K A B A N A T A 7

567 16 2
                                    

Nagising ako sa mabangong amoy ng isang pagkain.
Inamoy-amoy ko pa ang aroma nito, ang bango talaga. Amoy—bawang ito na piniprito.
Kaya, bumaba ako para mas maamoy ko pa ang mabangong aroma nito.

Ng matungtong ko ang kitchen ay nakita ko ang aking asawa na nagluluto at naka-apron pa.
Dali-dali ko itong nilapitan at niyakap, binagyan ko pa ito ng isang mabilis na halik sa pisngi.
"Love ano ba yan! Nakaka-gulat ka naman! Aga-aga eh, landi!" sabi nito at napa-chuckle.
"Alam ko namang gustong gusto mo rin yung mga halik ko misis eh," sabi ko at hinalikan ito pero this time, sa kanyang ulo naman, narinig ko namang napa-chuckle ito ulit na may halong kilig.

Ng matapos ito sakanyang niluluto ay tinulungan ko s'yang ilapag ang mga pagkain na kanyang hinanda sa hapag-kainan.

"Love, is it good? Is there something na kulang sa lasa?" her asking me, trying to check out the taste of the food
"Wala naman love, bakit mo naman natanong? Masarap kaya." I said at nginitian s'ya. Ngumiti din ito pabalik
"Do you like the food?" she asked again. Tumango ako.
"Ofcourse, luto ng misis ko eh." sabi ko
She smiled.

"Glad to hear th—," di nya natuloy ang sasabihin n'ya ng biglang putulin s'ya ng doorbell galing sa labas.
Sabay kaming tumayo at lumabas ng bahay.
Nakita lang namin ang isang anyo ng babae. Naka-pink sya na lace dress tapos naka red heels, then medyo mahaba din ang buhok nito. Magkasing—tangkad lang sila ni ate anne pero mas matangkad lang s'ya ng konti. Maputi s'ya tapos makapal ang red lipstick sa labi, ang kapal din nung blush. Maganda ang postura nito, at mukha s'yang mayaman dahil nakita kong may sling bag s'ya na chanel na nakasabit sa balikat nito.

"Yes?" tanong ng asawa ko.

"Andito ba si Ion?" tanong nung babae. Huh? Pano n'ya ako nakilala? Tinignan naman ako ni vice. Di ko mawari kung ano yung expresyon ng mukha nito, hindi ko mabasa ang mukha nito. Anong nangyayare?

"Hanap ka," malamig na sabi ng asawa ko.
Nilapit n'ya ng bahagya ang bibig n'ya sa tenga ko.
"Bakit ka hinahanap ng babaeng yan? Ha? Pag ako nalaman ko lang talaga na nang-bababae ka, di ako magdadawalang isip na sipain ka papalabas dito sa earth." gigil na bulong nito sa'kin.

"Bakit? Anong kailangan mo sa'kin?" tanong ko.

Lumapit pa ako ng bahagya sa babae para mas makita ko ang mukha nito. Kung hindi ako nagkakamali si—Bea ito! Isa sa mga ex ko! Eh bakit nandito 'to? Ang akala ko nakalimutan na ako nito at kinasal na sa ibang lalake. At habang siya'y nagsasaya dati kasama ang kanyang lalake, ako naman non ay nasa bahay lang nagmumukmok at umiiyak dahil sa iniwan n'ya ako, kinalimutan ako at hindi man lang naalala na kami'y nagmamahalan dati. Nagkaroon kasi s'ya ng sakit non. Nakalimutan ko na ang sakit n'ya pero yung sakit n'ya yung unti-unting makakalimutan lahat nang alam n'ya. At ako pa ang una n'yang nakalimutan dahil 'don sa sakit n'ya na yon. Di ko lang talaga alam kung pa'no nya ako naalala ulit.

"Ion! Di mo na ba ako naalala?" masayang tanong nito.

"Kilala kita, ikaw si Bea diba? Ikaw yung babaeng iniwan ako kasi ako pa yung kauna-unahang nakalimutan mo, and btw, bakit mo ako kilala? Diba nga nakalimutan mo na ako?" sarkastikong tanong ko. Napatingin naman sakin si Vice, ang kaninang blankong expresyon ay napalitan na ng kuryosong mukha at basang-basa ko naman sa expresyon ng mukha nito na marami itong gustong itanong sa'kin.

Tumingin ulit ako kay Bea. "May asawa ka na diba? May asawa na rin ako eh," sabi ko at tumingin sa kanan ko kung nasaan ngayon si vice sabay hawak sa bewang n'ya

"Kaya umalis ka na," sabi ko at sabay na kaming pumasok sa loob ni vice. "Teka! M-may gusto lang naman akong sabihin sayo." sabi nito. Napatigil kami sa lugar kung san kami tumigil ni vice at hinintay ang sasabihin n'ya.

"Naalala na kita babe," sabi nito

"Oh ano naman?" sabi ko

"Naalala ko lahat after 3 years. Sorry kung iniwan kita, sorry kung nakalimutan kita. It wasn't intentional. I didn't told you about my condition before because I don't want you to worry and im afraid if I told you about that, iwanan mo ako. Harry—my husband, anulled na rin kami, uhm not because of you but alam mo na, misunderstandings and realized that we really don't love each other at nagsawa na sa isa't isa—" pinutol ko ito. "Teka, bakit mo ba sinasabi 'to lahat sa'kin? Ano namang pakelam ko sainyo kung nag-break na kayo?" matigas na tugon ko

"I just tought, maybe we'll give us a chance together again?" she said. Napatigil ang mundo ko—ano daw?

give us a chance again?
give us a chance again?
give us a chance again?

Ilang beses bumilog sa utak ko 'yon. Could I give her, we, a chance again? Pano si Vice kung ganon?













Hai!!!! [belated] Merry christmas sainyong lahat!!! I hope ya'll have your very merry christmas😘
Hope ya'll enjoy our today's chapter!
Love ya'll!❤️🎉

addicted to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon