Bagong araw na naman at hindi ako magpapasundo kay Ate Zereen dahil napag-usapan namin nina Keira at Carl na sabay sabay na lang kaming pumunta sa school since pare-parehas lang kami ng street na dinadaanan.
Ibang-iba sila sa mga kaibigan ko dati. Komportable ako sa kanila kahit ilang araw pa lang kaming magkakakilala...
At mamaya naman sa sobrang attach mo sa kanila, iiwan ka din naman pala
nako tigilan mo ko inner self
"TAO PO!" Rinig kong sigaw mula sa labas.
"BUNSO, MAY BISITA KA!" Sambit naman ni Nanay
"Hala, 'di pa ako nakapag-bihis. Pasok muna kayo, saglit lang ah"
Umupo naman sila sa salas at naririnig ko silang nag ke kwentuhan. 'Di ko alam kung paanong ganon na sila kalapit sa isa't isa.Ni ako nga ay 'di ko mahampas si Keira, si Carl pa kaya? Pero si Keira, komportable kay Carl. Siguro may kaugnayan na sila dati pa...ano bang pinag-iisip ko?
Well, whateva! Minadali ko na ang pagbibihis at pumunta sa salas.
"Anong klaseng plano, yon? HAHAHA. Siraulo ka talaga, Carl"
Sambit ni Keira habang tumatawa at hinahampas si CarlAnong meron?
"Uhm..tapos na ako, anong pinag-uusapan niyo?" Nagkatinginan silang dalawa sa tanong ko. Naramdaman ko ang pag-lagok ni Carl kaya kahit ako ay kinabahan.
"Ah, pina-plano namin kung anong mga gagawin sa gala after kong mag vlog. Saglit lang naman 'yun"
Inaya ko na lang sila sa labas habang patuloy pa ring nag-uusap
"Anong content mo sa gagawin mong vlog?" Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko..
"hmm...'pano kung "Back to the PH"?" Suggest ko...ngumiti naman siya at inakbayan ako
"Ang galingg moooo. Kanina pa ako nag-iisip. Tapos sasabihin ko na I'm so lucky na nakita at nakilala ko kayong dalawa" Sabi pa niya at hinigpitan ang akbay sa'ming dalawa ni Carl"Enough, mababali leeg ko sa'yo" Pagsusungit ni Carl
"Sus mabilis kaya tumanda ang mga masusungit, hmp" ani naman ni Keira na itinawa ko."Ewan ko sa inyo, pinag ti tripan niyo ko palagi"
"Pikon ka lang" Mahina kong sambit
"Ano 'yon Zai?" Sambit naman ni Carl na ikinagulat ko
'Pano muna 'yung gulat, Zai?
Nako inner self tigilan mo ko hah
"Narinig mo 'yon?"
"*pout* 'di ako pikon" pft hahahha
"Sus..pa kyut" Aniko na ikinasungit naman niya. Daig niya pa ang may regla kung sumungit. Kurutin ko pisngi mo diyan eh...hmp
"Hala..." napatingin kami ni Carl kay Keira
"Oh 'bat?" tanong ni Carl
"..ngayon siya lilipat"
"Landi mo" Sambit ni Carl. Binatukan ko siya na naging dahilan ng pagkunot-noo niya.Sungit talaga
"'di ka relate kasi 'di ka babae, duh" palag naman ni Keira sa kanya
"tsss"*****
Umabot sa school ang pang ti trip namin sa kaisa-isang Ginoo na kasama namin. Kawawang Carl.
"*ehem" Pagkukusang ubo ni Keira nang hindi naka tingin sa amin.
"Sino na namang nakita mo?" Iritang tanong ni Carl
"Nako, pinanganak ka nang mainit palagi ang ulo, ano? Selos ka ba na may nakikita siyang iba?" tuloy-tuloy kong pagsasalita..at 'di ko na napansin ang mga sinasabi ko....
BINABASA MO ANG
Unexpected Reality | ONGOING
Teen FictionMay mga hindi inaasahang pangyayari. Maaaring sa paaralan, buhay, o pag-ibig man 'yan. Ano ba ang mga bagay na hindi inaasahan? Who knows? Expect the Unexpected It's Unexpected Reality 08•28•18 Revised Edition: 05•06•19