K A B A N A T A 6

565 20 0
                                    

"Oh anak? Aalis ka na ba?" tanong ni nanay zeny.

"Opo nay, magce-celebrate din po kasi ako ng birthday kasama si Vice. Alam nyo na po 'yon *wink*." sabi ko sabay mano sakanya.

"Osya, ingat sa byahe ah. Pero sure ka na ba na uuwi ka? Pagabi na kasi anak eh." sabi ni nanay

"Sure na po 'yon nay. Kelangan ko pong umuwi. 'Tyaka, may driver naman po akong kasama, s'ya naman po ang maghahatid sa'kin pauwi ng manila." sabi ko. Bumeso naman ako sakanya.

"Sige nay, muna na ku."
[: una na ako]
"Awa sige, mimingat ka ne?" sagot naman ni nanay
[: oo sige, ingat ka ha?]
"Awa sige, muna na ku. Labyu nay." sabi ko at bumeso ulit
[oo sige, mauna na ako]

Kaya umalis na ako at pumasok sa loob ng sasakyan

|after an hour....
Pagkadating ko ng bahay ay sinalubong kagad ako ni Vice sa labas. Patakbo itong lumapit sa'kin. At yinakap ako, pero parang nagpabuhat s'ya na ewan.
Basta yakap ko s'ya na buhat-buhat ko rin s'ya at the same time. Di ko s'ya binitawan kahit na bigat na bigat na ako sakanya.

"Love.....miss na miss na kita, ikaw kasi tagal umuwi." sabi nito na nagpapa-lambing pa.
"Nag bonding pa kase ako kasama yung mga kapatid ko, sorry mahal." sabi ko naman at hinalikan s'ya sa pisngi

"Its okay love..." sabi nito
"Pasok na tayo sa loob mahal, malamok sa labas oh, baka kagatin ka dito. Ako lang dapat kumagat sa'yo." mapangakit na sabi ko.
"Uhmm, pasok mo ko sa loob." pagbe-baby talk na tugon nito.

At, pinasok ko nga ito sa loob ng bahay gaya nga ng sabi n'ya habang buhat buhat parin s'iya. Nakayakap parin ito sakin pagpasok sa loob pero buhat ko ito. (Siguro naman naintindihan nyo yung nais kong iparating diba? Yung kung pano sya buhatin?? Basta nakayakap si meme kay daddi habang buhat sya ni daddi. Basta ganun. Alam kong iniimagine nyo yon haha. Basta, alam nyo ba ung kay kath? Yung nasa hongkong sila ni dj? Tas yumakap sakanya si kath then binuhat sya ni dj? Ganern sya)
Hindi parin kami bumitaw sa pagkakayakap ng isa't isa pero umupo ako sa sofa, buhat ko parin ito. Nakapaka-clingy talaga.
"I miss you." biglang bulong nito sa tenga ko
"I miss you more." tugon ko.
"I miss you most." bulong ulit nito
"I miss you much." sabi ko at nag sexy laugh
"Anong i miss u much?" tanong nito at nakitawa na rin.
"Kain na tayo love, nakahanda na yung foods 'don." aya nito
Tumango ako at binitbit ito papunta sa dining. Hanggang ngayon hindi parin ito bumababa. Gusto talaga magpalambing.
"Love, pano tayo kakain kung hindi ka bibitaw sa pagkakayakap mo sa'kin?" tanong ko rito.
"Uhmmm, ayoko pa," pabebeng saad nito.
"Love kakain na tayo." sabi ko. Inis na bumitaw ito sa'kin. At nagdabog pa. Aba, parang bata lang ah. Umupo ito ng padabog sa lamesa. Medyo natawa nalang ako sa inasta nito. Parang bata talaga minsan pag tinamaan ng saltik sa utak.
Sinuyo ko ito dahil ayokong mag-away kami ngayon na birthday ko.
"Halika na love, buhatin kita ulit kung gusto mo." sabi ko. Kelangan ko talaga habaan ang pasensya ko minsan. Gano'n talaga sa isang relasyon, dapat hinahabaan mo ang pasensya mo para makaiwas sa away. Kahit na hindi mo pa kasalanan yan ay kailangan mo talagang suyuin ang mahal mo, dahil kung hindi mo hahabaan ang pasensya mo; kung hindi mo s'ya iintindihin; kung parehas na mataas ang pride n'yo ay baka mas lumala lang ang away, at baka ito pa ang rason para sukuan ninyo ang isa't isa. Kaya ako, kung maari ay inintindi ko na lang din si Vice kahit na minsan ay sobra na s'ya; kahit minsan ay nakakapikon at nakakainis s'ya; kahit na madalas ay gusto n'yang nagpapalambing at sobra ng ang pagiging clingy n'ya ay hinahayaan ko nalang s'ya para hindi na kami mag-away pa.
"Hindi, okay lang love. Sorry kung masyado akong makulit at clingy kanina. Miss na miss lang kita kaya gusto kong magpa-lambing." sabi nito at ngumiti sa'kin. Minsan may magandang dulot rin talaga yung pag s-swing mood n'ya.
"Naiintindihan ko mahal. Kain na tayo." sabi ko at kinurot ang pisngi n'ya sabay halik rin dito.

Kumain kami, yun lang ang birthday celebration ko ngayong taon kasama ang mahal ko. Pangalawang taon ng birthday ko na kasama si Vice at masaya ako dahil hindi n'ya nakalimutang samahan akong i-celebrate ang kaarawan ko kahit na pa busy s'ya sa mga trabaho n'ya. And I'll always be grateful for that.
My birthday is very simple yet very important in my life. Because I was with the persons who are important to me and the ones who I really love.















Happy 25.2k reads sa FINALLY FOUND YOU natin!!!! Love ya'll💞
Take care!💫✨

addicted to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon