang itinitibok ng puso ko..."

Tumingin sya sa mga mata ko.

I can see the mix of fear and hope in her eyes.

"I just needed to confirm something with Stefan kaya medyo natagalan ang pag-uusap namin."

"Ano yon?"

Hinapit ko sya sa bewang.

She's now sitting on my lap.

"The fact that you are legally my wife...and that I can legally do this..." sabi ko sabay halik sa labi nya.

The Good DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon