Sumunod na lang ako sa dalawa. Wala akong binili. Sinamahan ko lang sila. Ayoko talaga nang nakikipag salamuha sa mga tao.
Marahil nung nakaraan school year, fame whore ako. Pero ngayon, para akong makahiya na tignan mo lang, iiwas na agad ng tingin sayo
Nagsisimula na akong maging "introvert".
"Zai, what would you like to eat? My treat" Tanong ni Binibini na sinamahan niya ng malambing na ngiti
Tumingin ako sa 'menu'...
"Sapat na ang orange juice, binibini" Tugon ko sabay ngiti
Tumingin lang ako kay Carl. Tuwing nagtatagpo ang paningin namin, agad siyang umiiwas. At kapag napapalapit ako sa kanya, lumalayo siya at lumalapit kay Keira...
Isang napakagandang opurtunidad na tawagin siyang 'Carl'. Pero masakit pa din kasi alam mong napasama ka lang sa isa na marahil na 'gusto niyang tao' kaya hinayaan ka niyang tawagin sa espesyal niyang palayaw.
Bakit ka ba nag da drama diyan, Zairah?
Sorry na. Nag o overthink lang ako, self. Para kasing sali sali lang ako dito...ewan..basta anggulo ko
"Binibining Zairah" Ahh kabayo!
"AH KABAYO!" Ayan sige mag drama ka pa, Zairah.....
"*sighed
tinalo mo lang ako sa rankings last year, naging kabayo na ako? Hahanap lang ako ng mauupuan. Kakawayan ko na lang kayo pag tapos na kayo diyan" -_- ok, bebe boy nyehehe
bat ba anlandi ko ngayon, hah? Tinamaan na naman ako sa kanya ih...yieee hahaha...
Zairah uminom ka na nga ng gamot mo, nababaliw ka na naman eh...
Oo self, baliw na baliw sa kanya...biro langgg...gutom lang talaga to eh..hays
Habang bitbit ni Keira yung kakainin niya, agad na akong tumulong. Mukang nabibigatan siya. Tumingin naman ako sa paligid, at nakita ko si Carl na kinakawayan kami.
"Doon daw tayo, Keira" Sabi ko sa kanya sabay ng pagtango niya sa akin.
Tatlo lang ang upuan ng mesang to. Dalawa ang pwedeng umupo sa kinauupuan ni Carl, habang isa lang dun sa left side.
Uupo na sana ako sa isang upuan ng makita kong nakaupo na pala dun si Binibining Keira. Umusog na lang si Ginoong Carl, meaning na dun na lang talaga ako uupo
Akalain mo nga naman, dalawang taon kong crush tong hinayupak na to at pinagpapantasyahan ko lang noon tapos ngayon katabi ko na nuh?
Pero Zai, anong Big Deal dun?
Wala lang, ansarap lang sa feeling huehue. Kahit inaway ko to kanina, nako, lab na lab ko to.
Zairah, tumigil ka nga ang landi mo!
KJ talaga netong inner self ko eh. Hmph. Eto na nga po titigil na.
"Gusto mo sandwich, Binibining Keira? Naparami ata ako ng bili, eh" Tanong ni Carl habang inaabot kay Keira yung pagkain
"Ibigay mo na lang kay Zai, Ginoo. Baka tumaba na naman ako -_-" Sabi niya. Ang kyut ng pisngi niya...hmph kakainggit. Sana lahat maganda.
Nakarinig ako ng bulung bulungan sa canteen. Hmmm...
"Is that Keira Isabelle? Siya 'yung sumisikat na vlogger diba?"
"Omo, that Keira. She's still pretty sa personal"
BINABASA MO ANG
Unexpected Reality | ONGOING
Teen FictionMay mga hindi inaasahang pangyayari. Maaaring sa paaralan, buhay, o pag-ibig man 'yan. Ano ba ang mga bagay na hindi inaasahan? Who knows? Expect the Unexpected It's Unexpected Reality 08•28•18 Revised Edition: 05•06•19