K A B A N A T A 3

688 27 0
                                    

Nagising ako dahil sa napakabangong amoy dala ng niluluto ng kung sino.

"Hmmmm....ang bango naman nun." biglang labas ng mga salitang 'yon sa bibig ko.

Bumaba ako at tinungo ang kusina. Nakita ko 'don ang mamahal kong asawang nagluluto ng umagahan namin. Niyapos ko ito mula sa likod at hinalikan ito sa pisngi.

"Ay shet!" gulat na sabi nito

Natawa ako dito at dahil don naka-tanggap naman ako ng hampas sa dibdib at balikat.

"Aray naman love." sabi ko habang hawak ang balikat ko na hinampas nya.

"Sino may kasalanan? Diba ikaw? Yan, mangulat ka pa d'yan. Peste ka."

"Ikaw naman. Imbis na maging grateful dahil, isang gwapong lalake lang naman ang humalik sayo. You ungrateful woman." saad ko na kunwaring nagtatampo.

"Well sorry, cause Im sawa na sa kisses mo." mataray na sabi nito.

"Ah gan'on? Okay, di ka na makakatanggap ng unlimited kisses ko. Sinusumpa ko, mamamatay ka sa sobrang miss ng mga halik at yakap ko. You think I dont know that you can't live without my hugs and kisses? I know you can't live without my kiss on your forehead before we sleep. I know you don't feel your secured with me hugging you. Tsk, I know you'll suddenly miss all of those." sabi ko at umakyat sa kwarto.

Sabay higa sa kama at nagscroll nalang sa ig.

Wala pang isang minutong nandito ako sa kwarto ng bigla akong yakapin ni vice sa likod.

"Love, sorry na...." sabi nito

"Puro ka naman sorry, pero inuulit ulit mo rin naman. Edi wag ka na mag-sorry. Gawin mo nalang araw-araw for your satisfacation." sabi ko at lumayo sakanya dahilan para di nya na ako mayakap. Pero imbis na suyuin pa ako ay hinampas pa ako nito.

"Ano ba! Ang hirap mo parating suyuin! Bakit ka ba ganyan ha?! Di na kita maintindihan eh! Bakit mo ba kasi dinadamdam 'yong sinabi ko kanina!? May sinabi ba akong damdamin mo 'yon?!" sigaw nito sa'kin. Aba, s'ya pa yung galit. Ang galing naman talaga. Ako na nga 'tong galit ako pa yung aasahan n'yang suyuin s'ya. Apakagaling naman talaga.

"Wala ka naman sinabing damdamin ko 'yon, pero pinaparamdam mo sa'kin 'yon. Ano bang problema mo ha!? Baket parating ang sungit ko nalang sa'kin? Bakit parating pinaparamdam mo nalang sa'kin na wala na akong halaga sa buhay mo!? Bakit ganyan ka na!?" sigaw ko habang pinipigilang umiyak.

" 'yon na ba ang paglalambing mo ngayon ha!? Di mo ako maintindihan!? Pwes, mas lalong hindi kita maintindihan! Mahirap akong suyuin? Eh di ka naman kasi sanay na suyuin ako. Bakit? Ako kasi parati ang gumagawa non kahit na ikaw pa ang may kasalanan. Bakit ako ganyan? Eh ikaw? Bat ka din ba ganyan? Iba ka na ba!? Wag mo lang hintaying mapunta ako sa puntong sawang-sawa na ako." sabi ko at lumabas ng kwarto. Lumabas muna ako ng bahay at nag ikot-ikot sa subd para magpalamig, Tyaka para na rin pang pa-kalma.

Ng maisipan kong matulog muna ngayon sa condo ko. Buti nalang talaga. Kelangan ko s'yang turuan ng leksyon para matuto s'ya sa mga pagkakamali n'ya.

Ang problema, ay ang kotse ko. Nandun sa condo. Hmm, pano 'to ngayon? Teka! Mag co-commute nalang ako. Buti nalang andito yung wallet at phone ko sa bulsa.

Tuluyan na akong lumabas ng subd at naisipang mag grab nalang.
Agad namang dumating yung grab at wala pang isang oras ay nakadating na rin ako sa condo.

Nagpahinga na ako 'don at tinungo ang kwarto sa condo.
Sabay higa sa kama, at out of nowhere, tinitigan ko na lang ang kisame.

Sorry love, gusto ko mang kasama ka ngayon. Pero wala eh, kelangan mong matuto sa mga pagkakamali mo. Dahil kung hindi mo matutunan yung mga 'yon, uulit-ulit mo lang gawin 'yon.

Third Person's POV

At 'don ang dalawang magkasintahan ay pansamantalang nagkahiwalay para ayusin ang kani-kanilang problema.






again, sorry kung sobrang cringe. pero i'm not gonna rewrite the whole book na and leave as it is :)

addicted to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon